Rivals to Lovers : 7

6.2K 148 2
                                    

Sa pagpapatuloy... ️♥️♥️♥️

Dumating na nga ang mga araw na pinag aalala ko. Hindi naman sa talagang takot ako rito pero medyo di ako kumpurtable sa magiging buhay ko dito sa bahay kasama ang beast mood na si Kaizzer. At yun nga, walang bago, di parin kami close. Higit sa lahat, ilang araw nang panis ang laway ko. Simula kasi noong umalis sila nanay at Mrs. Zandoval ay wala na akong nakausap sa bahay na ito. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang umalis na sila. Ang kasambahay naman at taga laba naming dito ay weekend lang pumupunta para maglinis at yun nga maglaba. Dalawa sila, si Ate Teresa at Ate Aida. Si nanay Tessy na pinakamatagal umanong katulong nila Kai ay pinauwi na sa probinsiya nito upang makapagpahinga na at magtayo na lamang ng isang maliit na negosyo na kanyang pagkakaabalahan. Binigyan ito ni Mrs. Zandoval ng pampuhunan upang makapagsimula.

Naalala ko ng pala yung parti kong tinatanong kay nanay. Ito ay kung nasaan si Tatay kaso parati itong iniiwasang sagutin ni Nanay. Parati niyang wika ay sa tamang panahon ko nalang daw malalaman kung sino nga ang tatay ko. Binabalewala ko nalang ang mga ganung tanong sa isipan ko ngunit minsan talaga may mga pagkakataon na naiisip mo ang mga bagay na di mo lubos maintindihan.

Haaaay! Ito nga't medaling araw na. Ngayon na ang simula ng pasok ko sab ago kong paaralan. Syempre medyo kabado at nahihiya pero kakayanin. Ipinangako ko rink ay Nanay na magiging responsible ako sa lahat ng bagay habang narito ako kela Mrs. Zandoval. Kahit malungkot at nakakamiss si nanay ay kakayanin ko parin na bumangon araw-araw. Pasalamat na rin ako at narito ako sa isang maginhawa at maayos na tahanan. Thank you Lord.

Inihanada ko na yung mga gamit ko at ang susuutin kong uniporme. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Kahit na di kami okay ni Kier ay ipinagluluto ko parin siya. Masakit nga lang kasi di niya kinakain, pero ayos lang umaasa nalang ako na balang araw ay kakainin niya ang niluto ko. Ngunit ang pinakagusto at hinahangad kong magyari ay ang maging maayos kami. Maging magkaibigan ba.

Pagkatapos kong maligo ay, kumain na ako. Suot ko ngayon ang uniform ng school na papasukan ko. Sa uniforme palang ay alam ko nan a isang mamahaling paaralan ang papasukan ko.

Natapos naman agad akong kumain, sino ba naman ang gaganahang kumain kung magisa ka ang. Well, nabusog naman ako. Yun nga lang malungkot lang kasi para akong tanga sa malaking lamesa. Pagkatapos magsipilyo ay pumasok nalang ako sa kwarto para i-check ang laman ng bag ko at syempre humarap sa salamin. Pagkatapos ng lahat ng mga seremonya ay lumabas na ako ng bahay.

"Good morning sir!" Yung guard naming, este nila pala. Ang feeling ko naman, pero sabagay pilit na iginigiit ni Mrs. Zandoval na ituring kong kaparte ako ng pamilya nila. Eh di sige.

Good morning din po kuya! Balik kong bati sa guard namin.

Dahil first day of class at di ko pa kabesado ang location ng school ay nagpahatid pa ako sa driver ng family nila Kier, na driver narin naming lahat actually. Siya rin pala yung naghati saamin ni nanay papunta rito sa bahay nila Kai.

Mabilis kaming nakarating ni manong Toto, yan ang pangalan ng driver namin. Pagkabababa ko ay napawow agad ako sa kaharap kong building. Kahit nasa kalsada pa ako ay manghang mangha na ako rito. Pagpasok ko sa entrance ng school ay kailangang I –swipe ang ID. At doon nga lalabas ang profile mo sa malaking monitor sa taas ng main entrance. May ilang estudyante na rin ang kasunod ko. Sa wari ko walang pulubi rito sa school na to maliban sa akin. Pero take note I don't look like a pulubi kaya chill parin. May lumabas sa monitor na "Welcome to Kingswood College of the Philippines". Agad naman na akong pumasok matapos magbukas ang sliding glass door. May mga bumabating mga staff na nagbibigay pa ng leaflets. Tiningnan koito at isa nga itong directory guide. Pagkakuha ko sa enrollment copy ko ay isa-isa kong chineck ang aking mga rooms and subjects.

Sa third floor ang una kong class. And luckily ay nasa Science class ako. Habang naglalakad sa hagdan ay nakadama ako ng excitement gaya ng usual kong nafefeel kapag umpisa ng pasukan sa dati kong school. Kaya ko to, yan lang ang mga salitang laman ng isip ko habang paakyat.

Pagliko ko nang marating ko na ang dulo ng hagdan ay... Bogs! Nagkabanggaan kami ng isang...natigilan ako ng tingnan ko siya. OMG na OMG, ang gwapo niya mga bes. Ilang segundo pa akong nakatitig sakanya hanggang sa ... "Sorry". Doon naman natigil ang paglipad ng imagination ko. Di ko naramdaman ang sakit ng banggan namin. Basta parang masaya pa ako.

Ah,ahm, sorry din, baling ko sa kanya.

"Careful." Tangi niyang sabi at lumakad na pababa. Gusto ko na talagang tumabling dahil sa lagkit ng ngiti niya. Makapasok na nga. Ang agaga kalandian ang nasa isipan eh.

Halos kalahati na ng klase ang nasa loob ng classroom. Pinili kong sa bandang dulo maupo. Inayos ko na ang pagkakaupo ko pati ang sarili ko. Mabilis na nagsidatingan ang iba pang estudyante at dumarami na kami.

Napatitig ako sa pintuan ng pumasok ang lalakeng nakabanggan ko kanina. Damn, ditto rin pala siya. Nag haheart na ang hugis ng mata ko ng buigla itong nawala dahil sa pagpasok pa ng isang gwapong nilalang. Yung nilalang na di ko maintindihan. Siya yung taong gwapo pa sana kung ngingiti lang. Siya lang naman si Kaizzer, ang dakilang beast mood.

Nakaramdam ako ng hiya ng isa-isa siyang batiin ng mga kaklase naming. Oh wow! May favoritism pala sa classroom na to. Yung mga babaeng nagkwekwentuhan, yung mga boys na naka headset at yung iilang tutuk na nagbabasa ng libro ay tumugil nung dumating siya. Naiwan akong nakatanga. Hanggang sa bumalik na ako sa katinuan ng may tumabi sa akin and guess who? Isang cute na medyo nerdy na sa wari ko'y kalahi ko. Kilos palang eh knows na.

"Hi!"

Ah hello!

"Transferee right?"

Ah oo,at nag smile ako pero medyo nahihiya parin.

"Oh I see, new face kasi. By the way I'm Michael," pagpapakilala nito.

Ah I'm, Kier... Kier Anthony pero Kier nalang. Ang nahihiya kong sagot.

Nagpalitan lang kami ng ngiti at umayos nan g upo. Pumasok na kasi an gaming teacher. Nang mapatingin naman ako sa kabilang banda ay nahuli ko si Kaizzer na nakatingin saakin kaya sumeryoso ang mukha ko. Eh paano ba naman parang galit ito sakin. Kung ganun kasi ba't pa kasi niya ako tinulungan mag enroll.

"Okay class, good morning, before anything else, I want to welcome you all to Grade 9. By the way, I am Dr. Victoria S. Solis your English teacher and class adviser. But before we start our lesson for today. I want you to welcome the new member of the Grade 9 Science Class. As you all know there were only 40 students in every science section in different year levels, right? But our principal has decided to add one student, only to grade 9. And if you're asking why? Well, you will find it soon." Mahabang litany ni maam na siyang nagpabilis ng pagtalbog ng heart ko. Ang dami nang butterflies sa tiyan ko ngayon. Nangangatog na rin ang tuhod ko.

Okay, Mr. Fernandez, kindly stand and introduce yourself in front the class." At nagtinginan nga sa banda ko ang lahat ng estudyante. Ako naman ay kabadong tumalima sa harap.

Ahm, Hi everyone, I'm Kier Anthony Fernandez, you can call me Kier, pagsisimula ko at naisipan kong wag nang magsabi ng marami para makaupo na ako.

I came from a public school. I love studying and I hope I can find new friends here. Thank You. Tatalima n asana akong umupo kaso... nagtanong pa si maam na siya naming kinakaba ko lalo.

"What is your favorite subject Kier?"

Ah, Science po siguro maam, kasi sa tingin ko po lahat naman po ng subject ay gusto ko at sa tingin ko rin po, We should love and appreciate all our subject because they are all important. Nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko maliban kay Kai.

" Okay good point Mr.. You may now sit."

Nginingitian ako ng mga kaklase ko lalo na yung mga girls habang papunta ako sa upuan ko. Medyo nawala naman ang kaba ko.

Hayyyyyy! sa wakas nakaupo rin. Ganito pala dito. Masasanay rin ako.

Nagsimula nan g discussion si maam at kaming lahat ay tahimik na nakinig. Wala palang pinag kaiba ang Science Class ng private sa public pagdating sa oras ng leksiyon.

AN: Enjoy reading! ♥️♥️♥️

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon