Rivals to Lovers: 38

1.9K 43 18
                                    

"Kier, iho tapos na daw yung pinapagawa mo sa bahay mo. Tumawag saakin yung kaibigan ko, yung kinuha nating interior designer." balita ni Mrs. Zandoval kay Kier.

"Ah ganun po ba tita. Mabuti po. Actually, gusto ko pong puntahan ngayon." sagot naman ni Kier.

Naisipang ipaayos ni Kier ang lumang bahay ng kanyang lolo't lola nang makabalik siya galing America. Kaya ito rin ang naging rason kung bakit kailangan niyang manatili sa bahay nila Kaizzer, which is a good thing din lang dahil nakumbensi siyang huwag sumuko sa relasyon nila ni Kaizzer. Hindi naman sa binago niya ito kundi mas pinalabas niya lang ang ganda ng lumang bahay. Pinabago niya ang pintura at lalong pinaganda ang loob. M Combination of modern and classic design ang naisip niyang gawin da dating bahay. Kung titingnan lalong gumanda ang desenyo nito na animo'y bagong tayong bahay.

"Let's go! Gusto ko rin makita ang output ng renovations ng bahay ng mga grandparents mo. Kaya sasama ako sayo iho." excited na sabi ng ginang.

"Sure tita. Wait, kunin ko lang po yung bag ko sa kwarto kasi I have to get my bank check book din lang sa BPI. May document lang akong kailangang ibibigay." at agad tumakbo si Kier para kunin ang kanyang bag sa taas. Sakto namang pabab si Kaizzer kaya nasalubong niya ito.

"Oh, bat ka nagmamadaling umakyat?" nagtatakang tanong ni Kaizzer.

"Ah, may kukunin lang. Aalis kasi kami ni tita...sige maiwan muna kita." nagmamadaling sagot nu Kier.

"Ano kaya ang meron? Hayyy makbab na nga lang." bulong ni Kaizzer sa sarili.

Mula nang magkaayos sila ni Kier noong araw na nagkausap sila ay naging maayos na ang pakikitungo nila sa isat-isa. Naging madalas na din ang kanilang pag-uusap. Minsan pa nga ay sa kwarto pa ni Kaizzer sila madalas mag-usap. Karaniwang laman ng kanilang usapan ay ang mga nakaraan, kaya di maiwasang makaramdam sila ng auckward moment sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.

"Oh mom, anyare dun? Bat nagmamadali?" tanong niya sa mommy niya habang abala sa pagsuot ng kanyang sandals.

"Ah si Kier ba? Eh kasi bibisitahin namin yung bahay niya. Tapos na daw kasi, tumawag yung friend ko. So, we will see the output." maikling paliwanang nito.

"Okay. Kaya pala nakabihis ka."

"Yes iho. Ah siya nga pala. Pakitawagan nga yung driver anak. Pakisabi i-ready yung kotse. I'll just put on my lipstick lang saglit."

"Ah tita ako na ang tatawag kay kuyang driver." saktong sulpot ni Kier dala ang bag niya.

"Wait, wait, wait! I will drive you going there nalang! Huwag niyo na tawagin si kuya kasi may pinapakuha ako sa kanya sa shop." pagpigil ni Kaizzer.

"Sure ka iho?" gulat na tanong ng mommy niya.

"Yes! Why not?"

"Okay. Baka naman kung ano-anong pambabasag nananaman ang gawin mo ha?" nag-aalalang saad ng ginang.

"Mom! Don't you know? Okay na kami ni Kier. Diba Kier?" sabay akbay kay Kier. Napangiti nalang si Kier. Samantalang halata sa mukha ni Mrs. Zandoval ang pagtataka.

"Oh really? Then, that's good to know! I just left for three days tapos okay na pala kayo pagbalik ko. What ah good news! Kier bakit di mo naman sinabi agad saakin. Well, anyways, the driver id in. So, let's go? Sa kotse na natin ituloy, ang usapan." at naunang naglakad palabas ang ginang. Ngayon lang niya nalaman ang magandang balita dahil noong araw na nagkaayos ang dalawa ay saktong araw din kung kailan siya lilipad patungong Cebu, for a business trip. She has to attend kasi the opening of their new business doon. Si Lalaine, ang kanyang panganay ang kasalukuyang nagmamanage kaya naiwan siya sa Cebu. Sakto naman at taga Cebu ang kanyang boyfriend kaya naging madali ang lahat sa kanilang bagong business sa Queen City of the South.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon