Kasing Laki
"Cath...." Narinig ni Catherine na binigkas ng kaibigan niyang si Flora ang kaniyang pangalan. At sa pagbigkas niyon ng pangalan niya ay alam niyang gustong humingi nito sa kanya ng tulong. Pero alam ni Cath na sa puntong ito na bigla silang nahila sa nakaraan ay alam niyang wala siyang maiututulong kay Flora maliban na lang sa tulungan itong maghinatay hanggang sa kung kailan sila makakabalik sa kasalukuyan.
Si Catherine o si Senyorita Maria T' Guibilin sa oras na ito ay nasa may labasan ng Pueblo Maharlika, the same spot kung saan siya nakatayo kanina kung saan ay pinagmamasdan niya si Flora na maaayos na makatawid sa kalsada.
Nang nilibot niya ang kaniyang paningin ay natagpuan niyang kasa-kasama niya si Manang Isme, si Samuel at Esmael, ang dalawang kastilang guwardiya ng kaniyang ina at si Thomas na seryoso ang tindig habang nakatayo lang sa may gilid niya.
Na-miss niya si Thomas pero hindi ito ang tamang oras para pangibabawan siya ng nararamdaman niya.
"Oo Amiga! Ito ang aking anak na si Floresa. Kakarating lang nito mula sa Europa kagabi. Sumakay siya sa barko ng mga maharlika na halos naglayag ng isang buwan sa laot."
Nakitang parehong mga mata ni Catherine na nagtagpo ang babaeng ang pangalan ay Lorna at kaniyang Mama na si Donya Ceclia sa gitna ng daan. Kasama ni Lorna ang anak nitong si Floresa o Flora. Kasa-kasama rin nila ang isang babaeng aliping namanahay na tiga-paypay kay Floresa at pati na rin ang tatlong guwardiya na nasa likod nito.
"Kay gandang binibini," hinaplos ni Donya Cecilia ang nakapalambot na pisngi ni Floresa. Nakita naman ni Catherine na nanginig ang kaniyang matalik na kaibigan nang gawin iyon ng kaniyang ina.
"Pakiwari ko'y natakot siya sa mukha ng iyong ina..." ani Thomas sa gilid ni Catherine, nainia siya kaya kinurot niya ang ilalim ng maumbok na puwetan ni Thomas. Natatawang nagpigil si Thomas ng pagtawa. Lumabas bigla ang dimple nito. Namula si Catherine.
"Senyorita, naiinitan ka ba? Papaypayan na ba kita?" alok ni Manang Isme.
"Ayos lang Manang Isme. Paki-sapak na lang po si Thomas dahil kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig nito," aniya at natawa na lang si Manang Isme. Hindi naman kumibo si Thomas na nagpipigil pa ring hindi matawa.
"Ang ganda niya..." mahina at sabay na bulong ni Samuel at Esmael na nasa gilid ng kanilang ina na si Manang Isme. Pinapatungkulan ng kambal si Floresa, nabibighani sila sa ganda nito.
"At ito ba si Maria?" Lumapit si Lorna kay Catherine kasama ang Mama niya at pati na si Floresa.
"Huwag niyo akong hawakan..." ani Catherine nang umamba itong haplusin ang kaniyang pisngi gamit ang kamay nito na amoy santol.
Nagulat si Donya Cecilia sa inasal ni Senyorita Maria kaya mabilis niya itong nilapitan.... "Umayos ka." Pinalisikan niya ito nang mga mata at nang bumalik ang atensiyon kay Donya Lorna at sa anak nitong si Floresa ay mabilis na naging masayahin ang mga mukha ni Donya Cecilia.
"Lorna, pasensiya ka na at itong anak kong si Maria ay konserbatibo at sensitbong babae. Alam mo na, dalagang pilipina."
"Na maharlika..." dagdag ni Lora.
"Tama ka riyan Lorna," ani Donya Cecilia. Tumawa ito ng peke.
"Tiyak na kagaya natin ay magiging matalik na mag-amiga rin si Floresa at Maria," ngiting tugon ni Lorna at sabay na ipinalapit ang anak na si Floresa kay Maria.
Sa mga mata nina Thomas, Manang Isme, Samuel, Esmael, Donya Cecilia, Donya Lorna at pati na ang mga guwardiya ay nakita nilang nangngitian si Senyorita Maria at Floresa, pero sa mga mata ni Catherine at Flora ay kaba ang parehong nakikita nila sa mga mata nila.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...