Tumula, Tumalon
HABANG binabaybay ng dalawaang kalesa ang daan papuntang Casa ay hindi mapigilan ni Senyorita Maria na tanawin ang mga alon sa dalampasigan na tila malumanay sa sumasayaw sa kailaliman ng gabi.
Ang mga mahinhin na paghamas ng mga alon sa dalampasigan at ang mga paglagapak ng mga mga paa ng kabayo ang katangi-tanging musika nila sa buong paglalakbay.
Maya-maya pa ay nagsalita si Maria, "Maari ko bang malaman kung sino si Makatang Pluma?"
Sumagot si Thomas, "Pasensiya na Senyorita ngunit kahit ako ay hindi ko alam."
"Kung gayo'y paano ka naging Bise Presidente ng Hukbo at ako naman ay naging Sekretarya?" buong kalituhan niyang tanong.
"Nasagot ko na ang tanong mo na iyan sa akin Senyorita pero sige, para sa inyo ay sasagutin ko ulit."
"Maraming salamat."
"Si Makatang Pluma ay isang manunulat sa hindi kilalang bayan na kahit kailan at walang nakakaalam ng totoong pagkatao. Tanging mga sulatin niya lamang ang nagbibigay ng katauhan sa kaniya. Ang sabi-sabi'y anak siya ng mga Maharlikang gaya niyo na gusto ring matigil na ang kalupitan ng mga Kastila at pati na ang pagta-traydor ng mga Maharlika sa mga mahihirap. Kaya naturingang siyang Maharlika ay sa kadihalang nakakapag-imprenta siya ng sangkatutak na Mumunting Aklat na pinagbabato ng mga kasapi niya sa mga daraanan at binabasa ng mga nasa mababang antas para mapukaw ang kanilang damdamin."
"Kung gayo'y paano niya nga tayo naging opisyales?"
"Dahil sa nobelang ito na bigay ni Lolo Gancio," pagpapaliwanag ni Thomas patungkol sa librong hawak-hawak ng Senyorita.
"Amor Est Vitae Essentia, nobela ni Makatang Pluma...." (Love is the essence of life.) Binasa ni Catherine ang titulo at ang pangalan ng akda sa pabalat ng halos gutay-gutay ng libro.
"Napapaloob diyan ang pag-iibigan ng isang sundalo at anak ng maharlikang traydor ng mga tradyor. Noong una'y akala nating dalawa na nagkataon lang na magkatugma ang mga sitawasyon natin at ang mga tauhan sa libro, ngunit ayon sa pananaliksik ni Lolo Gancio ay tayo nga ang tinutukoy sa libro at sa pamamagitan ng akdang iyan ay gustong iparating ni Makatang Pluma ang mga gusto niyang ipagawa sa atin..."
"Teka Thomas, kung gayong naisaakda na ang patungkol sa atin, bakit tila hindi naghihinala ang mga magulang ko sa ating dalawa?"
"Sapagkat pareho tayong tatlo ni Makatang Pluma na magaling magtago ng ebidensiya..." Nakangiting sabi ni Thomas.
"Ano? Hindi ko maintidihan?" nalilitong tanong ni Senyorita Maria.
"Ang mga pangalang ibinigay ni Makatang Pluma sa mga panguhaning karater ay totoong mga pangalan natin na pinagbaliktad-baliktad lang. Airam para sa Maria at pangunahing karakter na babae at Sh' Tamo para Thomas pangunahing character na lalaki. Ang mga ganap, tagpo, at iba pang karater ay malikhain niyang iniba para hindi agad mapaghalataan. Ngunit kahit pa yata totoong pangalan natin ang ginamit ni Makatang Pluma ay hindi pa rin iyon magiging sanhi upang mapaghalataang tayo iyon."
"At bakit naman?"
"Sapagkat ang iyong mga magulang at mga opisyales sa kuwartel ay hindi naman binabasa ang mga akda ni Makatang Pluma sa kadahilang palagi silang kulang sa panahon. Nalalaman lang nilang patungkol sa pagtaliwas sa kanila ang mga akda nito sa pamamagitan ng naririnig nila mula sa mga sabi-sabi." Nginitian ni Thomas si Senyorita Maria.
Malalim na nag-isip si Senyorita Maria at maya-maya pa'y seryoso siyag sumagot sa sinabi ni Thomas. "Kaya ba't nakasaad sa reporma na bawal magbasa ang mga nasa mababang antas dahil sa mga mensaheng nakapaloob sa mga akda ni Makatang Pluma?"
"Ganun nga Senyorita."
"Ngunit paano naman sa ating parte na hindi tayo napaghahalataan?"
"Sapagkat pareho tayong magaling magtago ng nararamdaman Senyorita."
"Ayan ka na naman ha!" bulyaw ni Catherine sa natatawang si Thomas. "Napa-kabully mo talagang sundalo ka," bulong niya habang tintignan ng matalim ang hindi mapigil sa pagtawang si Thomas.
Sa kasagsagan pa rin ng paglalakbay ay muling Sumeryoso si Catherine... "Kung alam ni Makatang Pluma ang patungkol sa ating dalawa ay maaring nasa paligid lang natin siya at maaring kilala niya tayo."
Naisip niya bigla ang mga writers nila sa Publishing house na pinagta-trabahuan, may mga pseudonym din ito at tanging silang mga editors lang ang may alam ng totoong mga pangalan nito, pero si Makatang Pluma, sa isip niya'y maaring malabong malaman niya ang totoong pagkatao nito.
'Pero infairness kay Makatang Pluma at nagawa niyang hindi maging dependent sa mga publishing house at sumubok siyang magself-publish.' Natawa na lang si Catherine nang maisip niya iyon.
"Maaring ganoon nga," nakangiting ani Thomas at maya-maya pa ay kinuha niya ang librong "Amor Est Vitae Essentia" (Love is the essence of life) sa kamay ni Senyorita.
"May babasahin akong tula rito na isinilut ni Makatang Pluma para kay Airam," ani Thomas. Inaantok at pagod na tinitigan ni Catherine si Thomas habang nagbubuklat ng libro at maya-maya pa ay nagbasa na nga ito.
TULA PARA KAY AIRAM
I.
Ikaw na tila langit abutin ay iniibig ko ng lubos.
Pagmamahal at pagtitiwaala sa iyo ay buong-buong ibubuhos.
Na kagaya ng mayumi mong galaw ay parang tubig sa talon na dumadaosdos.
Na ang makilala ka ay labis kong pinagpapasamat sa mga butuin at sa ating Diyos.II.
Ang iyong kamay ay katinga-tanging bagay na gusto kong mahaplos.
Sapagkat gusto kong lagyan ang iyong daliri ng mga kumikinang na gintong sa mata ay nakakalapnos.
Oh Airam, ipaglalaban kita, tadtarin man ako ng mga bala o hatawin ng dos por dos.
Ang mapasaakin ka lamang ay ang hinahangad ko ng lubos.III.
Ang puso kong sawi ay ikaw lang ang nag-ayos,
Na sa pamamagitan ng iyong ngiti ay nawala itong aking mga galos.
Sa pagmamahal mo ay handa akong manglimos.
Kahit na ang kapalit ay pagkapaltos ng mga paa sa aking mga sapatos.IV.
Hindi ko aabutin ang mga tala sapagkat ang maabot ito'y guni-guni lang ng mga musmos.
Gusto kong manatili sa reyalidad kung saan tayong dalawa ay nagakapos.
Datapwat, isang bagay lang ang aabutin ko kahit na ako'y maghikahos.
Iyon ang ipaglaban ka at ang ating bayan hanggang ang tulang ito ay matapos.V.
Habilin: Hindi matatapos ang tulang ito hangga't patuloy kitang mamahalin, Senyorita.Nang sa tula ay natapos si Thomas sa pagbabasa ay hindi napigilan ni Catherine na mamula. Ngunit si Thomas naman ay biglang napanganga nang ang kaniyang Senyorita ay biglang binuksan ang pinto at biglang tumalon mula sa kalesa.
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...