Ang Tunay na Traydor
Humahagulgol na tumakbo si Senyorita Maria kasama si Thomas patungo sa looban ng Plaza Royal. She kept on wailing. Hindi niya ininda ang sakit nang makailang beses na halos madapa siya.
Maya-maya pa ay nasa loob na sila ng kakahuyan. Thet kept on running hanggang sa mapunta na sila sa talahiban. They know that someone is chasing on them. Maraming putok din ang naririnig nila sa likuran nila.
"Kung matatamaan man ako ng bala Maria, mauna ka ng tumakbo," ani Thomas habang tumakbo sila ng pagkabilis-bilis. Ramdam nila ang tulis ng mga talahib na abot sa na hanggang sa leeg.
"Huwag mong sabihin iyan Thomas," ani Senyorita. Magang-maga na ang mga mata niya. "Ikaw na lang ang mayroon ako," dagdag ng Senyorita.
Nakita ni Maria na ngumiti ng nakakaloko si Thomas, "Iyan ang unang beses na narinig ko iyan mula sa'yo Maria."
Hingal na hingal na sila ngunit patuloy pa rin sila sa pagtakbo.
"Oo iyan ang unang beses at kung gusto mo pang madagdagan ang mga sasabihin ko na katulad niyan ay kailangan nating mapunta sa taob na bato nang wala ni isa sa atin ang napapahamak."
They've been running for more than half hour at nakakarinig pa rin sila ng makailang beses na pagputok.
Nakalabas na rin sila Plaza Royal at tanging mga talahib lang talaga ang nakikita nila. Hindi nila alam kung kailan nila malalagpasan ang parteng ito ng pagpunta sa taob na bato pero kailangan pa rin nilang tumakbo.
Kung makakakita sila ng isang bundok ay hudyat na iyon na malapit na sila. Pero sa puntong ito ay wala ni kahit isang bundok ang nakikita nila, tanging matatas na talahib lang, ang araw, at pati na ang kulay asul na kalangitan ang natatanaw nila.
"Oh!" Biglang nadapa si Senyorita Maria. Sumubsob ang likod niya sa damuhan. At nang makita niya ang nasagi ng kaniyang paa ay biglang nanlaki ang mga mata niya.
Manang Isme's dead body is on the ground at iyon ang nasagi ng paa niya na naging dahilan upang matumba siya.
"Wala na siya Maria..." ani Thomas nang kinuhanan ng pulso ang leeg ni Mang Isme. May tama ito sa likod at dilat na ang mga mata nito. Sa kamay nito ay hawak nito ang larawan ng kaniyang dalawang kambal anak at pati ng kaniyang asawa.
"Hindi!" sigaw ni Catherine. The last hour has been so tragic for her. Hindi pa lumipas ang isang oras ay isang importanteng tao na naman ang nakita niyang wala ng buhay.
Gamit ang mga palad ay ipinikit ni Thomas ang mga mata ni Manang Isme na nakatingin sa kalangitan. Nang matapos ay itinayo niya na ang humagulgol na si Maria, at kahit mabigat pa rin ang emosyon nito ay hinila niya pa rin ito para magsimula ng makapaglakad ulit.
"Binaril si Manang Isme sa lugar na ito at malaki ang posibilidad na narito pa ang humabol at bumaril sa kanya."
Nagsimula silang maglakad at nang makarinig ulit ng mga pagputok ay muli silang tumakbo.
Lumipas ang anim na oras ay pagod na pagod na sila, uhaw na rin sila at gutom. Tagaktak na rin ang pawis nila dahil sa sobrang tirik na raw.
Maya-maya pa ay humito silang dalawa.
"Kaya mo pa ba?" tanong ni Thomas. Namumutala na.
Mahinahing tumango si Maria.
"Maghahanap ako ng tubig, iiwan muna kita," ani Thomas. Nang akmang aalis na ay hinawakan siya ni Catherine sa palapulsuhan niya.
"Nagbuwis ng buhay ang mga kasamahan nating lalaki na naroroon pa ngayon sa sentro ng Pueblo para makarating tayo ng maayos sa Tao na Bato, kailangan nating makarating doon ng hindi naghihiwalay. Kailangan tayo ng mga ina at bata roon," ani Senyorita Maria.
BINABASA MO ANG
Memento Mori: A Love Story from 1804
Historical FictionShe loves him. Yet, he kept her sedated for nothing. The reason? Simply because, he's nonexistent at all. Well he exist---but only in her mind and in 1804. And his name is--- Thomas Clemente Cordova, a handsome ghost soldier whom Catherine Cruz had...