Sino Ang Gusto?
SA mga panahong nagkakagulo sa gitna ng daan sina Mamang Isme, ang mga kambal niya ay ang mga tagapamaneho ng kalesa at pati na si Thomas sa pagtalon ni Senyorita Maria ay nasa kabilang ibayo naman ang ina nitong si Donya Cecilia....
"Talaga Lorna? Ang iyong anak na dalaga mula sa Europa ay magbakasyon sa aming Pueblo?" matas at galak na galak ang boses ni Donya Cecilia nang sinabi niya iyon sa kaniyang amigang si Donya Lorna Mandingo, maybahay ng pinuno ng Pueblo Itrinta na si Eufracio Mandingo.
"Oo Amiga! Magbabakasyon siya ng isang buwan sa inyong Pueblo't hahanapin namin siya ng mapapangasawa niyang sundalo. Balita ko raw kasi ay makikisig at tuli sa inyong mga sundalo sa inyo!" ani Donya Lorna at umalingawngaw ang maarteng halakhak nila sa buong mansyon.
"Pero teka Lorna? Oo maraming makikisig na sundalo sa aming Pueblo pero bakit mo naman naisipang sundalo ang ipapangasawa mo sa iyong dalaga? Bakit hindi na lang isang maharlika?" takang-takang tanong ni Donya Cecilia.
"Naku Amiga, parang hindi mo naman nakikita! Kadalasan sa mga lalaking anak ng maharlika ay mukhang tinapa!"
At humahalakhak ulit sila.
"Sige Lorna, huwag kang mag-alala! May kilala akong sundalong napaka-guwapo! At sa paningin ko'y siya ang pinakanbiniyayaan ng perpektong mukha at katawan sa mga sundalong nasa aming Pueblo."
"Talaga?"
"Oo! Ipapakilala ko siya sa anak mo pero siyemre may kapalit..." ani Donya Cecilia na nanlilisik ang mga mapanlinlang na mga mata.
"Ano iyon amiga?"
"Kapalit ng sundalong iyon iyon ay isang sakong ginto mula sa inyo."
"Walang problema Amiga!"
Muli silang tumawang dalawa.
"Ngunit amiga? Ano ang pangalan ng sundlong iyon?"
Ngumisi si Donya Cecilia at pagkatapos uminum ng bino sa kopitang hawak ay sinagot niya ang tanong ni Donya Lorna, "Ang pangalan ng sundalong masarap ikama ay Thomas Clemente Cordova."
"Nasubukan mo ng ikama Amiga?"
"Susubukan pa..." ngumisi si Donya Cecilia tumawa ng pagkalakas-lakas na sa lakas ay nagsipiparan ang mga ibon na nasa bubong ng mansiyon.
* * *
"Akala ko'y hindi mo isasali sa reporma ang aking suhestiyon Don Tiago?" Tumatawang sabi ni Alfonso Y' Divinagracia, (pinuno ng kuwartel ng mga kastilang sundalo), habang pinapanood si Don Tiago rito sa Munisipyo na nilalagdaan ang bagong bersyon ng reporma.
Sa bagong bersiyon ng reporma ay nadagdag lamang ang isang tugnay:
UKOL KAY MAKATANG PLUMA: Binibigyan ng kapangyarihan ang mga mababang antas na paslangin ang estranghero at manunulat na si Makatang Pluma kung sakaling makita ito. Ang sinumang makapaslang sa naturang estranghero ay bibigyan ng pagkakataong maging maharlika sa loob ng limang taon.
"Kahit pa idinagdag ko ang tugnay na ito ay wala rin itong mapapala kung wala man lang isa sa mga tao sa ating Pueblo na nakakaalam ng mukha ng Makatang Pluma na iyon," ani Don Tiago pagkatapos lagdaan ang bagong bersiyon ng reporma.
Tumawa't pumalakpak si Alfonso ngunit maya-maya pa ay matinding galit ang puminta sa mukha nito, "Kaya ko nga pinadagdag sa iyo ang reporma para makilala natin ang Makatang Pluma na iyan Don Tiago." Umigting ang panga nito habang nanlilisik ang mga mata nito kay Don Tiago. Si Don Tiago na wala na namang ibang magawa kundi ang maging sunud-sunuran na lang sa mga utos ni Alfonso ay tumahimik na lang sa kanyang upuan habang parang balang tumatama sa kanya ang mga tingin nito.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...