C H A P T E R 22

2.9K 78 18
                                    

Kambal

"HELLO po? Ahh opo. Bestfriend po ito ni Catherine. Flora po ang pangalan ko. Opo. Ini-edit niya na. Kaso hindi po siya makasagot ng tawag kasi paos po siya. Sige po." Nang tinapos ni Flora ang pagtawag ng Boss ni Catherine sa telepono nito ay mabilis niyang nilapitan ang kaibigang humahagulhol pa rin habang nakatalukbong ng kumot.

"Cath? Ano ba kasing nangyari?" malungkot at nag-aalalang tanong ni Flora.

Hinawi niya ang buhok sa gilid nito habang nakatalikod ito sa kaniya. "Cathy? Ise-share na niya 'yan sa bestfriend niya kasi kung hindi magtatampo 'yong bistie niya. Oink! Oink!" Naghayup-hayupan si Flora para kay Catherine pero hindi pa rin siya nito pinapansin.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Catherine sa loob ng kubeta pero makalipas ng ilang minutong pagpasok nito roon ay narinig na lang niya itong humihikbi.

"Cath! Huwag mo sabihing---" biglang nahinto si Flora at mabilis na tumakbo papunta sa kubeta. Naghanap siya ng pregnacy test doon ngunit nang wala siyang makita ay nakanguso niyang binalikan si Catherine.

"Sabihin mo rin kasi Cath para matulungan din kita no! Nakaka-guilty kayang makita kang umiiyak tapos hindi ko naman alam kung ano ang dahilan kung bakit ka umiiyak tapos clueless pa ako ng kung paano kita papatahanin." Hindi pa rin natigil sa pagnguso ni Flora. Pakiramdam niya kasi'y nakakainutil na 'yong pag-iyak ni Catherine na hindi niya naman maintindihan kung ano ang dahilan ng pag-iyak noto.

Kaya noong umiiyak pa rin si Catherine ay binigyan niya ito ng oras na mapag-isa at bumaba na lang siya sa unang palapag. Pagkarating niya  roon ay nakita niyang may art exhibit palang ginaganap kung saan ay naka-display ang mga lumang gamit at larawan na pagmamay-ari ng Casa de Hotel.

"Dating "Casa" lang ang pangalan ng Casa de Hotel dati na ang ibig sabihin ay tirahan ng pang-isahang pamilya, naging Casa de Hotel lang ito noong nagsimula masakop ng mga Amerikano ang Pueblo Maharlika at ginawa itong hotel kaya naging Casa de Hotel." Isang six footer na lalaki ang tumabi kay Flora habang tinititigan niya ang isang lumang picture kung saan pinapakita ang harapan ng Casa na kung saan sa may gate nito ay may nakalinyang mga taong kasama sa pagkuha ng larawan. Hunky and beefy ang dating ng lalaki na may pagkapayat ang dating ngunit alam mong may laman pa rin. By its prominent jawline and and deep eyes, nahinuha agad nito na may lahing kastila ang lalaking ito. Maputi nga lang ito ay lean ang katawan.

Hindi naman ganoong na-atrract si Flora sa halos perpekto na nitong panlabas na anyo, though she can't stop heself appreciating this man sinfe may alam ito sa history ng Casa. What a great start! Mas gusto ni Flora ang may utak na guwapo kaysa guwapo na walang laman ang utak at puro lang hangin. Mas maigi iyong panimula kaysa bigla itong sumulpot at sabihing "Miss? Can I get your number?"

Katulad ni Catherine ay naka-set na rin sa mahabang listahan ang standards ni Flora pagdating sa lalaki. Si Cath, gusto ng lalaking in-uniform. Si Flora naman, kahit hindi man man-in-uniform basta matalino, may gawa, may respeto, may takot sa Diyos ay okay na. At ang pagkakapreho nila ni Cath ng standard ay ang katangian ng lalaking kaya silang patawanin at respetuhin. Bonus na iyong good looks. O kahit hindi katangusan ang ilong basta't malinis sa katawan, saktong-sakto na.

"Hmmm," tumango-tango si Flora. "Eh pa'no mo naman nalaman 'yun? Baka imbento mo lang?" tanong niya though as someone who graduated majoring History, alam naman niyang tama ang sinabi nito.

"Well, that's what Ive read from history books at iyon dapat sumulat ng librong pinagkuhanan ko ng impormasyong 'yun ang tanungin mo kung imbento lang ba niya 'yong sinulat niya," seryosong ani ng lalaki na naging dahilan ng pagbungisngis ni Flora! Perfect! Mukhang matalino nga ito!

"Pak na pak! Bet na bet!" ani Flora sa isipan niya.

"If you don't mind stranger, can you tour me around Pueblo Maharlika? For almost six days na nandito ako wala kasi akong makitang tourist guide na kasing cute mo," she winked at him.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon