Sulat
"ITO ba ang hinahanap mo?" Paglingon ni Catherine ay nag-iba bigla ang taong nakita niya. Hindi na si Donya Cecilia. It was Flora, at may hawak-hawak itong tissue paper.
Mabilis na dinampiot ni Catherine ang tissue paper na hawak ng kaibigan only to find out na simpleng tissue paper lang ito at walang kung anong sulat.
"Yay Cath, nakakadiri ka! Hinawakan mo ang kamay ko nang hindi ka naghuhugas," nandidiring ani Flora at maya-maya pa bumalik ay si Catherine sa kubeta, mabilis na isinara ang pinto at maya-maya pa ay binuksang muli kung saan ang takang-takang mukha ni Flora lang muling nadatnan niya.
"Cath? May lagnat ka ba? Anong trip mo?" kinakabahang tanong ni Flora sa kanya. Maya-maya pa'y ibinagsak niya ang puwetan sa upuan ng sala at inihilamos sa mukha ang kamay.
"Flor, pagkapasok ko sa kubeta kanina, nabalik ako sa nakaraan!" mangiyak-ngiyak na ani ni Catherine at maya-maya pa ay namilog ang mga mata ni Flora at mabilis itong rumagasa papunta sa kubeta at maya-maya pa ay mabilis din naman itong lumabas,
"Wala naman ah?" Dismiyadong ngumuso si Flora'ng umupo sa tabi ng kaibigan niyang si Cath.
"Kanina pagkapasok ko, biglang kumatok si Papa at noong nakalabas pa nga ako eh kumain pa nga kami ng agahan. Tapoa noong natapos, nagputna ako sa gazebo at bigla akong nilapitan ni Manang Isme. Ang sabi niya sa sa'kin, may binigay daw na sulat si Mestizong Oppa sa kanya na itinago niya sa kubeta. Siyempre hinanap ko iyon doon kaso habang naghahanap ako ay biglang sumulpot si Mama sa may pintuan ng kobeta at nasa kanya na 'yong sulat."
"Alam mo Cath, interesting talaga 'tong mga nararansanan mo rito sa Pueblo Maharlika eh, puwede mong isulat 'to at gawing nobela tapos ipasa mo sa publishing house niyo at 'di ba ikaw ang editor dun? Eh 'di may nobela ka na!"
"Seryoso ako Flora, ano ka ba!"
Tumikhim si Flora na parang aso matapos sigawan ng kaibigan. "Tapos? Anong nangyari?"
"Anong nangyari? Bigla mong binuksan ang kubeta at nabalik ako sa present time! Kasalan mo 'to Flora! Hindi na talaga isasama kahit kailan."
Biglang napaawang ang bibig ni Flora sa sinabi ng kaibigan.
"Oh? Bakit gulat na gulat ka?" tanong ni Catherine kay Flora.
"Hindi kaya ako ang iyong Mama mo sa pastlife?" tanong ni Flora na agad na binara ni Cath. "Imposible kasi nakita kita sa labas ng Casa sa nakaraan at nagbobote bakal ka!"
"Seryoso?"
* * *
WALA namang espesyal naganap noong dumating ang hapon. Sinubukan lang naman kasi ni Catherine at Flora na pasukin ang lahat ng banyo ng mga establisyementong nasa Pueblo Maharlika. Ayun sa statistics ni Flora, nasubukan nilang pumasok sa halos isang daan na kubeta."Amoy ta.e na tayo Cath." Malamyang ani Flora habang nilalakad nila ang kahabaan ng daan pabalik sa Casa. Papalubog na ang araw at may lumilipad-lipad na rin na mga lawin sa langit. Aminado ang dalawa na bugbog sarado ang katawan nila sa pagpasok sa mga kubeta rito sa Pueblo.
"Pero infainess dun sa isang CR ha! May gold bar 'yong anidoro!"
"Sira!'" Natatawang tinampal ni Catherine ang payat na braso ng kaibigan.
Nang makabalik na sa Casa ay nauna ng kumain ng hapunan si Flora sa ikalawang palalag habang si Catherine naman ay nasa unang palapag pa rin at kinakausap ang cashier ng hotel.
"4,600 pesos po for this day."
"Ito po." Mula sa pink na wallet ay kumuha si Catherine ng pera ay iniabot sa kahera.
"Okay Ma'am. I received 5000 pesos, and here's your exchange."
"Aba ang taray, parang mall lang ah?" natatawang ani Catherine
nang tanggapin ang sukli 400 pesos. Nang mahimasmasan sa sariling biro ay nagsalita ulit siya, "Ahh Miss, puwede ko bang i-full payment na lang 'yong bayad hanggang linggo?"
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...