Sumikip
"BAKIT hindi mo na lang isama sa reporma ang gusto ng pinuno ng kuwartel na si Alfonso Divinagracia? Napaka-simple lang ng gusto niya? Na ang kung sino sa mga mababang antas ang makahuli o makapatay kay Makatang Pluma ay magiging isang maharlika? Anong mahirap doon Tiago?" Mataas ang tono ng boses ni Donya Cecilia nang sabihin niya iyon sa asawang si Don Tiago na hindi naituloy ang pagkain ng karneng kakahiwa lang nito sa platito.
Bago sumagot ay tinignan ni Don Tiiago na si Senyorita Maria na nasa gilid lang niya at tila naghihintay din ng sagot niya. Pati na rin ang guwardiyang si Thomas nasa may pasukan ng kusina at ang mga aliping nasa malapit lang ay pinukulan niya rin ng tingin.
"Cecilia, masyadong sensitibo ang usaping ito. Papagusapan natin ito ng masinsinan," kalmadong sagot ni Don Tiago.
"Bakit? Dahil ba may mga alipin na nakikinig sa atin!?" Umalingawngaw ang boses ni Donya Cecilia sa silid kainan. Sa sigaw niyang iyon ay napayuko naman ang mga alipin na naghihintay lang ng utos. Nanatili namang nakamasid ang seryosong si Thomas sa paksang pinag-uusapan ng parehong magulang ni Senyorita Maria.
"Huh!" Bumuga ng hangin na may kasamang ngisi si Donya Cecilia, "Kahit pa mapakinggan ng mga mangmang na aliping nandito ang patungkol sa reporma ay wala pa rin silang magagawa. Ni hindi nga 'yan makabasa't makasulat eh, o kung makabasa man ay parang pagong. At isa pa, kapag ang mangmang ay ipinanganak na mangmang, mananatili itong mga mangmang. Tignan mo ang magulang ni Petrusa," sabay turo sa aliping nagsasalok ng tubig sa pitsel papunta sa kopita ni Maria, "Mga malalaking mangmang ang mga magulang niyan! Nag-aani ng ginto sa minahan pero anong ginawa? Ipinagpalit ang mga ginto sa isang radyo?" Humalakhak si Donya Cecilia. Nakita naman ni Maria na nanginig ang kamay ni Petrusa at maya-maya ay narinig niya itong humikbi.
"Kaya Tiago, huwag kang matakot na sa mga alipin na'to. Ibulong mo man o ipagsigawan ang patungkol sa reporma, mananatili ang mga inutil na ito na mang-mang habang buhay."
Bagamat hindi si Catherine ang pinapatungkulan ng sinabing iyon ni Donya Cecilia, ramdam niya hanggang buto ang mga sakit na dala ng mga sinabi nito. Hindi niya mawari sa kaniyang isipan na may ganito pala talagang tao,---sa kasalukuyan man o sa nakaraan---na nanlalamang ng kapwa nila at nangde-degrade ng dangal.
For her, another question was answered. Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit siya nahihila sa nakaraan---ang maipakita ni Senyorita Maria sa kanya ang mga alaala nito patungkol sa pagtataksil ng mga magulang nito sa Pueblo Maharlika.
Kahit isang tanong ang medyo malabong nasagot, may mga tanong namang nadagdag pa sa kaniyang listahan.
Una, bakit parang takot si Donyo Tiago na malaman ng mga alipin ang patungkol sa reporma kung gayong maisasapubliko rin naman ito?
Pangalawa, bakit mukhang apektado si Donya Cecilia at Don Tiago sa reporma kung gayong mababang antas lang ang sakop nito?
Pangatlo, sino si Makatang Pluma na mukhang kinakatakutan ng mga Kastila at ng mga traydor na maharlika?
Kahit may tatlong araw na lang na natitira si Catherine rito sa Pueblo ay hindi siya masyadong nababahala sapagkat kapag napupunta siya sa nakaraan ay maliit o halos wala namang oras na nakakaltas sa kaniya sa kasulukuyang panahon. Pakiramdam niya rin naman ay malapit na sa wakas masagot ang mga katanungan niya.
"Hija, pareho kaming may magkahiwalay na lakad ngayon ng iyong ama. May isang gaganaping piyesta sa baybayin ng Pueblo at kailangan na isa sa miyembro ng ating pamilya ang may marepresenta kaya't maari bang ikaw muna ang magpunta?" ani ng kanyang ina.
"S-sige po," ngiting matamis ang ipinukol ni Catherine sa ina.
"At hihiramin ko lang saglit ang iyong guwardiyang si Thomas kaya't ang kambal na lang si Esmael at Samuel ang sasama sa iyo papunta sa baybayin..." malambing na sangguni ng kaniyang ina sabay lipad ng mga uhaw ng tingin kay Thomas na siyang ikinakulo ng butsi ni Catherine.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...