Nauna akong nagising, ginising kasi ako ni nanay upang ipaalam na aalis na sila ng ina ni Kaizzer. Alas sinko na iyon ng umaga, medyo madilim pa ngunit maaaninag na ang paligid sa labas ng bahay. Sumilip muna kasi ako sa labas bago ko sila pinuntahan sa baba.
"O Kier, kayo na muna ni Kai ang bahala ditto, baka gagabihin kami ng uwi ng nanay mo," Si Mrs. Zandoval sabay gulo sa buhok ko. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya.
Opo maam, magalang na sagot ko na sinabayan ko pa ng ngiti kahit nahihikab ako.
"Ano ka ba iho, tita nalang ang itawag mo saakin," nakangiting saad ni Mrs. Zandoval. " Siya nga pala kung gusto mo mag exercise ay may iilang gym equipment sa taas, pwede ka dun. Nakwent kasi ng nanay mo sakin na mahilig ka ring mag work out tulad ni Kai," dagdag pa nito at isinukbit na ang kanyang shoulder bag.
"Oh anak, maiwan muna naming kayo ha, kayo na muna bahala dito," paalala ni nanay at hinalikan ako sa pisngi.
Opo nay.Ingat po kayo, tanging sagot ko. Para naman kasi silang nagmamadali.
Sumama ako sa labas malamang para ihatid ang dalawang butihing ginang sa gate. Maraming palala si nanay ngunit pinapakinggan ko lang habang naglalakad kami palabas ng gate. Kumaway ako nang nasa loob na sial ng sasakyan. Isinara ko nalang ang gate ng bahagyang lumayo na ang kotseng sinakyan nila nanay.
Haay, makapunta nga sa taas at ng masubukan ang mga equipment na sinasabi ni maam Zandoval este tita daw pala, bulong ko sa sarili habang painat-inat na pumasok sa loob ng bahay.
Agad naman nitong sinubukan ang mga gamit pang ehersisyo. Halos lahat ay kanyang ginamit at ng makaramdam ng pagod ay umupo muna ito sa sahig kaharap ang malapad na salamin na halos sakupin ang boong dingding ng isang corner sa loob ng kwartong iyon.
Ah, alam ko na, maghahanda ako ng almusal namin ni Kaizzer! Kaya matapos punasan ang tumutulong pawis sa kanyang katawan ay agad itong gumayak pababa para magpalit ng damit.
Bagamat medyo naninibago sa mga kagamitan sa pagluluto sa bagong kusina na kanyang kikilusan ay, mabilis naman nitong napagaralang gamitin ng binata.
Iba talaga kapag mayaman, bukod sa puno na nga ang ref. puro mga di klase pang pagkain ang laman. Tocino, longganisa at scrambled egg, okay na siguro to breakfast lang naman. Lalagyan ko nalang ng kamatis at sibuyas ang scrambled egg with mayonnaise.
Una ko munang iniluto ang mga ulam bago ako gumawa ng aking paboritong sinangag na itinuro ni nanay. Dinamihan ko ang pagluluto sa mga ulam kasi parang nakakahiya naman sa malapad na lamesang paghahainan ko. Espesyal syempre ang sinangag na gagawin ko. Ano pa nga ba, eh nakakahiya naman sa aking prinsipe, pilyo kong usal sa sarili ko. Oo, kinakausap ko ang sarili ko, bakit? Tanga lang di ba. But, hindi po katangahan o nasisiraan ng bait ang kausapin ang sarili. Teacher ko mismo nagsabi nun sa klase namin. That's what we call intrapersonal communication. Dami kong alam diba?
Makalipas ang ilang minuto ay binalot na ng nakakagutom na amoy ang buong bahay. Pero syempre joke lang yun. Para saaan pa nga ba't may exhaust fan ang bahay nila. May amoy oo pero di kagaya sa bahay naming na magigising ka sa nakakagutom na amoy na abot hanggang sa mga kwarto.
Maliwanang na pala sa labas. 6:30 na pala. Actually nagrereklamo na ang sikmura ko, lalo pa at nagbanat ako ng muscles kanina sa taas. Hihintayin ko pa kaya si beast mode prince? Baka naman kasi isipin niyang makasarili ako kapag mauna akong kumain. Pero in all honesty, gusto ko nang lantakan ang mga niluto ko. Minabuti ko nalang muna na magtempla ng kape. Pinakialaman ko kasi ang coffee maker nila, wala kasi akong makitang sachet ng instant coffee sa mga cabinet nila sa kusina. Bahala na kung mahahyper acidity ako. Ang bango pala ng kapeng barako, nakakaadik ang amoy parang siya lang, haha hugot.
Hihigop na sana ako ng kapeng barako ng biglang pagtalikod ko ay may totoong barako. Aray! Ang init pala, medyo napalakas ang boses ko nang dumampe ang labi ko sa tasa. Nilapag ko na ito agad at tiningnan ang mamang nakatayo sa harap ko. Siya nalang kaya ulamin ko. Paabot nga pre ng sinangag, nasa harap ko na kasi ang ulam ko eh, sabi ko sa isip ko.
Galing siguro siya sa third floor. Halatang katatapos niyang mag work out. Pack na pack si beast mood samahan pa ng mga pandesal niya sa tiyan. Nabubuhay na naman ang berde kong dugo. Paano ba naman kasi nakatopless siya talo pa ang pambansang abs ng Pilipinas.
"So tapos mo na akong titigan?" At doon ko lang narealize na kanina pa nga ako nakatanga sa kanya.
Ah, sorry nabigla lang, medyo nahihiya kong sagot sa kanya. Siya nga pala kain ka na, saktong katatapos ko lang magluto. Weh, kailangan ko ba talagang sabihin pa yun. Papansin lang, bakit ba. Kumuha na ako ng plato at iba pang gamit sa hapag. Handa akong pagsilbihan siya ngayon. Sana lang di siya mabwisit sakin.
Kain na tayo, masaya kong pagyayaya.
"Kumain ka mag isa mo! Sino ba kasing nagsabi na magluto ka?" Pabulyaw nitong sabi. Natameme ako, ansakit naman niyang magsalita. Gusto ko na talagang maglaho sa harap niya.
Ganun ba, ah okay sige, akala ko kasi eh sasabay ka kumain kaya nagluto na ako, pasensiya na, mahina kong sagot habang nakatango.
Baka akala mo siguro madadaaan mo ako sa ganyang mga paandar, stop your damn illusion dude kasi kahit kalian ditayo magiging close. Ang feeling mo rin no, pahabol niya bago tumalikod at umakyat patungo sa kwarto niya. Narinig ko pa ang malakas na pagkasara ng pinto nito.
Ano bang nagawa kong masama? Ganun ba talaga ang ugali niya? Akala ko ba sabi ni nanay kasing bait ko siya? Ganun siguro pag anak mayaman, usually spoiled. Gusto ko nalang tuloy bumalik sa dating tinitirahan namin. Parang di ko kakayanin ang ganito, unan garaw pa lang pero parang ayaw ata sakin ng anak ni Mrs. Zandoval.
Nawalan na ako ng ganang kumain, ngunit nang tingnan ko ang mga niluto ko ay, nanghinayang ako. Inisip ko saying naman, maraming mahihirap na bata ang di kumakain. Kaya kinumbense ko ang sarili ko na kumain.
Pagkatapos kong itabi at ligpitin ang mga pinagkainan ko at mga ginamit sa pagluluto ay umakyat na ako. Bahagya muna akong tumigil sa tapat ng kwarto ni Kaizzer bago pumasok. Bakit kaya mainit ang dugo niya sakin?
Lumipas ang oras sa maghapon ay nasa kwarto lang ako. Si Kaizzer ay lumabas siguro dahil narinig ko na naman ang kabog ng pinto nito. Nagpakabusy nalang akong mag ayos ng mga gamit ko at pagkatapos ay nagbasa na lamang. Di ko naman na kailangan lumabas kong iihi lang dahil may sariling CR ang kwartong pinagamit sakin. Kulang nalang nga eh maglagay ng mini-kitchen dito at magmumukha na itong apartment unit.
Iniisip ko parin kong magkakasundo ba kami ng Kaizzer na yun. Naalalala ko rin yung enrolment, hayyy, bahala na mas mabuti na rin yun para bumalik ako sa bahay at sa dati kong school. Sa rami ng mga pumapasok sa isipan ko ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.
AN: Happy reading po! ♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
عاطفيةLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...