C H A P T E R 9

4K 127 15
                                    

SHE was still in shocked. Hindi maarok sa isipan ni Catherine ang kaganapang iyon. Hindi dahil sa nagkita sila sa simbahan at binigyan siya nito ng sulat kundi sa pseudonym na ginamit nito sa sulat para sa kanya.

At ang pseudonym na iyon ay walang iba kundi ang...

"Mestizong Oppa," tulalang bulong niya sa sarili habang nakaupo rito sa kama ng unit nila at nasa labas ng bintana ang tingin.

"Cath, pinagloloko mo ba ako? Eh wala namang nakalagay sa sulat eh?" tanong sa kanya ng kaibigan na naging dahilan para maputol ang malayong tingin niya.

"Patingin!" Hinablot niya ang papel sa kaibigan. Ngumuso si Flora na nakisali siya sa pagtitig ni Catherine sa papel.

"Kanina, habang naglalakad ako pabalik sa Casa, may sulat kamay pa ni Mestizong Oppa rito!" mangiyak-ngiyak na usal ni Catherine sabay turo sa papel.

"Oh! Huwag mo sabihing ako na naman ang may kasalanan! Tignan mo oh, wala naman talagang sulat," gamit ang hintuturo ay tinuro-turo ni Flora ang dalawang perasong papel na nasa kamay ni Catherine. Malungkot itong tinignan ng dalaga. Blangko na nga ito at wala ng sulat.

"Teka, may naisip ako!" ani Flora sabay kuha sa dalang perasong papel.

May kinuha siya sa cabinet at iyon ay lighter. Nang makiita iyon ni Catherine ay mabilis siyang umalma.

"Hoy? Huwag mong sunugin! Aning-aning ka ba?!" akmang kukunin na sana ang dalawang pirasong papel kay Flora nang bigla nitong inawas ang kamay sa kanya.

"Teka nga lang Cath! Masyado kang atat eh, hindi ko ito susunugin! Watch and learn okay!?" Maya-maya pa'y binuksan na ni Flora ang lighter. Lumiwanag sa buong kuwarto ang apoy na nanggagaling sa bukana ng pansindi.

Nakatitig lang si Cath sa papel nang marahang inilapat ni Flor ang apoy ng pansindi sa katawan ng papel.

"Oh 'di ba? Walang nangyari? Minanstahan mo lang ang papel. Amin na nga!" parang asong tumikhim si Flora nang kuning muling ni Catherine ang dalawang perasong papel mula sa kanya.

"Ganun kasi ang ginagawa ng mga tao noong unang panahon. Kapag nagsusulat sila ng letters, kandila ang pinanggagamit nilang pangsulat at kapag itinapat mo 'yong papel sa apoy ay makikita mo kung ano talaga ang mga nakasulat sa papel," pagpapaliwanag ni Flora.

"Eh hindi naman kasi kandila 'yong ginamit niyang pansulat eh. Talagang tinta iyong ginamit niya. Itim pa nga 'yong tinta eh," pagmamaktol ni Catherine.

"Eh baka ganoon talaga. Baka may mga bagay na hindi mo puwedeng dalhin dito sa kasalukuyang panahon. Pero teka," lumapit si Flora kay Catherine.

"Ano?" anito.

"Tanda mo naman 'yong mga nakasulat sa letters ni Mestizong Oppa 'di ba? Anong sabi roon sa sulat?"

"Ang sabi roon sa unang sulat, kaya hindi kami natuloy sa pagtatanan namin kahapon eh habang nasa kalesa raw kasi ako at naghihintay sa kanya ay pinabalik silang mga sundalo sa kuwartel. Sinabi rin niya na ang dahilan ng pagbalik nila sa kuwartel ay ang biglaang pang-announce nung general nila na may mga sundalo sa Pueblo Maharlika na ililipat sa kabilang bayan at maaring isa siya roon. Kaya sa pangalawang sulat, ang sabi niya, magpapalipad siya ng puting parol sa Plaza Royale pagdating ng alas nuwebe kung hindi siya masasama sa mga ililpat sa kabilang bayan. At pula naman ang ipapalipad niya kapag napili siya, at kapag pula nga ang kulay ay magkikita kami sa Plaza Royale para magtanan."

"Ang sweet!" kinikilig na mungkahe ni Flora. "Ang effort pala ng mga boys noon! Ngayon, pa-messenger-messenger lang kapag nagpapadala ng message pero noon nagsusulat pa ng palihim at nagpapalipad pa ng parol! Ahh! Gusto ko ring bumalik sa nakaraan! Gusto kong makakita ng sariling Oppa ko!"

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon