C H A P T E R 25

2.8K 86 32
                                    

Cashya pero hindi Kinaya

"How are you? Are you okay now?" tanong ni Ezamuel kay Flora, ngumiti naman si Flora sabay lamon ng laman ng laman crabs. Tumawa siya bilang sagot sa tanong ni Ezamuel.

"As far as I can see, mukhang okay ka naman." ani ng Ezamuel na nakaupo lang sa harap ni Flora na enjoy na enjoy sa pagkain ng laman ng alimango.

"At yep! Tama ang sabi mo! Ako nga iyong treasurer hunter na na-blotter kahapon. Pero hindi gaya ng kaibigan mong si Cath, gawa-gwa ko lang 'yong excuse ko sa pulis napanag-inipan ko 'yong mga perlas na nandun. Actually, nalaman kong may perlas doon sa mga nababasa kong libro patungkol sa Pueblo Maharlika. It was actually a fiction pero I was amazed na meron pala talagang nakalibing doon na mga perlas," Ezamuel explained.

"Ganun ba? Sorry din kaninang umaga ha at bigla akong nag passed out? Ang cute mo kasi! Hindi ko ki-neri ang hotness mo pogi slash treasure hunter slash Ezamuel," ani Flora at natawa lang si Ezamuel sa sinabi nito.

"Nahilo lang ako kaninang umaga. Nasobraan kasi ako sa diet kaya ganun. Sorry ah! Napabuhat ka tuloy sa'kin kanina papuntang clinic, kamusta biceps mo? Mas naging well toned ba?" sabay himas ni Flora sa braso nito. Para-paraan.

Natawa ulit ito.

Nagsalita naman ulit si Flora. "Tapos sorry din kasi ako dapat 'yong mang-libre ngayon sa'yo kaso lang pera eh, nilibre lang din kasi ako kaibigan kong si Cath na magbakaysyon ng ilang araw dito sa Pueblo Maharlika," mahabang paliwanag ni Flora.

"It's okay," ani Zamuel.

"Hmm. Tapos okay naman sigurong librehin mo ako 'di ba? Treasure hunter ka kaya! For sure marami kang pera! Hala, may lamok!" sabi ni Flora sabay hawak sa chest ni Ezamuel. Para-paraan talaga.

Natawa si Zamuel at maya-maya pa ay nagsalita ito. "Actually, may treasure na akong natagpuan."

"Ha? Saan?" parang natatangang ani Flora habang nakadampi pa rin ang palad sa chest ni Ezamuel.

"Nasa harapan ko," nakangiting sagot si Zamuel sabay mas diin pa ng kamay ni Flora sa mamula-mulang chest niya.

Kinikilig naman na nangasim ang mukha ni Flora.

A staff from the Restaurant wearing an apron with a logo: 'Alimanguhan sa Daanan' meddled them na naging dahilan upang napahinto sila sa kanilang ginagawa.

"Ma'am, Sir! Restaurant 'to at hindi motel. Alimango ang nilalaplap dito at hindi tao!" sabay alis ng staff pagkatapos nitong ilagay sa mesa nila ang another order nilang roasted crab.

Hiyang-hiya naman si Flora sa ginawa nila ni Ezamuel.

"Ang baboy ng dating natin no?" nakabungisngis na ani Flora, natawa si Ezamuel.

"Ang cute mo talaga!" ani Ezamuel at parang bulate namang inasinan si Flora na kumibot-kibot sa upuan.

Sa kalagitnaan nang pagkain nila ay nagsalita si Ezamuel. "Hindi mag-alala sa iyo 'yong kaibigan mong si Cath? Iniwan mo lang siya roon sa bahay nila Tata Islaw."

"Hindi noh! May sariling mundo 'yun!" ani Flora.

"So okay lang na sinama kita rito?"

"Okay pa sa alright..." Tumawa si Flora.

Tumawa si Ezamuel sa sagot ni Flora.   "So Flora, anong plan mo after our dinner?"

Inilagay ni Flora ang pointing finger sa gilid ng labi, tumingin sa celing kung saan may butiki, at nang maisip ang sagot ay binigkas niya ito sa sa ere.... "Gusto kong mag-take out."

Natulala si Ezamuel. "B-bakit? Hindi ka pa ba nabubusog sa kinanin natin?"

Humalukipkip si Flora... "Eh hindi naman pagkain ang gusto kong i-take out eh."

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon