Kaizzer's POV
Nakahiga lang ako ngayon habang iniisip kong paano ko pakikitunguhan ang mukong na yun. Di ko alam ba't inis ako sa kanya. Oo, gwapo rin siya, pero hamak na mas lamang ako.
Ano kaya kung....
At agad bumangon si Kaizzer para isakatuparan ang pumasok na ideya sa isip niya.
Tingnan lang natin kong di ka mawalan ng ganang tumira pa dito.
Binuksan niya ang pinto at pinuntahan si Kier sa kwarto nito.
Shit ba't parang kinakabahan ako. Ano ka ba Kaizzer, umayos ka nga.
Di kaya mapahiya ako nito?
Baka naman magmukha akong tanga nito?Saktong kakatok na siya ng biglang bumukas ang pinto ng silid ni Kier.
"Oh Ka...Ka...Kazer ikaw pala." Si Kier na halatang nagulat ng makita ako, at namula pa ang pisngi. Lalo lang bumilis ang kabig ng dibdib ko. Pero di to maaari. Kailangan kong ipakita na ayaw kong andito siya sa bahay kahit pa mukhang magaan ang loob ni mom sa kanya. Ayaw ko na ng kapatid, lalo na kung siya din lang. Teka, tama nga ba ang sinasabi ko? Ewan basta kailangan ko muna siyang sindakin para siya magpaka kung sino dito sa pamamahay namin.
Kaizzer hindi Kazer, masungit kong sagot sa kanya at inirapan ko siya tyaka dumiretso sa loob.
Alam kong nabigla siya kung bakit ganun nalang ang baling ko sa kanya dahil natigilan siya saglit. Mukhang umiba rin ang expression sa mukha nito. Wala na yung nakangiti at tila excited na dating nito. Ayos! Gumagana ang plano ko."Ah pasensiya Kaizzer naiba ko ang pagbigkas sa pangalan mo," saad nito habang naglalakad patungo sa kinauupuan ko.
Di ko siya sinagot sa halip ay tiningnan ko lang ito ng masama na siya namang kinalungkot ng mukha niya.
"Pasensiya sa kalat ha, nag aayos pa kasi ako," kunwari'y masaya nitong sabi. Halata naman sa mukha niyang kinakabahan.
First time mo ata gumamit ng ganito kalawak at kagandang kwarto, dagdag kong pang aasar. Tingnan lang natin kong di siya mapaisip na umuwi nalang sa pinanggalingan niya.
Bigla naman akong nakaramdam ng awa nang natahimik ito at tumigil sa pagtatanggal ng kanyang mga gamit sa bag.
"Pasensiya ka na ha kung nandito ako, biglaan lang kasing sinabi ni nanay na dito na raw kami. Oo tama ka, unang beses ko nga sa ganitong kwarto at sa ganito kalaking bahay. Maliit at simple lang ang bahay namin. Sorry kung mukhang nakakaabala kami ni nanay."
Parang bumigat ang pakiramdam ko na para bang nagsisisi ako sa plano ko. Naisip ko nalang na lumabas at magisip muna kong tama ba ang ginagawa ko.
Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko na rin siya tiningnan. Baka magsumbong siya sa nanay niya. Lumabas nalang ako at padabog kong binitawan ang pinto dahilan para kumalabog ang pagsara nito.
Pagpasok ko sa kwarto ay malungkot akong bumagsak sa kama ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Shit! Kaizzer nababakla ka ba? Damn!
Hindi pweding maging mabait ako sa kanya.Hindi. Hindi pwede Kaizzer... Eissssh, ano bang nangyayari sakin!
Habang iniisip ko kasi ang masasamang plano ko kay Kier eh may parte sa puso ko na tila bumubulong na huwag kong ituloy ang balak ko. Ewan. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako.
Knock! Knock! Knock!
"Anak halika na kakain na tayo," tawag ni mom.
Pagtingin ko sa orasan 8:30pm na. mahigit isang oras din pala akong nakatulog.
Yes, mom. Susunod ako, sagot ko mula sa loob ng kwarto ko.
Pagbaba ko ay nasa lamesa na sila lahat. Saktong nagtama naman ang mata namin ni Kier na ibinilis ng tibok ng puso ko. Shit, this feeling again! Ang ginawa ko ay uminom muna ng malamig na tubig na kinuha ko sa ref.
"Oh, anak halika na para sabay sabay na tayong kumain."
Tumango lang ako kay mom at humugot ng upuan. Kung sineswerte ka nga naman sa harap pa ako ng taong inaayawan ko naupo. Lahat kasi ng upuan occupied na ng mga katulong namin. Di kasi kami tulad ng ibang mga amo na nahuhuli kumain ang mga kasambahay.
Di ko alam kong makakakain ako dito. Paminsan minsan ay sumusulyap si Kier sakin na iniiwasan ko naman.
Sana lang di mahalata nila mom ang pakikitungo ko sa ugok ba to.
AN: Sana po nagustuhan niyo. Medyo boring pa po.♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...