C H A P T E R 35

2.5K 69 14
                                    

Lubid

"KAKAIBA ang iyong ina. Nagpapakita siya ng interes kay Thomas kahit pa nasa harap ng iyong ama," ani Senyorita Floresa kay Senyorita Maria habang nililibot nila ang lugar ng mga magsasaka.

Mga nagtatanim at nag-aaning magsasaka, mga babaeng nagbubuhat ng mga plangganang may palay at mga batang naglalaro sa gilid kalsada ang natagpuan nila Senyorita Maria at Senyita Floresa kasama sina Esmael at Samuel sa lugar na ito. At dahil mga maharlika ang dalawang dalaga ay yumuyuko ang sinumang nakakasalubong sa kanila.

"Sinabi mo pa. Halatang may gusto siya kay Thomas. Noong isang araw ngang nasa munisipyo kami ay hinalikan niya si Thomas. Ang sabi niya, pasasalamat lang daw iyon dahil nakita ako ni Thomas. Pagkatapos naman ng ilang araw, sa may Plaza Royal, kung saan may kompetisyon ng mga sundalong nagtutumbahan sa putik ay mahinhin niyang pinunasan ang dibdib ni Thomas gamit ang kaniyang mapunting panyolita. Sinong may asawang tanga ang gagawin iyon, aber? Tapos kanina raw, sa may kalesa----" natigilan si Senyoruta Maria't sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Hindi niya mawari alam kung dapat niya bang ibahagi kay Senyorita Floresa ang ginawa ng kaniyang malanding ina kay Thomas noong nagsama sila sa kalesa kasama si Donya Lorna.

Kakakilala pa lang niya kay Senyorita Floresa at masyado na agad siyang bukas dito.

"May problema ba Maria?" tanong ni Senyorita Floresa.

Tumawa si Senyorita, "Siguro matalik tayong magkaibigan sa susunod na buhay nati ano?" anito.

"At paano mo namang nasabi?"

"Wala lang. Ramdam ko lang. Masyado kasi akong bukas sa'yo. Ang gaan-gaan ng loob ko sa iyo."

Ngiti lamang ang sagot ni Senyorita Floresa at maya-maya pa tinanaw niya ang kabuoan ng sakahan ng Pueblo, "Sa Europa Maria, ibang-iba ang mga tao roon. Hindi basta-bastang nagtitiwala sa kahit na sa mga kakilala nila. Sa isip nila, masyadong delikado para mag-labas ng isang impormasyon na dapat sinasarili lamang."

"G-ganun ba?" ani Senyorita Maria, may halong pagkagulat sa boses niya.

"Pero huwag kang mag-alala, kung sa tingin mo ay katiwa-tiwala ako, puwede mo namang akong sabihan ng mga saloobin mo." Ngumiti si Senyorita Floresa.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Senyorita Maria, pero parang may nag-iba. Parang biglang naging isang malaking naging estranghero si Senyorita Floresa para sa kanya.

Habang naglalakad ay nagsalita si Senyorita Floresa, "'Yong sabi mong sa kalesa, anong ginawa ni Mama at ng Mama mo kay Thomas?"

Natigilan si Senyorita Maria sa kaniyang isip, inabot siya ng ilang segundo bago makasagot. "Wala, pinilit lang nila si Thomas na ipakasal sa'yo."

Galit pa rin si Senyorita Maria sa Mama niyang si Donya Cecilia, paanong nagawa nitong halikan si Thomas at hawakan ang kung anu-anong parte ng katawan nito? Hindi ba ito nahihiya?

Kasal ang mama niya sa papa niya at hindi magandang gawain para sa kaniyang mama na magkaroon ng pagnanasa lalo na kay Thomas na ang edad ang katulad lang ng kaniya. Nakakasuka.

"Gusto mo ba si Thomas?" tanong ni Senyorita Floresa.

"Ha?" Kumalat ang pulang tinta sa pisngi ni Senyorita Maria. Hindi mawari kung paanong sasagutin niya ang tanong na iyon ni Senyorita Floresa.

"Sabihin mo na!" panunukso ni Senyorita Floresa kay Senyorita Maria.

Sa pisikal na aspeto, walang dudang hindi magustuhan ni Senyorita Maria o kahit sino mang babae si Thomas. Matangkad, makisig, matikas, mestizo, may piercing eyes, may masarap na mga labi, katawan na puno ng muscles. Sinong babaeng hindi magkakagusto sa kaniya?

But more than the physical aspect, alam ni Senyorita na may mas malalim pang dahil kung bakit "OO" ang isagot niya sa tanong ni Senyorita Floresa.

Thomas Clemente Cordova is not just a man that glorifies every girl's eyes.

Thomas Clemente Cordova is a man with full of courage and determination to freed Pueblo Maharlika from the invaders. Katangiang hinahanap ni Senyorita sa isang lalaki.

"Eh 'di ba sabi mo sa Europa, hindi basta-bastang nagtitiwala ang mga tao roon?" tanong ni Senyorita Maria.

"Oo. Bakit?"

"Nagulat lang ako kasi tinanong mo ako ng tanong na para bang mapagkakatiwalaan kita."

"Ibig sabihin, gusto mo nga si Thomas?" ani Senyorita Floresa. Nang ngumiti naman si Senyorita Maria bilang sagot ay napatili ito.

"Eh ikaw? Hindi mo ba gusto si Thomas?" tanong ni Senyorita Maria kay Floresa.

Mabilis itong sumagot, "Hindi no! Sabi ko nga, hindi ko tipo si Thomas! Masyado siyang guwapo! Parang hindi totoo. Iyong gusto ko ay 'yong lalaking katamtaman lang ang ka-guwapuhan pero masarap ang katawan," ani Senyorita Floresa sabay lingon sa kambal na i Esmael at Samuel na nasa likod lang nila na nakasunod at nakabantay.

Nakita ni Senyorita Maria kung paanong nanuyo ang lalamunan ng dalawang kambal nang titigin ang dalawa ni Senyorita Floresa.

Maya-maya pa ay nagulat na lang si Senyorita Maria nang biglang lapitan ni Senyorita Floresa ang dalawang kambal at sabay na hinalikan ang mga labi nito.

"Ganiyan sa Europa, kapag may gusto kang lalaki, hinahalikan mo sa labi," ani Senyorita Floresa sa hingal at tulalang si Esmael at Samuel na kakatapos lang nitong halikan.

* * *
"Floresa, kailangan ko na talagang mauna, tinatawag na kasi ako ng kalikasan," dumadaing na ani Senyorita Maria at maya-maya pa ay sumakay na siya sa kalesa.

Nang makarating siya sa Casa ay mabilis niyang ginamit ang kubeta. Sa wari ni Senyorita Maria ay sumakit ang tiyan kakalakad sa buong lugar ng mga magsasaka kasama si Senyorita Floresa.

"Grabe 'yong babaeng 'yon!' aniya matapos niyang maalala kung paanong walang pahintulot na hinalikan ni Senyorita Floresa si Esmael at Samuel. "Parang hindi siya isang bini-bini."

Nang matapos ay lumabas na siya ng kubeta, nag-akyat baba siya mula una hanggang ikatlong palapag. Hinahanap niya si Thomas pero hindi niya ito makita.

"Si Thomas ba ang hinahanap mo?" ani Donya Cecilia kay Senyorita Maria nang matagpuan ito sa may dining hall. May dala-dala itong posas at mga lubid na siyang ikinakaba ni Senyorita Maria.

"Saan si Thomas? Anong ginawa mo sa kaniya?" sigaw ni Senyorita Maria.

Hindi sumagot ang kaniyang ina. Humahalakhak lamang ito at tinawanan ang anak niyang si Senyorita Maria.

"May gusto pa akong ipakita sa'yo..." ani ni Donya Cecilia at ipinakita nito kay Senyorita Maria ang itim na panyo ni Thomas na may nakabordang "Memento Mori"

"Anong ginawa mo sa kanya!?" umiiyak na sigaw ni Senyorita Maria.

Humalakhak lamang si Donya Cecilia.

Sa kabilang dako ay nagising na si Thomas. Nang iminulat niya ang mga mata niya at natagpuan niya ang sarili niya sa isang kama. Nakatiyaha at nakagapos ang mga kamay at paa niya sa bawat haligi ng kama.

Nasa loob siya ng kuwarto ni Donya Cecilia.

Nagtaka siya ngunit maya-maya pa ay may bigla siyang naalala. Isang pahayag na sinabi sa kanya ng Donya noong nasa loob sila ng kalesa kaninang umaga.

"Walang problema Thomas. Masusubukan ko rin naman 'yan kahit kailan ko gusto. Masusubukan ko rin ang iyo hangga't hindi pa kita ibinibigay kay Donya Lorna para sa anak niyang si Floresa kapalit ng mga ginito."

Gustong sumigaw ni Thomas ngunit hindi niya magawa sapagkat may busal ang kaniyang bibig.

* * *

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon