"Kaizzer anak, hindi ka ba sasama?" Tanong ni Mrs. Zandoval sa anak. Si Kaizzer ay kasalukuyang abala sa pagcompile ng kanilang monthly records sa sale ng sasakyan.
"Bakit mom, may pupuntahan ba tayo ngayon?" Nagtatakang tanong naman ni Kaizzer.
"I thought you knew? Ngayon ang balik ni Kier from States." Excited na balik ng ina nito.
"Ba't parang excited ka naman mom sa pagbalik niya?" Tila naiinis na sagot ni Kaizzer sa ina nito.
"Look iho, I know how you feel about what he did. Pero anak, it's been a long time already. Isa pa we never heard his reasons yet. I think this is the right time for you to talk and clarify things." Paliwanag ng ina.
"Okay mom, I got your point. But, I 'm sorry I just don't want to see him yet. Isa pa bakit pa siya babalik? Para ano? Para ipagyabang niya kung gaano siya kasaya with the guy he has chosen? Mom, I'm happy now. And I think, it's enough for me."
"If that's what you think, hindi na kita pakikialaman sa decisions mo iho. Trust me, Kier is a good person. Alam kong hindi niya gagawin ang isang bagay ng walang malalim na rason. I want to hear him explain. Isa pa anak tayo nalang ang natitirang pwede niyang ituring na pamilya. I promised to his mom. Kaya sana maintindihan mo rin ako kung bakit excited akong makita ulit si Kier." Pagpapaintindi ni Mrs. Zandoval sa anak.
Tiningnan lang ni Kaizzer ang ina nito at hindi nakasagot. Napaisip siguro siya sa sinabi ng kanyang ina. Pero bakas rin sa kanya ang tigas ng kanyang damdamin. Marahil ay may karapatan namang magpakita ng pagmamatigas sa kanyang nararamdaman.
"Siya nga pala pakisabihan sila Ate Teresa mo pakilinisan yung isang kwarto."
"What? Don't tell me mom, na dito na naman..."
"Yes, iho. Dito na muna siya titira sa atin. "
"Seriously? But why? May bahay naman siya mom. Diba sinabi ko naman sayo na ayaw ko muna siyang makita."
"Pero kakarating niya lang anak. Wala siyang kasama doon sa bahay. Walang nanirahan doon ng ilang taon kaya sigurado kailangan muna ipalinis 'yun. Kaizzer, anak, kung may problema ka man kay Kier, it's time to tell him and talk to him. I'm sure marami din siyang ikwekwento sayo."
"Tsk, tsk, tsk. Bahala nga kayo."
"Look iho, I know it's hard for you. Pero if you really want to get over from someone or something, you have to face them. Clear everything. In the end it's not about avoiding him or your past. It's about how you will forgive and forget to restart another chapter of your life." Huling paliwanang ng ina saka ito umalis.
Naiwang tulala si Kaizzer sa huling sinabi ng kanyang ina. Alam niya na may punto ang sinabi ng kanyang ina. Sadyang sa ngayon, marahil ay nababalot lang ng galit o di kaya ay matagal na sama ng loob ang kanyang puso. Maybe, its normal for him to feel that way. At kahit siguro ikaila man niya. In the deepest part of his heart, there is a room for his love for Kier.
Itinuloy nalang ni Kaizzer ang kanyang ginagawa. Hindi parin maalis sa isip niya kung paano niya pakikitunguhan ang taong matagal niyang pilit kinalimutan at ang tao nanaging dahilan para baguhin niya ang kanyang pananaw sa buhay. Iniisip na rin ni Kaizzer kung ano ang gagawin niya para maiwasan si Kier, paano niya ito kakausapin o kung kakausapin niya ba ito.
Samantala, matapos ang halos twenty hours na byahe mula San Francisco pabalik ng Manila ay nakalapag na rin sa wakas ang eroplanong sinakyan ni Kier. Kasabay ng muli niyang pagtapak sa lupa na kanyang bansang kinagisnan ay ang pag-asang may babalikan pa siya. At ang kanyang hiling na hindi pa sana huli ang lahat para sa kanya. Na sana ay maging maayos lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...