Hello ito na ang karugtong ng ating kwento...Let the story continue..
Araw ng Sabado, pinili ng dalawa na manatili na muna sa bahay nila Evan para mag-aral at gawin ang kanilang mga requirements sa kanikanilang mga subjects. Si Kier ay abala sa pagbabasa ng kanyang libro sa Bio-Chemistry habang si Evan ay gumagawa ng powerpoint presentation ng isang report sa kanyang laptop.
Biglang nag ring ang phone ni Kier ngunit hinayaan niya lang ito. Pangalawang beses ngunit parang walang naririnig si Kier, patuloy parin siya sa pagbabasa. Si evan ay napasulyap pero bumalik din saa ginagawang presentation. Pangatlo... "Babe yung phone mo kanina pa tumutunog, ilapag mo muna yang libro mo," baling ni Evan kay Kier. Doon lang nakiramdam si Kier.
Pagtingin ni Kier sa cellphone ay unregistered number ang tumatawag. "Wala namang pangalan, babe," sagot ni Kier.
"Sagutin mo nalang kaya, baka emergency." Agad namang dinampot ni kier ang cellphone na nasa center table.
"Hello, sino po sila?"
"Si Kier ba ito," tanong ng boses sa kabilang linya.
"Ako nga po, bakit po?"
"Oh ijo! Buti naman sa wakas nacontact din kita. Kumusta ka na?"
"Ah, eh sino po pala kayo?" nagtatakang tanong ni Kier
"Ijo si Mrs. Zandoval ito, pwede ba tayong magkita? May importanteng bagay lang tayong dapat pag-usapan. Panahon na para malaman mo ang lahat Kier."
Biglang natigilan si Kier at nakaramdam ng kaba. Saglit siyang di nakapagsalita at nag-isip muna bago muling sagutin ang kausap sa cellphone.
" Saan po ba tayo magkikita Mrs. Zandoval? "
"Sa may Super Bowl Resto sa MOA Kier. Hintayin ka namin doon."
"Okay po punta po ako." Kabado ngunit determinadong sagot ni Kier.
"Sino daw yun babe?" Takang tanong ni Evan.
"Si Mrs. Zandoval Babe," sagot niya at tumalikod na patungo sa kwarto nila ni Evan para magpalit.
"Sinong Mrs. Zandoval Kier?"- Si Evan na medyo kinukutuban na rin.Nasa kwarto sila at si Kier ay nagmamadaling nagpapalit ng pang-alis.
"Basta Evan, kailangan ko munang umalis. May kailangan lang akong puntahan." Tugon ni Kier habang inaayos ang sarili at nag-lalagay ng pabango sa katawan.
"Samahan na kita Kier," nagaalalang sagot ni Evan.
"Huwag na Evan, mas mabuti na ako nalang na muna ang pumunta. Importante lang to, at kailangan ko lang itong asikasuhin." Medyo mahinahong sagot ni Kier at hinawakan ang kamay ni Evan.
"O sige basta mag-ingat ka, ha? Text ka lang kung magpapasundo ka o may problema sa pupuntahan mo," at isang halik sa labi ang naging pabaon ni evan kay Kier bago ito tuluyang tumalikod para puntahan ang kausap niya sa cellphone kanina.
Mabilis namang nakahanap ng taxi sa labas ng gate si Kier kaya nakaalis agad ito. Sa loob ng taxi ay ramdam ni Kier ang kaba at pag-aalala sa kung ano ang nais sabihin ni mrs. Zandoval sa kanya.
"Saan ka iho?" Tanong ng driver. At itinuro naman ni Kier ang lugar na kanyang patutunguhan.
Buti nalang at di gaano yung traffic kaya nakarating naman ng maaga si Kier. Pagkatapos magbayad sa taxi ay hinanap niya na agad ang resto na sinasabi ng kanyang kausap sa cellphone kanina nang nasa bahay pa siya.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...