Walang nagsasalita sa dalawang binata. Tahimik lang silang kumakain na animo'y hindi magkakilala, magkaharap pa man din sila. Paminsan minsan ay nahuhuli ni Kier si Kaizzer na sumusulyap sa kanya ngunit hinahayaan niya lang ito. Ang cute lang nilang pagmasdan na parang couplr na may di pagkakaintindihan. Well, bagay tlaga sila, walang duda yun.
Sila aleng Marta naman at si Mrs. Zandoval ay abalang nag uusap. At dahil nga siguro'y nakakakahalata na sila sa pananahimik ng dalawa ay naibaling ang kanilang pansin sa magkaharap na binata.
"Oh, ba't ang tahimik niyong dalawa," pukaw ni Mrs. Zandoval sa dalawa upang basagin ang katahimikan.
"Baka naman nagkakahiyaan maam," si aleng Marta.
"Nagpakilala na ba kayo sa isa't isa," nakangiting tanong ng mom ni Kaizzer at tyaka dinampot ang baso ng juice.
"Opo!" Chorus na sagot ng dalawa kaya napatingin sila sa isat-isa na medyo natatawa kaso pinipigilan lamang ito ng kanilang mga mukha na ilabas.
"Siya nga pala Kai anak, tulungan mo si Kier na mag enroll online bukas may pupuntahan kami ni Nanay Marta niyo baka gabihin din lang kami kaya ikaw na bahala mag guide sakanya," pagiiba ng usapan ni Mrs. Zandoval.
Natigilan si Kaizzer sa pagkain na tila nabigla sa sinabi ng mom niya, tumango nalang ito at di nagpahalata.
Kier's POV
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganun nalang ka bitter tong anak ni Mrs. Zandoval. Actually na offend ako sa pakikitungo niya sakin simula kanina noong tumapak ako dito sa bahay nila. Lalo pa akong nasaktan noong ipamukha niya na first time ko ang tumira sa ganito kalaking bahay. Oo totoo yun pero huwag naman niya pa sanang ipamukha pa sa akin yun. Kaya ang ginawa ko ay nanahimik at yumuko para sa kahihiyang aking sinapit.Gusto ko sana siyang sagutin at pagsabihan pero naisip ko na baka lalaki ang gulo kaya hinayaan ko nalang ito dahil may karapatan naman siyang umasta ng ganoon.
Napansin ko rin naman na umiba ang templa sa mukha niya nang makita niya akong natahimik at napahiya sa harap niya nang minsan ko itong sulyapan bago iniyuko ang ulo ko.Naawa siguro siya sa akin. Ewan k ba kung bakit siya ganun o kung may atraso ako sa kanya. Ngayon lang kasi ako naka encounter ng ganitong klase ng kaedad ko na mapang mata. Sabagay mayaman sila. Kadalasan kasi puro mga mababait at kagaya kong simple lang ang buhay ang mga nakakasama ko.
Patuloy na naglalaro sa isip ko bago dalawin ng antok kung ano kayang pwede kong gawin para maging maayos ang samahan namin ni Kaizzer. Sa tingin ko naman eh napipilitan lang siyang magsungit sungitan sa akin. Di kaya type niya ako?Hahaaahahahaa, out from no where na pumasok sa isip ko. Lol Kier wag ka ngang assuming, feeling. Ba't di niya pa kasi diretsuhin sakin. Hay naku Kier puro ka kalukohan. At yun nga nakatulog na ako habang may ngiti sa mga labi. Thanks God for this day, Amen. Huli kong saad bago tuluyang nakatulog
**end of his POV**
.
.
.
.
Habang mahimbing ang tulog ni Kier ay binabagabag naman ng kung ano anong mga pangyayari si Kaizzer.Palakad lakad siya sa kanyang kwarto habang iniisip kong paano niya paakisamahan si Kier bukas, lalo pa at silang dalawa ang magkakasama bukas.
"Ang tanga mo kasi eh, dapat di mo muna sinobrahan ang pang aaway sa kanya, ano ka ngayon?" Paninisi nito sa sarili.
"Magsosorry ba ako, eh paano kung ayaw niya. Paano kung isumbong niya ako kay Mom o kay Nanay Marta,, eeeeish! Tanga mo Kaizzer, Bobo.Bobo. Sa sakit ng ulo kakaisip ay ibinagsak nalang nito ang katawan sa malambot nitong kama..
" Kier sorry na, Kier, sorry, Kier, Kier, Kiieeeer," pahina ng pahinang sambit nito hanggang sa tuluyang makatulog at maghilik."
Ang parehong ilaw ng tahanan naman ay abalang pinag uusapan ang nakaraan ni Kier.
"Paano po natin ipapaliwanag sa kanya ang lahat, baka magalit po siya saakin kapag nalaman niya ang lihim sa pagkatao niya," maluhaluhang pagaalala ni Aleng Marta.
"Huwag kang mag alala, mabait at matalinong bata si Kier, alam kong maiintindihan niya kong bakit natin ginawa na itago sa kanya ang lahat. Hayaan muna natin na dumating ang tamang panahon at pagkakataon upang sabihin natin sa kanya ang mga bagay na dapat niyang malaman," mahabang tugon ni Mrs. Zandoval sa nagaalalang ginang habang hinahaplos ang likod nito.
"Sana magkapalagayan sila ng loob ni Kai, maam. Sa nakikita ko po ay tila nagkakahiyaan po sila at may kunting tensyon sa dalawa," pagiiba ni aleng Marta.
"Alam kong magkakapalagayan silang dalawa at magiging matalik na magkaibigan, pareho silang matalino at responsable di lang sa pag aaral. Sana'y di lang sila pagbanggain ng tadhana at subukin ang kanilang pagkakaibigan." Sagot ng ina ni Kai.
"Sana nga po ay makayanan ng dalawa ang lahat ng pagsubok sa buhay at maging masaya sila sa hinaharap."
"Sana nga... at may tiwala ako sa kanila," nahihikab na tugon ng maybahay. "O siya, Marta, tayo'y magpahinga na at ipagdasal nalang sa panginoon ang magandang bukas para sa ating mga minamahal na anak."
"Sige po maam."
At kanila ngang tinungo ang kanilang mga silid upang magahinga na at humi gi ng tulong sa diyos bago tuluyang ilapat ang katawan sa higaan.
AN: Happy reading po.. thanks ♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...