Torrid Kiss
"Kay ganda ng Pueblo, mas maganda pa ito kaysa Pueblo Itrinta," ani Senyorita Floresa habang nakatingin sa labas ng bintana ng kalesang umaandar pa rin ngayon.
Ang Pueblo Itrinta ay ang katabing Pueblo ng Pueblo Maharlika. Mas sibilisado at mas masagana ang Pueblo Maharlika kaya Pueblo Itrinta. Sa Pueblo Itrinta, iilang batong bahay lang ang makikita ngunit dito sa Pueblo Maharlika ay halos lahat ng bahay ay gawa sa bato maliban na lang sa mga bahay ng mga nasa mababang antas na gawa ang bahay sa kawayan at sa nipa.
Mas maayos din ang mga kalsada rito sa Pueblo Maharlika sapagkat halos lahat ng daan ay gawa sa aspalto habang karamihan sa daan sa Pueblo Itrinta ay gawa sa putik. Patunay na kahit nasakop ng mga kastila ang parehong Pueblo ay mas maayos pa rin ang pagmamalakad sa Pueblo Maharlika.
"Mas naging maganda po ang Pueblo Maharlika nang dumating kayo Senyorita Floresa..." parehong ani ng kambal na nakaupo sa tapat ni Senyorita Maria at Senyorita Floresa.
Catherine and Flora snapped at the twins. Kanina pa sila nasa loob ng kalesa pero ngayon lang sila may napansin.
"Ezamuel?" parehong ani Catherine at Flora. Sabay nila iyong binigkas habang tinititigan si Samuel at Esmael----ang kambal ni Manang Isme.
"T-teka, naguguluhan ako," ani Flora nang sumakit ang ulo.
"Ako rin eh..." ani Catherine sabay hawak sa ulo niya.
"Paanong nangyari iyon? Ibig sabihin ba ay may kambal si Ezamuel sa present life? Pero sino si Ezamuel sa past life? Si Samuel o Esmael?" ani Flora at sabay silang napatitig sa kambal na magkaparehong-magkapareho ang mukha at hindi mababakasan ng pagkakaiba.
"Mga senyorita? May problema ho ba?" ani Esmael nang madatnang titig na titig ang dalawang senyorita sa kanya at pati na kay Samuel na ngayon ay pulang-pula na ang mukha. Kung may pagkakaiba man sa kanilang dalawa ay hindi marahil makikita sa pisikal na katangian kundi sa pagkakaiba ng kanilang ugali. Si Esmael ay masalita at kalkuladong ginoo habang si Samuel ay mahiyain at madaling maapektuhan ng sariling emosyon.
"Senyorita Floresa, huwag po ganyan..." ani Samuel nang si Senyorita Floresa ay hibla na lang pubic hair ang pagitan sa kanya ay mahahalikan na siya nito.
"Magkamukha nga sila..." bulong na ani Catherine na sinundan naman naman ni Flora... "Magkamukhang-magkamukha."
Nang makarating sa tapat ng Casa ay mas naunang bumaba ang mga sakay ng uang kalesa na sina Senyorita Maria at Senyorita Floresa na mabilis na inalalayan ni Samuel at Esmael.
Sumunod namang lumabas si Mamang Isme at ang mga guwarsiya sa ikatlong kalesa. Huling lumabas si Donya Cecilia at Donya Lorna sa ikalawang kalesa. Tawang-tawag ang dalawang Donya noong bumababa habang si Thomas naman ay hindi maitimpla ang mukha.
"Oh? Anong binubusa-busangot mo riyan?" tanong ni Senyorita Maria na nasa gilid lang ni Thomas. Hindi ito sumagot ni kumibo. Seryoso lang ang mukha nito, nakaigting ang mga panga at halos magkadikit na ang pulido nitong kilay.
Nasa hagdanan na sila ngayon ng ikalawang palapag ng Casa. Nasa unahan naman ang mga magulang ni Senyorita Maria na kinakausap si Senyorita Floresa at si Donya Lorna na minsan ay humahalakhak, tumatawa at madalas tinatanong sa mataas na tono ang salitang "Talaga?" "Ano!?" "Totoo!?"
Sa likuran naman ng mga magulang ni Senyorita Maria ay nakasunod lang ang dalawang guwardiya at isang alalay ni Floresa.
Habang si Senyorita Maria at si Thomas naman nasa hulihan ng linya. Si Manang Isme at ang kambal ay nauna na sa kuwartong katabi ng kuwarto ni Senyorita Maria kung saan matutulog ang bisitang si Senyorita Floresa ngayong gabi at sa mga susunod na araw.
Nang pareho nang makapatong ang bakya ni Senyorita Maria at ang bota ni Thomas sa adobe na sahig ng ikalawang palapag ay pareho silang napahinto.
Nagkatititgan sila ng malagkit na malagkit.
"Sabihin mo nga, anong problema mo? Hindi 'tong parang shunga akong inaanalisa kung bakit ka nagkakaganyan..." mahina ngunit madiin at sagad sa gilagid na ani Senyorita Maria kay Thomas habang sinisiguradong hindi nakatanaw sa kanila ang mga taong nasa unahan nila.
Nang hindi pa rin kumibo si Thomas ay tinanong niya ito ulit, "Thomas? Anong problema? Sabihin mo!?"
Nilibot ni Thomas ang paningin sa buong ikawalang palapag at nang makita niyang nakapasok na ang lahat sa dining hall maliban sa kanilang dalawa ng kanyang iniirog ay seryosong nilapitan ni Thomas si Senyorita Maria na naging dahilan upang mapaaatras ito hanggang sa lumapat ang likod nito sa pader.
"Th-thomas, a-anong gagawin mo?" pautal-utal at namumulang ani Senyorita nang ma-corner siya ni Thomas sa pader. Ramdaman niya ang kaba na baka mahuli sila at ramdam niya rin ang nakakalabuhay dugong mga titig ni Thomas sa mga labi niya.
"Halikan mo ako Maria, halikan mo ako..." mahina at napakalalaking bulong nito, hinihintay ang pagdampi ng labi niya sa labi nito.
"T-teka? Ba't ako pa ang hahalik sa'yo? Ba't hindi na lang ikaw ang humalik sa akin?" ani Senyorita habang kumakalat pa rin ang pulang tinta sa kaniyang pisngi.
"Tsaka, nahihibang ka na ba? Pa'no kung makita ta----" Natigilan si Maria sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasalita nang makita ang mga mapupungay na mga mata ni Thomas na uhaw na uhaw sa labi niya, na tila ba nagpunta ito sa isang disyerto at hindi nakainum ng tubig sa loob ng isang taon.
Nakagat niya ang ibabang labi nang makita niyang gumalaw ang adams apple ni Thomas. At nang hindi niya nakayanan ang nakitang paghihirap ni Thomas ay mabilis niyang iginapos ang mapuputing kamay sa leeg ni Thomas at inilibing kaniyang mga labi sa mapupulang mga labi nito.
Saksi ang mga lumang paintings, ang hagdan, ang mga pader, ang mga pintuan at ang mamahalingang mga chandeliers sa ginawang iyon nina Senyorita Maria at Thomas.
Hiyang-hiyang tumitig ang mga taong nakapinta sa paintings sa kung paano humahalik si Thomas kay Senyorita Maria.
May tunog. Tila humihigop ng sabaw.
Tila sumasyaw rin ang umaalon na katawan ni Thomas habang ginagawa ang halik niyang iyon kay Senyorita Maria.
"Sarap humalik ni Thomas bes..." ani ng baklang nasa paintaing sa pader.
"Sinabi mo pa bes," sagot ng matronang walang saplot na nasa katabi nitong painting.
* * *
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...