Ang Galit na si Donya Cecilia
"BAKIT Maria? Sino ba ang gusto mo?"
Natigilan si Senyorita Maria sa tanong. Hindi magawang bumigkas ng pangalan ang kaniyang mga labi. Habang si Thomas naman ay napangiting muli sa kinatatayuan nito na tila kinikilig sa kabila ng mainit na usapan ng ni Senyorita Maria at ng ina nito sa hapag.
"Maria." Tinitigan ni Donya Cecilia ang mga matang nagsusumigaw ni Maria, "Huwag na huwag kang magbanggit ng pangalang hindi Maharlika sapagkat hindi mo alam kung anong kaya kong gawin kapag ako'y nagalit sa sagot mo."
Dahil sa bumubugsong galit ni Senyorita Maria bunga ng sinabi ng kaniyang ina ay marahas siyang tumayo at umalis sa kusina...
Nang susundan na sana ito ni Thomas ay pinigilan siya ni Donya Cecilia... "Thomas, hayaan mo muna si Maria. Manatili ka lang rito't may paguusaaan pa tayo," nanlalanding tugon ni Donya Cecilia sa nahintong si Thomas.
"Cecilia, wala ka na ba talagang respeto sa asawa mo't nanglalandi ka ng binatang sundalo sa harap ko?" ani Don Tiago sa mababang boses.
Natulala ang Donya.
"Thomas! Sundan mo si Maria at baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya," utos ni Don Tiago at masigasig namang sinunod ni Thomas ang utos sa kanya.
Lumabas na si Thomasa sa silid kainan gunit bago pa siya magtungo sa garbosong hagdanan paakyat ay narinig niyang nagsusumigaw si Donya Cecilia mula sa pinanggalingan niya.
"Oo! Gusto ko ng mga makikisig na sundalo Tiago! Uhaw na uhaw ang katawan ko sa mga makikisig, malilinis, at mababangong sundalo! Sukang-suka na ako sa katulad mong tumatanda na ang nag-aamoy lupa na! Sukang-suka na ako!"
Hindi na itinuloy ni Thomas ang pakikinig at bumaba na siya ng hagdan. Nang makarating siya sa tapat ng kuwarto ng Senyorita ay akma na sana siyang kakatok ngunit hindi niya nagawa nang tinawag siya ni Manang Isme nang makalapit ito sa kaniya.
"Thoma, mag-usap muna tayo."
"Sige Mamang Isme. Walang problema."
* * *
"NAKAKALUNGKOT isipin ganoong kabilis kinuha ang buhay niya," ani Manang Isme kay Thomas rito sa gazebo. Hindi muna sumagot si Thomas at nilaanan niya muna ng tingin ang kambal ni Manang Isme na humagagulhol sa hindi kalayuan habang pinapatahan ng kanilang amang si Pedro."Pero Manang Isme, pag-alis natin ay tumatawa-tawa pa nga siya noong ibinigay niya kay Senyorita Maria ang libro ni Makatang Pluma at ang sangdakot sa perlas," ani Thomas.
Malungkot at halos tulalang sumagot si Manang Isme. "Sabi ng nagbahagi ng impormasyon sa aking asawa na si Pedro habang siya ay namamasahero gamit ang kalesa, ang maiabot kay Senyorita Maria ang libro at ang mga perlas ang huling hiling ni Lolo Gancio bago ito kunin ng bathala. Kahit pa kanina ay tila masigla ito, ilaw araw na pala raw iyong nahihirapang makatayo at makahinga. Nagulat nga raw sila kanina't naging masigla ito nang makita at makasama si Senyorita Maria sa piyesta ng baybayin. Tila ilang buwan daw itong naghintay makita lamang ang Senyorita."
Maya-maya pa ay biglang bumigat ang pakiramdam ni Thomas, namula ang gilid ng kaniyang mga mata ngunit pinigilan niyang may magtaksil na luha. "Ako na ang magsasabi sa Senyorita patungkol sa balitang ito Manang Isme."
"Sige Thomas. Dahan-dahanin mo ang pagsabi kay Senyorita't huwag mo siyang biglain."
Nang umalis sa harap ni Manang Isme ay nakita niyang muli ang humahagulhol na si Samuel at Esmael at nang lagpasan niya ang mga ito at wala ng nakakita sa kanya ay doon na may tumakas na luha sa kaniyang mga mata.
"Bis vivit qui bene vivit." (He lives twice who lives well) bulong ni Thomas sa ere para namayapang si Lolo Gancio. At nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata ay naalala niya ang mga ngiti nito.
Nang makarating siya tapat ng pintuan ng kuwato ng Senyorita ay hindi na siya kumatok at mabilis lang siyang pumasok. At nang mahagilap ang Senyoritang nakatayo sa tapat ng bintana at tinatanaw ang mga bituin ay mabilis niya iyong niyakap.
"T-thomas? A-anong ginagawa mo?" ani Senyorita habang namimilog ang mga mata dahil sa labis na pagkagulat sa biglaang pagpasok ni Thomas sa kuwarto nito. Mayamaya pa ay mabilis na yumakap si Thomas sa kaniya.
"Bis vivit qui bene vivit," sagot niya sa tanong ng Senyorita.
"H-hindi kita maintindihan Thomas..." anito.
"Wala na siya Maria."
"S-sinong wala na?"
"Si Lolo Gancio..." sagot ni Thomas at mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap kay Maria nang maramdaman nitong nawalan ito ng lakas dahil sa sinabi niya.
"Paanong? Teka? Nagbibiro ka ba? Si Lolo Gancio, sumayaw-sayaw pa nga---"
"Hababang namamasda si Mang Pedro gamit ang kalesa pagkatapos tayong ihatid dito, may isa pang namamasdang galing sa baybayin na nagsabi sa kanyang na sa pag-alis natin ay nawalan na raw ng buhay si Lolo Gancio..."
"Hindi. Hindi 'yan totoo." Humagulhol ang Senyorita. "Kailangan ko siyang puntahan para malaman ko kong totoo."
Mabilis na itinulak ni Senyorita si Thomas, umiiyak itong lumabas kuwarto at hinahanap ang kaniyang ina. At nang mahanap ito sa balkonahe sa ikawalang palapag na may tangan-tangang kupita at nakatingin lang sa kabuuan ng Pueblo Maharlika.
Mabilis siyang humingi ng pabor dito. "Mama? Maari ba akong bumalik sa babayin? Nakatanggap kasi kami ng balita na pumanaw na raw ang pinuno ng mga mangingisda na si Lolo Gancio. Gusto ko kasing kumpirmahin kung totoo ba ang aming natanggap na impormasyon."
"Malalim na ang gabi Maria, baka mapahamak ka," malamig na pagdisaporba ni Donya Cecilia na hindi man lang naglaan ng tingin sa anak niyang si Senyorita Maria na halos lumuhod na sa harapan niya.
"Ngunit magpapasama naman ako kay Thomas Mama. Ilalayo niya ako sa kapahamakan," pagmamakaawa ni Senyorita Maria.
Ngumisi si Donya Cecilia, "Thomas. Thomas. Thomas. Gusto mo ba ang sundalong iyon ha? Gusto mo ba!?" Nagulat si Senyorita Maria sa sinabi ng ina ngunit mabilis siyang sumagot, "Mama! Hindi ito tungkol kay Thomas! Tungkol 'to sa pinuno ng mangingisda!"
"Hindi. Hindi ka puwedeng lumabas. At ano bang pakialam mo kung mamatay man ang inutil na matandang iyon? Maharlika ka at hindi ka nararapat na maaawa sa mga mababang antas kaya kung sino pa ang mamatay diyan ay wala kang pakialam! Naintindihan mo!?" nanlilisik matang sigaw ni Donya Cecilia.
"Mama! Naririnig mo ba ang mga sinasabi ninyo? Asawa ka ng pinuno ng Pueblo Maharlika at isa sa obligasyon mong pahalagahan ang mga taong pinamumunuan ni Papa."
Tumawa si Donya Cecilia matapos pakinggan ang sinabi ng anak niya. "Sa tingin mo pinapahalagan ko ang mga inutil na iyon? Maria! Gumising ka! Anong mapapala natin sa pagpapahalaga ng mga duming iyon?"
Napaatras si Maria sa sinabi ng ina. Hindi siya makapaniwalang narinig niya ito mula sa bibig ng sarili niyang ina.
"Pagsisihan mo ang mga sinabi mo Mama. Pagsisihan mo!"
"Maria!"
Bumalik na si Maria sa loob ng kuwarto at nang sundan siya roon ni Thomas ay mabilis siyang nagpunta sa kubeta at doon binuhos ang nararamdaman. Hindi niya matanggap na wala na si Lolo Gancio. Narinig niya ang ilang katok mula kay Thomas pero hindi niya ito pinansin hanggang sa...
"Cath? Cath! Umiiyak ka ba?" Nang marinig niya si Flora ay mabilis siyang lumabas sa kubeta.
"Oh! Nakabalik ka na sa kasalukuyan!" Gulat na gulat na ani Flora nang yakapin siya ni Catherine. Mas lalo siyang nagulat nang marinig niya itong humagulhol.
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...