Hindi Normal
"MAUNA ka na Cath, kakausapin ko pa 'tong si Ezamuel," ani Flora at sinipatan naman ng tingin ni Cath ang kasama nitong lalaki na sobrang lawak ang ngiti, kasing lawak ng gate ng Casa de Hotel. Kanina'y ipinakilala ito ni Flora sa kaniya. Ezamuel daw ang pangalan nito at isa raw itong treasure hunter.
"Bilisan mo ah! Baka ma-tokhang ka riyan!" ani Catherine sabay pasok sa entrance ng Casa de Hotel kung saan ay chi-neck ng guard ang bag niya.
"Ma'am, may lamang shabu!"
"Tanga! Tawas 'yan! Para sa kili-kili ko."
Nang nasa foyer na siya at nag-check in ay hindi niya napigilan ang sarili na baliktawin ang mukha ni Ezamuel. Hindi siya sigurado pero parang nakita na niya ito sa nakaraan. Hindi niya nga lang mawari kung tama ba ang hinala niya na parang reincarnation ito ng isa sa kambal na anak ni Manang Isme sa 1804.
Habang papasok na si Catherine sa kaniyang kuwarto, bigla niyang na-miss si Thomas. Lagpas alas otso kaninang umaga siya ng nakalabas sa kubeta kung saan ay nakabalik sa siya nakaraan at nakasama niya si Thomas. Quarter to eleven pm naman ngayon nang naramdaman niyang na-miss niya si Thomas. So kung ito-total, 15 hours niya nang hindi nakikita si Thomas. Kung normal lang silang couple, okay lang iyong 15 hours na hindi sila magkita.
But adding the fact na hindi niya magawang tawagan o ma-text si Thomas makes her really sad.
"Ibibigay ko sa'yo iyong cellphone ko kapag nakabalik ako sa nakraan!" bulong niya sa ere nang makahiga sa kama, medyo naiiyak na.
"Tapos kapag ibinigay ko na 'yong cellphone ko sa'yo, maglalaro tayo ng Everwing tapos i-chat mo ako parati sa messenger! Dapat flood kasi maiinis ako kapag hindi mo'ko in-update sa bawat galaw mo! Dapat i-chat mo sa akin kada kakain o kahit hihinga ka. Siyempre cellphone ko 'yong ibibagay ko sa'yo tsaka mahal 'to no! 8 gives to!" ani sarili habang nakatingin sa cellphone, iniisp niya na sana e nasa gilid niya lang si Thomas at nakikinig sa kanya.
"Aish! Mabuti pa 'yong MMDA, alam ko ang number! Number mo wala!" aniya, patungkol pa rin kay Thomas. Mas lalo pa siyang nalungkot tipong naiiyak na talaga siya.
"Ang hirap naman nitong sitawasyon natin! Ni hindi ko alam kung saan ka ngayon! Ni hindi kita mapuntahan kapag gusto ko! Nandito ka sa Casa pero nasa ibang oras ka. 200 years ang pagitan natin Thomas, 200 years! Saan ako sasakay ng barko o eroplano papunta sa 200 years na 'yan! Hay letche." Pinahiran ni Catherine ang mga luhang nagsitakasan mula sa kaniyang mga mata.
Simula bukas ay dalawang araw na lang siyang mamalagi sa Casa. At marami pa rin siyang tanong na hindi nasagot. Should she extend? She has the pearls now. Libo-libo ang halaga nito. Pero kahit na ganun, hindi niya pa rin kayang iwanan ang kaniyang trabaho.
Editing makes her blood run. It's her life. Ang makita ang mga gawa ng writer na maging libro't dumaan sa kamay niya ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan sa kanya.
Kahit pa wala sa harap ng cover ng mga libro ang pangalan niya, ay masaya pa rin siya. She loves being an editor. It's her passion. Weird but she loves editing, like a writer who loves writing, like a singer who likes singing, like businessman building business. Editing is her life and her calling.
Pinasadahan niya ang manuscript na nakatengga. Nasa chater 26 pa siya at hanggang chapter 50 pa ito. Nag-simula siyang mag-edit pero habang ginagawa iyon ay marami pa ring pumapasok sa kaniyang isipan.
Kung mag-eextend siya rito sa Pueblo Maharlika, hanggang kailan? Two days or three days na hindi siya papasok sa trabaho ay paniguradong masasibak na siya. Ngunit kung hindi rin naman siya mag-e-extend at hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan niya patungkol sa mga panaginip niya ay paniguradong buong buhay niyang paulit-ulit na mararanasan ang mga malungkot na panaginip na iyon. Habang buhay siyang magtatanong. She can go back here in Pueblo Maharlika after one year pero hindi siya sigurado kung mararanasan niya pa ba sa panahong iyon ang nararansanasan niyang maya't-mayang pagbalik sa nakaraan.
She's stuck in between. Ngunit dapat isa lang piliin niya. To extend and quit her job or to stop and go back on her job. To live normally or to live with full of questions from the past.
Naiyak siya bigla dahil sa kalituhang naramdaman. Nanghanap siya ng pampunas ng kaniyang luha. Nang walang makapa sa bulsa ay hibablot niya ay itim na panyong nakaipit sa ilim ng laptop niyang nasa kama.
Bago niya ipinampunas sa kaniyang luha ay natigilan siya nang matandaang ang panyo pa lang iyon ay ang panyong ibinigay sa kaniya ni Thomas noong sa ikalawang pagkakataon ay mahila siya papunta sa nakaran.
Noong may pagdiriwang ang bagong kasal na Cervantes sa dining hall ng Casa at sa kalagitnaan nang pagsayaw niya kay Esmael at Samuel ay tumakas siya para kitain si Thomas sa Plaza Royal.
"Mga sagot lang naman ang gusto ko ah? Ba't pa umabot sa ganito?" She clearly remembers na iyon ang sinabi niya nang makarating sa Plaza Royal at maya-maya pa ay napaiyak na siya na parang bata. She cried out her exhaustion.
"Ang ingay mo." Iyon ang unang bati ni Thomas sa kaniya na dinagdagan ng... "Dinalhan mo ba ako ng pagkain?"
"Ha?" iyon ang unang naisagot niya at ang pangalawa ay.... "G-gusto mo ba ng p-pagkain? G-gutom ka ba?" nangangatog na tanong ni Catherine kay Thomas Clemente Cordova noon.
Biglang siyang natanga noon nang tumatawa itong umupo sa tabi niya. "Sabi ko na nga ba eh, makakalimutan mong rin ang mga pinangako sa akin,"
Because she was amused by Thomas, she cleary remembers how a tear escaped from her right eye noong nakita niya si Thomas. Like waves of emotion rushing on her system, she also remember how everything went in slow motion nang kumuha ito ng itim na panyo sa bulsa't ipinahid iyon sa tumatakas niyang mga luha. Yet like smoke, Thomas clearly fade infront of her for the first time.
"Memento Mori," bulong ni Catherine pagkatapos niyang maalala ang tagpong iyon. She run her pointing fingers on the perfectly embroidered cursive letters on the bottom of the hanky that was given by Thomas.
Habang ginagawa iyon ay may naalala ulit siya, at ang alalang iyon ay walang iba kundi tagpong nagpunta siya patahian sa labas ng Casa pata itanong kung.....
"Anong ibig sabihin ng nakaburda?" diretsong tanong ni Catherine sa matanda.
"Memento Mori, salitang latin na sa ating wika ay katumbas ang katagang 'Aalahanin mong mamamatay ka'."
"Ang sabi sa akin ni ina ko ay ginagamit daw ang mga katagang iyon ng mga Kastila para iburda sa mga panyo, nilalayon dawng ipaalala ng mga katagang nakaburda na walang sino man ang magtataksil sa kanila kung hindi papatayin nila,---kapag nagtaksil ka ay aalahanin mong mamatay ka, ganoon daw ang kabuoang kahulugan noon. Pero ginagamit din daw ang katagang iyon ng mga hukbong Pilipino na nilalabanan ang kasakiman ng mga kastila para ipaalala sa hukbo na para mabuhay ng totoo ay kailangan nilang aalalahin na mamatay sila. Na kung ano ang kaya nilang gawin habang buhay pa sila ay gagawin nila, na kung ano ang kaya nilang ipaglaban hangga't humihinga sila ay ipaglalaban nila. Aalahanin mong mamatay ka kaya kailangan mong gawin ang lahat ng nagpapasaya sa'yo habang buhay ka."
Matapos maalala ang sinabing iyon ng mananahi ay biglang nagkaoon ng lakas ng loob si Catherine. "Mag-e-extend ako kapag hindi pa rin nasagot ang mga katanungan ko pagdating ng linggo," she bravely said ngunit humina ang boses niya nang nilaanan niya ang tingin sa screen ng laptop niya kung saan nakalatag ang manuscript na ini-edit niya.... "Even though meeting you means losing my job, I will extend my days here in Pueblo Maharlika."
Malungkot siyang napatingin sa mga perlas na nasa loob ng pouch na nasa tabi lang ng laptop. "Siguro ito rin ang dahilan ko noon, o ni Senyorita Maria kung bakit kita inilibing sa gilid ng daan. Para magamit ko ang inyong halaga sa kasalukuyan nang sagayon ay mabigyan ng sagot ang mga tanong ko sa nakaraan."
Normal people don't usually talk with pearls, pero sa isip ni Catherine: Para saan pa'ng pag-aalaang baka matagawag siyang hindi normal kung hindi naman talaga normal ang nangyayari sa kaniya rito. Sino ba kasing normal na tao ang biglang napapadpad pabalik sa taong 1804? Siya lang!
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Narrativa StoricaShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...