Ulan
"ANO!?" Napasigaw si Flora sa kinuwento ng kaibigan niyang si Catherine.
"Oo, hinalikan siya ng Mama ko," malamyang sagot ni Catherine habang dinuduyan-duyuan ang sarili rito sa isang swing sa Plaza Royale.
"Grabe, base sa pagkaka-describe mo sa Mama mo este ni Senyorita Maria eh parang may hinala akong may gusto siya kay Mestizong Oppa? Sa ano 'yun? Magtataksil siya kay Don Tiago tapos magiging karibal mo siya kay Mesztizong Oppa? Nakakaloka naman 'yun! Mag-inang magkaribal," sinubukang umirap ni Flora sa sinabi niya pero sumakit lang ang mga mata niya.
"'Pero hindi naman siguro mangyayari iyon. Si Thomas, hindi rin naman niya gusto 'yong halik ni Mama. Wala siyang choice noong hinalikan siya. Tsaka naisip ko rin na baka iyon lang 'yong way ng mama ko para pasalamatan si Thomas."
"Na lamutakin siya?" galit na sagot ni Flora.
Pinasadanhan naman ni Catherine ng tingin ang kaibigan, "Ba't sobrang affected mo?"
"Galit ako sa mga ganoong babae eh! Eh 'di ba nga noong college pa tayo, naikuwento ko sa'yong mahal na mahal nung tatay 'yong nanay ko na tipong handa niyang ibuwis ang buhay niya para sa nanay ko. Kaso itong nanay ko na makati ang ***..."
"Grabe ka, sige ipagpatuloy mo," ani Cath.
"So 'yong ngang nanay kong makati ang talaba eh palihim na niloko 'yong Tatay ko tapos isang gabi, nawala na lang ang nanay ko at 'yun pala eh nakipagtanan na sa ibang lalaki. Kaya galit ako sa mga babaeng ganun," suminghot si Flora at maya-maya pa ay biglang naiyak. "Kaya ikaw Cath! Kapag nakabalik ka ulit sa nakaraan, huwag mo hayaang maging ganun ang nanay mo okay?"
"Okay..." ani Catherine at tinapik na lang ang likod ng umiiyak na kaibigan. Catherine and Flora had been bestfriends for almost six years. At sa mga taong iyon, matagal ng alam ni Catherine na galit si Flora sa nanay nito. At sa bawat pagkakataong napaguusapan nila ito ay hindi mapigilan ni Flora na maiyak na parang bata
Maya-maya pa ay biglang natulala si Flora nang sa 'di kalayuan mula rito sa Plaza Royal nang may nakita siyang mga sundalo. "Cath? Ba't may mga sundalo? May bago bang pakulo ang nga staff ng Pueblo ngayon?"
"Ha? Anong sundalo?" tanong ni Catherine.
"Ayun oh!" sinundan ni Catherine ng tingin ang tinuro ni Flora at nang natanaw nito ang tinuturo ay bigla siyang kinabahan dahil wala namang siyang nakitang mga sundalo na gaya ng tinutukoy ni Flora.
"Flora, tara na! Balik na tayo sa Casa!" ani Catherine sabay kay Flora.
"Teka, magpapa-picture tayo sa mga sundalo!" giit ni Flora.
"Flora, wala akong nakikitang mga sundalo!" sigaw ni Cath. Natigilan si Flora. Namilog ang mga maya nito at maya-maya pa ay namutla ang mga labi.
Hinawakan ni Flora ang kaibigan "Kagabi noong sinundo mo ako sa may tapat ng munisipyo, nung sibabi ko sa'yong may nakita akong paring pugot na ulo, hindi ako nagbibiro nun. Akala ko guni-guni ko lang 'yun pero ngayong pati ikaw ay may nakikita ng kakaiba, kailangan na kitang pauwin. Hindi ka puwedeng madamay dito."
"P-pano 'yong pinangako mong suweldo ko?" utal-utal na tanong ni Flora, hindi makagawang makalingon dahil baka may ibang makita.
Nasapo ni Catherine ang sariling mukha, "Susuwelduhan kita. Tara na..." ani Catherine sabay hila kay Flora ngunit maya-maya pa ay bigla siyang natigilan nang wala na siyang mahilang kamay.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Catherine. Dahan-dahan siyang lumingon at maya-maya pa ay nakita niyang wala na nga si Flora sa likod niya na kanina-nina lang ay hila-hila niya.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...