C H A P T E R 6

4.6K 141 30
                                    

Itatanan

"NAGPAHANGIN lang po ako, ang init na po kasi sa bulwagan." Nakangiting nagpaliwanag si Senyorita Maria T' Guiblin o Catherine Cruz sa kasalukuyan panahon.

"Pinagalala mo ako Hija, maraming hukbong pakalat-kalat sa labas na maaring dumakip sa iyo," sambit ng kaniyang inang alalang-alala sa kanya. Nang makarating siya rito'y nadatnan niyang nagkakagulo ang mga bisita sa pagdiriwang dahil sa pagkawala niya. Halatang nadismaya rin Don Tiago sa ginawa ng anak at nakakunot lang ang noo nito habang niyayakap ng asawa ang kaniyang anak.

Rinig na rinig ang mga bulungan ng prayle, mga maharlika at mga kastila rito sa kinatatayuan nila. Si Esmael at si Samuel ay nakayuko lang sa harap ng pamilya. Habang ang kanilang ina na si Manang Isme na alipin din ng pamilya ng mga T' Guibilin ay kasakuluyang humahagulhol dahil sa pagpapahiya ni Don Tiago nito sa kaniya bago pa makarating si Senyorita Maria rito sa Casa de Hotel. Nakaigting naman ang panga ng asawa ni Manang Isme na may ari ng Qalesang sinakyan ng Senyorita, bakas sa pagyuko nito at panlilisik ng mga mata sa lupa ang galit nito kay Don Tiago lalo pa't mababakas sa kanang pisngi ni Mamang Isme ang paghataw ng kamay ni Don Tiago.

"Masaya kaming walang masamang nangyari sa anak mo Don Tiago pero kami ay nalulungkot dahil kaniyang nasira ang kasiyahang ipinagdiriwang kanina sa bulwagan." Ani Berlinda nang lumapit ito sa puwesto ng mga T' Guibilin, siya ang maybahay ng kanang kamay ni Don Tiago na si Pablo, mga Cervantes, ang bagong kasal.

"Ako'y labis na humihingi ng despensa para aking anak Berlinda. Hayaan mo't papatawan ko ng karampatang leksiyon ang mga alipin naming naging pabaya sa anak ko."

Ngumisi si Berlinda sa sinabi ng Donyo habang nakatingin sa mga alipin ng pamilya T'guibilin na si Esmael, Samuel, Manang Isme at ang asawa nito. Maya-maya pa ay nagsialisan na ang mga bisita. Ang iba'y naglakad lang at ang iba'y sumakay naman sa mga pagmamay-ari nilang kalesa.

Pagmamay-ari ng pamilya T' Guibilin ang Casa de Hotel kaya't sila ang naiwan rito. May apat na matitibay na gusaling gawa sa espesyal na kahoy ang Casa de Hotel. At isa sa mga ito ay tinutuluyan ng pamilya T' Guibilin.

Hindi na umimik ang Donyo at naglakad na ito papunta sa likurang bahagi ng harapang gusali. Sumunod naman si Esmael, Samuel, Manang Isme at pati na ang asawa nito.

"Teka, saan sila pupunta?" Ang tinutukoy ni Catherine sa tanong niyang ibinato sa ere ay ang mga alipin ng Mama at Papa niya.

"Dahil hindi ka nila nabantayang maayos, rarapatan sila ng akmang parusa," malungkot na tinitigan ni Donya Cecilia ang parte ng Casa De Hotel kung saan nagtungo ang asawa niya at ang mga alipin.

Namilog naman ang mga mata ni Catherine sa narinig sa kanyang ina. "Teka lang, bakit sila paparusahan eh ako naman ang umalis? Tsaka hindi ba anak niyo ako, obligasyon niyong bantayan ako at hindi ng ibang tao---"

Lumagapak ang kamay ni Donya Cecilia sa pisngi ni Catherine. Nang-iigting ang mga paa nito at nanlilisik ang mga mata nang sampalin siya.

"Maria, hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan sa harap ng iyong ina," ani Donya Cecilia kay Catherine na natulala sa ginawa nito sa kanya.

"Pasensiya na hija, hindi ko sinadayang sampalin ka. Ako'y labis lamang na nagulat sa iyong sinabi." Hinagkan ni Donya Cecilia si Catherine na tulala pa rin at pilit pa ring nirerehistro sa isip niya ang sampal na iyon. Sa pananatili niya sa puder ng kaniyang Lolo at Lola sa reyalidad o sa kasalukuyang panahon, ni minsan ay hindi siya nakatanggap ng sampal. Ngayon lang.

Kinuyom ni Catherine ang kamao, kahit gusto niyang suntukin ang mukha nitong Donyang nasa harap niya ay pinigilan niya ang sarili niya. She needs to act like Senyorita Maria T' Guibilin. Mahinhin, pino, at dalagang Pilipina.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon