KAIZZER'S POV
It was not my intention na magkagulo. Gusto ko lang naman sana na ipamukha kay Kier na okay na ako, na di ko na siya kailangan. But, it turned out really bad. Pero andun na ako and I did not expect that my emotion will burst. I wasn't able to handle my anger. Hindi ko alam pero pakiramdam ko galit na galit ako kay Kier. Hindi ko naman alam kung bakit sobrang galit ako sa kanya. I feel guilty about what I did, pero I have to stand on it. I have to show him that returning here is not a good choice. Bakit ba kasi bumalik pa siya.
Gabi na at kasalukuyan akong nasa cottage, mag-isa, iniisip kung ano na ang mga mangyayari. I'm holding this bottle of beer while thinking deeply about the situation, the sudden change in the situation dahil andito nanaman sa buhay ko si Kier. Ang hirap, sa totoo lang di ko alam ang gagawin ko on how can I manage this situation now. It was a sudden destruction of my life. Naguguluhan na naman ako.
After ng gulo na ako mismo ang nagsimula kanina ay kinausap ako ni Ellison. He confronted me about my attitude. He never expected that I will be so harsh kanina. He went home pagkatapos namin mag-usap. Akala ko kakampihan ako ni gago. Pati siya hindi rin sangayon sa gibawa ko. Siguro sobrang sam ko nga ata kanina. Before he left inamin ko na sa kanya na may feelings din ako para sa kanya. He was shocked so I give him a kiss as a proof. He just smiled while walking away with his face blushing. He felt extremely happy, I saw it on his face. Pero saakin it was just natural. I don't know pero there's something inside me na parang pumipigil sa nararamdaman ko kay Ellison. Isinantabi ko muna ang mga iyon kasi masyado na akong maraming iniisip ngayon, di ko na alam kung ano ang uunahin ko. For now gusto ko nalang muna maglasing para makatulog ako agad.
...end of POV
Sa kabilang banda ay kinakausap ni Mrs. Zandoval si Kier. Pinag uusapan nila ang nangyari. Medyo emotional si Kier dahil di niya inaasahan na ganun ang magiging encounter nila ng taong matagal niya ng gustong makita.
"Kier, sorry sa nangyari kanina. Sorry sa inasal ni Kaizzer sayo." Si Mrs. Zandoval na labis ang pagaalala para kay Kier.
"Okay lang po tita. Naiintindihan ko naman po si Kaizzer kung bakit siya nagkakaganun. Siguro po dahil na rin ito sa mga kagagawan ko dati." Paliwanag ni Kier.
"Pero Kier iho, kailan mo ba sasabihin sa kanya ang totoong nagyari sayo. Ayaw ko naman makialam sa desisyon mo kaya hahayaan kita na ikaw mismo ang magsabi sa kanya kung ano ba talaga ang mga nangyari sayo, at kung bakit bigla kang nawala."
"Hindi ko po alam tita, sa tingin ko saka nalang kapag hindi na mainit ang ulo niya. Sana nga po pumayag siyang kausapin ako kahit sandali lang." Pagaalala ni Kier.
"Hayaan mo't kakausapin ko si Kaizzer. Pero iho sana kahit ganito ang nangyayari sa inyo ni Kaizzer huwag ka sanang susuko sa kanya. Siguro hanggang ngayon ay masakit parin sa kanya ang pagalis mo noon. Alam ko kung ano ang mayroon sa inyo ni Kaizzer. Noon pa alam ko na kung gaano kasaya si Kaizzer na kasama ka. Sinabi niya rin sa akin ang lahat noon. Mahal na mahal ka ni Kaizzer, iho. Kaya sana huwag kang susuko sa kanya. Ayaw kong masyadong makialam sa inyo dahil alam ko na alam niyo na i-handle ang mga ganitong bagay. Sana huwag kang mapagod na ipakita kay Kaizzer na mahal mo parin siya, okay?" Mahabang pakiusap ng ginang.
"Opo tita. Salamat po dahil naiintindihan niyo po ang sitwasyon namin." Sagot naman ni Kier.
Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay pumasok na si Mrs. Zandoval sa kanyang silid. Nagpaiwan muna si Kier at naisipang tingnan ang ginagawa ni Kaizzer sa labas. Medyo lumalalim na ang gabi at ilang bote ng beer na rin ang naubos ni Kaizzer habang mag-isang naglalasing sa labas. Kahit medyo natatakot at kinakabahan ay pinilit ni Kier na puntahan si Kaizzer para kausapin ito at kumustahin. Hindi man ito ang tamang pagkakataon para sabihin niya ang lahat pero sa tingin niya kailangan niya lang makausap si Kaizzer. Dahan-dahang naglakad si Kier patungo sa cottage, kinakabahan, natatakot, at mahahalata mo sa kanya ang sakit at lungkot dahil sa kanyang mga matang puno ng bakas ng pagluha at pagdaramdam.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...