Rivals to Lovers: 25

3.6K 72 32
                                    


Kier

I've gone too far. I've found some of the missing pieces of my life. I've met lots of people. I've been loving and be loved. I've cried and laughed many times. My story continued and still unfolding new chapters.It might not be the most interesting piece that everyone must know but it has values that could teach people how to escape from the situations I've been through. Now, I am lying over this smooth and well-scented white bed inside a wide concrete room furnished with expensive stuff and room accessories. I've been dreaming of this when I was younger. And yes, I got them now, the luxury of things, money and any other things that were given to me. However, I'm not satisfied. Despite having all that I got from my mom, I'm still lonely. I might have a house but not a home. I might have properties but no family. I might have money but I cannot buy contentment and joy. I have found some of the missing puzzles, not all of them. I still need to look for the missing piece, the only piece that will complete my life.

Sa awa rin ng diyos ay sa kahit ilang buwan lang ay nakasama ko pa ang lolo't lola ko. Nagkaroon pa kami ng ilang mga araw para magsaya, higit sa lahat para magkapatawaran. Walang araw na hindi nila pinaramdam saakin kung gaano nila ako kamahal. Halos araw-araw din nilang pinaintindi saakin kung gaano sila nagsisisi sa mga maling desisyon na ginawa nila noon. Araw-araw ko rin namang pinaparamdam sa kanila na napatawad ko na sila at mahal na mahal ko sila. Yun nga lang ay mabilis rin lang na lumipas ang mga araw para sa amin. Kinuha rin sila agad ng maykapal. Malungkot! Masakit! Pero wala akong magagawa dahil iyon lang ang inilaan na panahon ng diyos para makasama ko sila. Bago sila mawala ay sinigurado nila ang kinabukasan ko kaya saakin lahat ipinamana ang lahat ng mga ari-arian nila at pati ang bahay.

Para sa iba, madali lang sigurong sabihin na masaya ang maging mayaman o magkaroon ng maraming pera. Tama nga naman dahil kailangan din ito ng bawat isa, ngunit sapat na siguro ang sakto kaysa sa marami o sobra. Maaaring importante ang pera pero hindi sa lahat ng pagkakataon at pangangailangan. Marami ang mga bagay na di kayang tumbasan ng anumang halaga. Maraming pangangailangan ang di mo pwedeng makuha gamit ang karangyaan. Mabuti pa ang simpleng buhay dahil hindi mo kailangang bilhin ang kaligayahan dahil kusa itong nasa kanilang tahanan at kalooban.

Malalim na ang gabi ngunit gising pa ako. Nakahiga at nakatingin sa mataas na kesame habang nagmumunimuni. ang daming tumatakbo sa isipan ko. Itinatanong ko sa aking sarili kung bakit ganito. Bakit sa kabila ng mga panahong lumipas at sa mga kaganapang aking napagdaanan, heto ako ngayon, nagiisa, pinipiling mag-isa dahil di alam ang gagawin at di alam ang hakbang na sisimulan. Kahit ilang beses kong pilitin ang aking sarili na magsimula at magpatuloy ay di ko magawa. Di ko maramdaman ang tunay na kahulugan ng buhay. Di ko mahanap ang tunay na dahilan ng aking pagngiti. Di ko matagpuan ang saya sa likod ng aking pagkatao. Kung pagsubok man itong aking dinaranas, gusto ko na sanang sumuko, kaso di pwede. Dahil walang ibang pwedeng piliin kundi ang tapusin ang nasimulan kung mga hakbang. Sarado na rin ang daan pabalik kaya ang tanging kailangan kong gawin ay maglakad patungo sa katapusan.

Sa gitna ng aking pagmumunimuni, ay biglang tumunog ang aking cellphone. Wala sana akong balak damputin ito kung isa sa mga taong gusto kong iwasan ang tumatawag. Ngunit, nagtaka ako nang malamang si tita pala ang tumatawag sa ganitong oras. Sinagot ko ang kanyang tawag ngunit hinayaan ko munang siya ang maunang magsalita.

"Hello Kier, kumusta kana iho?" Boses nga ni Tita na halatang nag-aalala.

"Alam kong hindi dapat ako nakikialam sa kung ano man ang desisyon mo sa ngayon pero gusto ko lang sanang malaman mo Kier na nagaalala na ako maging si Kaizzer sayo. Hindi makakabuti anak kung di mo ibabahagi ang kung anumang mga bagay na dinadala mo ngayon. Handa akong makinig iho. Alam ko rin na kaya mong lampasan ang pagsubok na yan Kier pero huwag kang masyadong paapekto at huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. Kung may kailangan ka at gusto mo ng kausap magsabi ka lang Kier ha. Miss kana namin dito sa bahay," mahabang saad ni tita na halatang may lungkot sa kanyang boses.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon