C H A P T E R 42

2.9K 67 16
                                    

Mga Halinghing

AUGUST 30, 1804.
"ANONG nangyari sa'kin?" tanong ni Senyorita Maria kay Thomas na nasa tabi niya lang. Marahan siyang umupo mula sa pagkakahiga.

"Nahuli na si Makatang Pluma..." sagot ni Thomas.

"Ano!?" Napasigaw si Catherine. Hindi puwedeng mahuli si Makatang Pluma. Bukod sa ang taong iyon ay ang katangi-tanging tao na na siyang magiging susi upang mapalaya ang Pueblo Maharlika ay sa tao ring iyon nakasalalay ang kaligtasan ni Thomas, ni Maria at ng iba pang kasali sa hukbo. Kung ang taong iyon ay puwersahang papaaminin sa kung sino man ang mga kasapi ng hukbong kinakabilangan nito ay tiyak na malalagay ang mga kasapi niti sa kapahamakan.

"Bukas ng umaga, sa pagbuka ng liwayway, kikitlin si Makatang Pluma sa Plaza Royal," ani Thomas.

"Teka? Paanong nahuli siya?" tanong ni Senyorita Maria.

"Nahuli siya nang sinubukan niyang pasuking muli ang Pueblo Maharlika. May mga kasama siya ngunit pinatay din ang mga ito."

Naipikit ni Senyorita Maria ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang taong katangi-tanging magsasalba sa Pueblo Maharlika ay tuluyan ng nahuli at kikitlin na ang buhay bukas. Si Makatang Pluma na lang ang pag-asa ng buong Pueblo Maharlika.

"Paano akong napunta rito?" tanong ni Senyorita Maria nang mahimasmasan, nakahawak siya sa kaniyang ulo dahil sa bukod sa wala siyang matandaan kung paanong napunta siya rito ay pumipitik din sa sakit ang ulo niya. Bukod pa roon ay nakakaramdam siya ng paghilo na tipong gusto niya ng maduwal.

"Ilang araw ka ng ganiyan Maria. Nasusuka, nahihilo at sumasakit ulo. Nagsimula iyan noong may nangyari sa atin sa Calle Crisologo..." nahihiyang ani Thomas at pilit na ikinukubli ang nakatagong ngiti sa gilid ng kaniyang mga labi.

"B-buntis ako?" kinakabahang tanong ni Senyorita Maria. Maya-maya ay niyakap niya si Thomas dahil sa sobrang tuwang naramdaman.

"Magiging ama ka na Thomas..." mangiyak-ngiyak na ani Senyorita Maria.

Kumalas si Thomas sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya. Hinawakan ni Thomas ang kaniyang pisngi. "Kung mayroon mang nabuo ay paninidigan ko iyan Maria. Bunga iyan ng ating pagmamahalan."

Malungkot na napatingin si Maria sa mga nangungusap na mga mata ni Thomas. Kahit isang malaking panganib ang naghihintay sa kanila kung sakaling malaman ng mga magulang ni Maria na nabuntis siya ng sundalong guwardiya niya ay hindi na iyon inisip ng Senyorita. Ang iniisip niya lang ngayon ay kung paanong mapapalaya nilang dalawa ni Thomas ang Pueblo Maharlika ngayong nahuli na si Makatang Pluma. Kalayaan para sa mga mga taong naririto sa Pueblo, para sa susunod na henerasyon at para sa magiging anak nilang dalawa ni Thomas.

Thomas gently move next to Senyorita Maria's face. Marahang naipikit ni Senyorita Maria ang kanyang mga mata nang dumampi ang malambot na mga labi ni Thomas. Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang napahiga sa kama nang muling maramdamng gumalaw na ang mga labi ni Thomas.

Naihiga ni Senyorita Maria ang kanyang dalawang braso sa magkabilang gilid ng kama nang magsimulang lumipat ang mga halik ni Thomas patungo sa kanyang leeg.

"Thomas..." Halos mapasigaw si Senyorita Maria nang biglaang tanggalin ni Thomas ang kanyang baro at lantarang bumulaga ang kanyang tumatalbog na dibdib sa harap ng kaniyang lalaking minamahal.

"Thomas..." Napahalinghing si Senyorita Maria nang parang batang hinalikan ni Thomas ang magkaparehong dibdib. The feels ng was electrifying. Parang nakokoryente si Senyorita Maria kapag dumadampi ang pinaghalong ngipin, dila, at mga labi ni Thomas roon.

Hiyang-hiya naman si Senyorita Maria nang tumigil si Thomas sa paghalik sa dibdib niya ngunit mas lalo siyang nahiya nang bumaling si Thomas sa gitna ng hita niya. Wala na ang kaniyang saya ngayon at hindi niya alam kung paanong nangyari iyon. Ang alam niya lang sa puntong ito ay naroon na si Thomas sa gitna ng kaniyang hita at hinahalikan ng wagas ang kaniyang hiyas.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon