Silakbo
UMALINGAWNGAW ang serena ng ambulansya. Nang magkatagpo sa gitna ng daan ang ambulansya at mini-cooper ni Josh kung saan nakasakay ang duguan at walang malay na si Catherine, ang umiiyak na si Flora, ang concern na si Ezamuel at ang nagmamanehong si Josh ay mabilis nilang inilipat si Cath sa ambulansyang iyon.
"Ako ang nakabangga sa kanya," ani Josh sa mga nurse na pinipilit na huwag siyang papasukin sa loob ng ambulansya.
Tumango na ang mga nurse at nang naipasok na si Catherine sa loob ay sumunod naman si Josh.
"Use my car," ani Josh kay Ezamuel sabay bato ng susi. Nang umandar ang ambulansya ay niratsada na rin ni Ezamuel sa daan ang mini-cooper ni Josh kung saan ay kasama niya ang umiiyak na si Flora.
Habang busy ang mga nurse sa paglalapat ng first aid kay Catherine ay pilit namang inaalala ni Josh ang nanyari kanina. He was hundred percent sure na malayo pa lang ay bi-nreak na niya ang mini cooper ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo.
* * *
"Okay naman po siya. Wala naman po siyang internal bleeding. Sadyang nahimatay lang siya dahil sa medyo may kalakasang impact ng kotse sa hips niya. Panigurado rin po na pagkagising niya ay dadaing siya ng matinding papanakit ng katawan."Parehong napahinga ng malalim si Josh at Flora. Parehong natanggal na sa katawan nila ang kaba.
"Nakakainis kasi 'tong si Cath eh. Tumawid na lang ng basta-basta," ani Flora.
"No, it wad actually my fault. Kung hindi lang sana ako nagpatakbo ng mabilis, hindi ko sana nabangga si Cath," aminadong sabi ni Josh.
Pagkatapos ng sisihan at aminan, naitanong ni Flora kung sino itong si Josh, kung paanong kilala nito si Catherine at kung paanong alam nitong nasa Pueblo Maharlika si Cath . Josh answered all the questions safely na tipong hindi negatibo ang iispin ni Flora sa kanya.
"Josh? Puwede ba naming gamitin ang mini-cooper mo pabalik ng Pueblo Maharlika? Kukuha lang kami ng mga damit ni Cath?" paghihingi ng permiso ni Flora matapos mag-eksplika si Josh sa kanya, nasa gilid niya si Ezamuel.
"Sige. Walang problema. Naka'y pareng Ezamuel naman ang susi. Mag-ingat na lang kayo, gabi na masyado..." ani Josh at lumabas na si Flora at si Ezamuel sa kuwarto kung saan naroroon si Josh t ang nakahiga sa patient bed na si Cath.
Tinanaw ni Josh ang natutulog na si Catherine. Anim na taon man ang lumipas bago niya ito muling makita, sa isip niya ay katulad pa rin ang ganda nito dati. For him, Cath is still innocently beautiful.
"J-josh?" Mahina at halos pabulong ng sabi Catherine nang buksan niya ang kanyang mga mata. She has slept for almost 10 hours. At ngayon ay laking gulat niya nang sa gilid niya ay nakita niya ang bestfriend niyang si Josh.
"Cath, I'm sorry. Hindi ko sinasadya..." Naidilat ni Catherine ang kanyang mga mata nang mabilis siyang niyakap ni Josh.
* * *
"You must really love your bestfriend so much..." ani Ezamuel habang binabaybay nilang pareho ang madilim at bako-bakong daan papunta sa Pueblo Maharlika.Ngumiti ng mapait si Flora, "Sobra. Parang ate na nga ang turing ko kay Cath e. Siya 'yong naging sandalan ko simula noong second year college ako hanggang na gumraduate at naghanap ng trabaho."
Walang sinagot si Ezamuel. Nakangiti lang ito.
Hindi mapigilan ni Flora na hindi mamangha, the combination of Esamuel and Samuel is already sitting next to her right now. Ngayon lang niya na-appreciate ang lahat nang okay na si Catherine at katabi na niya si Ezamuel. For her, it was just so extraordinary.
Yet she's still curious kung anong nangyari sa buhay niya sa nakaraan. Kaya ba nakita na niya ngayon si Ezamuel sa kasalukuyan dahil wala ni isa kay Samuel at Esmael ang nakatuluyan niya noong 1804?
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...