E S P E S Y A L N A K A B A N A T A

4.6K 123 30
                                    

A grim and ancient raven is wandering on night sky full of twinkling stars. Tila naghahanap ito ng pagkain para sa kaniyang hapunan. Malapad at malawak ang sakop ng pakpak nito. Matalas ang paningin nito na tila palaging nagbabadya ng pag-atake sa kung sino man ang mahuhuli nito.

Sa ilalim malawak nitong pakpak ay naroroon ang Pueblo Maharlika. Isang lugar kung saan ay may marka pa rin ng sinaunang sibilasyon. Mula sa mga kamuntikan ng naabo na lumang bahay sa villages, mula sa matatayog na gates ng mga masunog na manyson, at pati na rin sa mga brick walls na nakapalibot sa buong lugar ay makikita pa rin ang katatagan ng buong Pueblo.

Humuhuni ang mga ibon. Pumapagaspas ang mga dahon. Tahimik ang buong lugar. Wala kang makikitang tao ni isa. It's like a hunted Pueblo at all.

"Anong taon ngayon?" tanong ni Cielo, ang batang niligtas ni Thomas noong nakita nitong palutang-lutang ito sa binabahang talahiban.

"Eh 'di Isang libo, walong daan at apat!"(1804) sagot naman ng kaibigan ni Cielo. Ngumuso lang ito sapagkat hindi pa nito maintindihan ang numerong sinabi ng kaibigan. Limang taong gulang pa kasi ito at wala pa itong kamuwang-muwang sa mundo. Nasa ilalim sila ngayon ng isang mesa at naglalaro. Ang mismong mesa kung saan nagpupulong ngayon si Senyorita Maria at ang mahigit isang daan na nabuhay mula sa nangyaring digmaan LABING ISANG araw na ang nakakalipas.

"Nasa mahigit sampu na lang ang mga sundalo ni Alfonso! Kayang-kaya nating silang sugurin mamayang madaling araw lalo pa't alam nating na kapag ganitong araw ay nag-iinuman lamang si Alfonso at ang mga kasama niya!" ani Maria.

"Pero Binibini, may mga baril sila..." ani ng isang mangingisdang lalaki.

"Mayroon din naman tayo ah!" Ngumiti si Maria at inilapat niya ang isang kahon sa mesa. Nang buksan niya ito sa harap ng mga kasama niya ay nagulantang ang mga ito nang makita ang mga baril na iyon na dala ni Maria.

"Galing ito sa Casa. Nakikita kongg tinatago ito ng ama ko dati..." ani Maria at nagsimula na sila sa opisyal na pagpupulong.

Pagkarating ng madaling araw ay isang daan silang armado na sumugod sa kuwartel. Pati nga babae ay sumama na rin. At siyempre pinangunahan iyon ni Senyorita Maria.

Nang makitang walang nagbabantay sa pasukan ng kuwartel ay mabilis na sumenyas si Maria. Nagsimula ng pumasok ang lahat sa palihim na pamamaraan at kahit nasa labas pa lang ay rinig na nila ang tawanan ni Alfonso at ng mga sundalo nito.

Nang makarating sa pintuan ng kuwarto kung saan naroon si Alfonso ay nagbilang si Maria ng tatlo si at maya-maya pa ay lumagapak ang pintuan na iyon ng sinipa iyon ni Maria.

Alfonso and his soldier were so shocked. Nanlalaki ang mga mata ni Alfonso nang makita si Maria.

Nang may akmang bumunot ng baril ay agad iyong pinatay ng isang babaeng magsasaka na ang asawa ay pinugutan ng mga kastilang sundalo.

"Maria, baka puwede nating pag-usapan ito."

"Nahihibang ka na Alfonso..." nakangising ani Maria at maya-maya pa ay may dinagdag siya sinabi niya.... "Ang kung sino mang bumaril kay Alfonso ay ililigtas namin," Maria told the 11 soldiers of Alfonso at hindi pa nakakalipas ang isang segundo ay may bumaril na kay Alfonso.

"Ano ngayon ang pakiramdam na traydorin ng sarili mga mong sundalo?" tanong ni Maria kay Alfoso na bumulagta sa sahig.

Maya-maya pa ay niratratan ng bala ng mga kasamahan ni Maria ang mga natitira pang mga sundalo. Naghihingalo ang mga ito nang isinilid nila ang katawan ni Alfosno at ng mga sundalo nito sa isang matibay na lambat kung saan ipinakaladkad nila iyongamit ang araro ng kalabaw papunta sa Taob Na Bato.

At nang makarating silang lahat roon ay ay mabilis na ipinasok ng mga lalaki ang naghihingalong bangkay ni Alfonso pati na ng mga sundalo nito sa loob ng tunnel.

It took them twelve hour to reach there at nang makarating sila roon ay gabi na.

At kagaya ng ginawa ng mga kastilang tradyor noon ay nagsabwag ng langis ang mga kasamahan ni Maria sa loob ng tunnel.

At gamit ang mga kandilang itim ay naghagis sila ng maliliit na apoy doon.

At maya-maya pa nga ay nakita nila kung paanong parang naging impyerno na puno ng apoy ang looban ng Taob na Bato.

"MALAYA NA ANG PUEBLO MAHARLIKA!" sigaw ng mga umiiyak na kasamahan ni Maria. Maging ang batang si Cielo at ang mga kaibigan nito ay nakisigaw din.

Habang sinisigaw nila iyon ay napatingin si Maria sa dakong Plaza Royal na higit limang kilometro ang layo mula rito sa kinatatayuan nila.

May tumulong luha sa mga mata niya nang mula rito sa bundok ng Taob na Bato ay may nakita siyang sanlibong mga parol na dahan-dahang lumipad sa kalangitan.

"Salamat at nagkita tayong muli Thomas," she said, the one she saw on the Plaza Royal was a vision 224 years from now.

Mariin niyang ipinikit ang lumuluhang mga mata niya. Nakita niya ang sariling tumatandang pinamumunuan ang Pueblo Maharlika.

It was a bittersweet vision.

Alam niyang ilang daang taon pa ang lilipas bago muling magkatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Thomas yet she still will painfully wait for that moment.

"Memento Mori Maria. Alalahanin mong mamatay ka balang araw ng malungkot at mag-isa pero aalahanin mo ring isisilang kang muli kung saan magkikita kayong muli ni Thomas, balang araw,..." aniya sa saril niya.

Muli niyang binuksan ang mga nag-aalab niyang mga mata.

Niyapos siya bigla ng malamig na hangin.

"MALAYA NA ANG PUEBLO MAHARLIKA!"

Senyorita Maria T' Guibilin, a fierce lady from 1804 smiled powerfully nang isinigaw niya ang mga katagang iyon kasama ng mga kasamahan niya sa tuktok ng bundok ng Taob na Bato.

WAKAS.
* * *
Memento Mori: A Love Story From 1804
Written by JoeyJMakathangIsip
© 2017
To God be the glory!

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon