Balik tayo kay Kaizzer...
Matapos ang masaya at madramang bakasyon ay back to the real world na si Kaizzer at Ellison. Ang kaganapan noong gabing iyon sa #Elyu (La Union) ay mas nagpalalim sa relasyon ni Kaizzer at Ellison. Kanilang naintindihan lalo ang isat-isa at mas naging kumportable na sabihin ang kung ano man ang kanilang nararamdaman. Kahit medyo nahihiya man si Elli sa nangyaring aminan at labasan ng feeling with matching passionate kiss ay binalewala nalang niya ito dahil pinaramdam sa kanya ni Kaizzer na walang magbabago sa samahan nila kahit nangyari ang bagay na iyon. Lalo pa ngang inilapit ni Kaizzer ang sarili nito sa kaibigan para iparamdam na masaya rin siya na nalaman ang mga bagay na iyon mula kay Elli, may kung kasiyahan na namutawi sa kanyang puso noong nalaman niya ito.
Ang tanging tanong lang kay Kaizzer ngayon, na sakanya rin mismo ay isang palaisipan ay kung handa na siyang kalimutan si Kier. Handa na kaya siyang umibig muli? Handa kaya siyang kalimutan ang kanyang binitawang pangako sa taong kanyang labis na minahal? Ilan lamang ito sa mga tanong na kailangan niyang sagutin bago siya magdesisyong magmahal muli, bagilo niya ibigay ang kanyang sarili kay Ellison.
Ellison's POV
Sobrang saya ko sa nangyaring bakasyon at birthday celebration ko kasama si Kaizzer. Hindi ko rin inakala na doon ko pa talaga mailalabas lahat ng mga tinatago kong feelings para sa kanya. Yung akala ko na hanggang kulitan at biruan lang namin ay ako na mismo ang tumuldok. Salamat sa alak🤭🤭. Hindi, pero pwera biro talagang hindi ko rin alam kung paano ko nahigot ang mga katagang binitawan ko kay Kaizzer noong gabing naglasing kami, noong gabi kung saan nagselos ako. Noong gabi na gusto ko lang siyang masolo, makasama at makausap sa dapampasigan na iyon.
Nonetheless, it was all good. I have cleared myself to him, and I am so glad that he never reacted negatively sa mga inasta ko sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik at nakjackpot at the same time, kasi tanggap ni Kaizzer lahat ng sinabi ko at pinaramdam niya saakin na di ito ang bubuwag sa pagkakaibigan namin. Simula rin noon ay lalo kung napansin ang atensiyon at aruga na ipinakita ni Kaizzer sa akin. Medyo nanibago lang ako ng kunti noong una dahil masyadong nang naging kumportable kami pareho sa isat-isa. Yung mga biruan lang namin noon ay tila nagkakatotoo na. Yung asaran namin na kung gusto ko ba siya o kung may crush ako sa kanya ay ako na nga mismo ang sumagot. Minsan tuloy sa tuwing nahuhuli kong nakatingin saakin si Kaizzer nagtataka ako kung ano ang iniisip niya. I don't want to assume nor presume.
Kagaya nga ng sabi ko ay sobrang saya ko lang ngayon kasi nalaman na ni Kaizzer kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko man alam kung tinatanggap niya ang pagmamahal ko, pero sapat na muna na nanatili kaming maayos at masaya sa ngayon. Hindi ko man alam kung masusuklian ni Kaizzer ang pagmamahal ko sa kanya, ayos lang para saakin. Ang mahalaga sa ngayon ay kasama ko siya at masaya akong nakikita siya ng halos araw-araw. Siguro kung mamahalin din ako ni Kaizzer kagaya ng pagmamahal ko sa kanya, iyon na siguro ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. At labis ko itong ikatutuwa. Hindi ko rin hahayaan na mawala pa siya saakin.
"Hey, day dreaming again?" Si Kaizzer na bigalang sumulpot.
Hindi no. May iniisip lang. Bakit pala andito ka?
"Kasi naramdaman kong iniisip mo ako?" Pagbibiro ni Kaizzer.
Wow, ang kapal.
"Aminin mo na kasi."
So bakit nga napadpad ka rito?
"Ah wala naman yayayain lang sana kita sa bahay. May kunting dinner lang with family and friends. Birthday ng ate ko kasi." Paliwanag naman nito.
What time ba?
"Mga 7:00 PM. So daann kita after mo mag out? " Tanong ni Kizzer sabay kindat.
Hindi na maabala pa kita. Magtaxi na ako papunta sa inyo.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...