Rivals to Lovers: 43

1K 35 1
                                    

Sa pagpapatuloy...

Isa. Dalawa. Dalawang magkasunod na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan sa loob ng abandunadong gusali.

Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong  magkakasunod na putok ng baril ang muling pumukaw sa katahimikan sa loob ng lumang gusali. Halos tila tumigil ang mundo kasabay ng pagbagsak ng mga katawang tinamaan ng mga putok ng baril na iyon. Saglit na katahimikan ang sunod na namutawi sa loob ng silid.

KAIZZER'S POV

Hindi ako makapaniwalang gagawin iyon ni Kier, na mas pipiliin niyang ibuwis yung buhay niya para sakin.

"Kaizzer!" Sigaw ni Kier at niyakap niya ako. Sigaw niya na paulit-ulit kong naririnig kasabay ng magkasunod na putok ng baril. Pagkatapos ng magkasunod na pagputok ay bigla siyang nanghina at unti-unting kumalas ang kanyang mga kamay hanggang sa siya ay bumagsak sa sahig. May dugo sa kanyang likod.

"Kier! Hindi!"

Napasigaw ako ng rumihistro na sa utak ko ang eksaktong nangyari at ng mawala ang pagkagulat ko sa bilis ng mga tagpo sa puntong iyon. Ngunit hindi ko pa man nadadampot si Kier ay tatlong sunod-sunod na mga putok ang muling gumulat sakin. Sa pagkakataong ito ay bumagsak si Ellison, na siyang bumaril sa amin ni Kier. Nagsidatingan ang mga pulis at napuno ng ingay ang buong silid. Humahagulgol sa iyak ang mommy at daddy ni Ellison. Wala akong nagawa kundi ang matulala sa mga nangyari habang akay si Kier. Unti-unting tumulo ang mga luha saaking mga mata habang pinagmamasdan si Kier.

"Kier, gumising ka! Kier, please huwag kang pipikit. Huy, please huwag kang pipikit Kier!" Wala akong ibang mabigkas kundi ang nga salitang iyon. Nanginginig ako sa kab at pag-aalala. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi ako papayag.

"Kai...I love you. Masaya ako dahil nagkasama tayo muli. I...love...you...Kaizzer!" Pilit na sinabi ni Kier ang mga katagang iyon kahit nahihirapan siyang magsalita.

"No! Hindi ako papayag Kier. Please huwag muna, Parang awa mo na! Lumaban ka, Kier." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulgol na ako sa iyak at tumawag ako ng tulong.

"Tulungan niyo kami! Tito!" Malakas kong sigaw. Mabilis na lumapit ang daddy ni Kier at agad namang dumating ang medics para tulungan kaming madala agad si Kier sa hospital.

Si Ellison ay isinugod na din sa hospital dahil sa mga tamang natamo niya mula sa mga pulis. Wala umanong nagawa ang mga pulis kundi paputukan siya dahil binaril niya kami. Binigyan na siya ng warning ngunit itinuloy niya paring bumaril at kung hindi nila ito ginawa baka ilang ulit niya pa kaming nabaril ni Kier. Siniguro lang ng mga pulis na hindi na siya makakapanakit pa.

Ngayon ay pareho kaming nakaconfine sa hospital ni Kier. Hindi ko na alam kung ano na ang lagay ng mahal ko. Gusto ko man siyang puntahan ngunit hindi pa ako pinapayagan dahil sa mga sugat at mga bugbog na natamo ko dahil sa mga pang-aabusong ginawa saamin ni Ellison.

At habang binabalikan ko ang mga nangyari ay di ko maiwasang maluha at sisihin ang sarili ko. Sana ako nalang, sana ako nalang ang natamaan. Hindi niya dapat ginawa yun.

"Kier, bakit?" Kung pwede lang sanang maulit ang nangyari, sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama sa taong pinakamamahal ko. Ang dami kong pinagsisisihan. Hindi ko kayang mawala siya. Hindi pwede!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si tito Carlo.

"Kumusta ka na iho?" Bigla niyang sabi sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko bago ako sumagot.

"Okay na po ako tito. Ah, si Kier po kumusta na po siya? Okay na po ba ang lagay niya tito?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Relax Kaizzer. Iho hindi makakabuti sa katawan mo kung pipilitin mo ang sarili mong bumangon."

"Nag-aalala po ako kay Kier,tito. Please sabihin niyo po sakin kung kumusta na ang lagay niya." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Kaizzer, iho. Ayoko sanang sabihin sayo pero sa tingin ko kailangan mo rin malaman. Kier is in critical condition iho." Tumulo ang luha niya pagkasabi niya nun.

"Tito gusto ko po siyang makita."

"Hindi ka pa pwedeng lumabas dito iho. Hindi ka papayagan ng doctor. Hintayin mo nalang na payagan kang makalabas Mahina pa ang katawan mo Kaizzer." Paliwanag ni Tito saakin.

"Tito, huwag niyo po pababayaan si Kier. Hindi ko po kaya kung may mangyayaring masama sa kanya. Tito please, siguraduhin niyo pong magiging okay si Kier."

"Huwag kang mag-aalala iho. Let's pray na maging okay na si Kier. Huwag tayong mawalan ng pag-asa."

Biglang dumating yung nurse. "Excuse me sir check ko lang po yung mga sugat niyo at yung vitals niyo."

"Oh sige Kaizzer, iho iwan muna kita. Babalikan ko lang si Kier." Paalam ni tito saakin. Tumango nalang ako.

Habang chinicheck ng nurse yung mga sugat ko at yung vital signs ko ay  hindi ko maiwasang mag-alala para kay Kier. Gustong-gusto ko na siyang makita at mayakap. Nais ko sanang lalo niya pang maramdaman kung gaano ko siya kamahal.

...

Kinabukasan ay bumuti na ang lagay ko. Pinayagan na ako ng doktor na tumayo at maglakad-lakad. Una kong gustong gawin ay bisitahin si Kier sa kanyang kwarto upang kumustahin at mahawakan manlang kung maaari. Nagpaalalay ako sa nurse. Habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Kier ay di ako mapakali at bigla akong kinabahan. Hindi ko alam. Kinukutuban ako ng masama. Ewan ko kung bakit. Di ko maintindihan.

"Sir okay lang po ba kayo?" Tinanong ako ng nurse na umaalalay sakin.

"Oo ayos lang ako, thank you!" Sinagot ko siya.

"Kung gusto niyo sir, ikuha ko na kayo ng wheelchair para di kayo mapagod, baka makasama sa lagay niyo po ang maglakad." Pagpresenta ng nurse.

"Hindi na, salamat nalang. Kailangan na natin magmadali. Pakiramdam ko may di magandang nangyayari kay Kier." Pagtanggi ko sa nurse.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang ER kung saan andoon si Kier. Tama nga ang kanina ko pang nararamdaman.
Sa labas ng kwartong iyon ay nakita ko si tito na umiiyak habang kausap niya ang doktor. Nagmadali akong lumapit.

"Tito bakit po? Anong nangyari bakit ka umiiyak, kumusta po si Kier? Pwede ko po ba siyang makita?" Sunod-sunod kong tanong kay tito Carlos.

"Sorry sir pero hindi po pwedeng pumasok sa loob. The patient is in critical condition, in fact we have a problem. Humihina lalo ang vital signs ni Kier, kailangan niyang masalinan ng dugo. But, unfortuntely wala tayong stock ng AB blood type. Kaya the best and immediate solution is to look for donors. We need it immediately. We already contacted other hospitals for blood stock pero wala rin sila, talagang mahirap hanapin ang bloodtype na tulad ng pasyente.  Kung may kakilala kayo sir, it would be a big help for the patient." Mahabang paliwanag ng doktor.

"Ako po dok, type AB po ako. Pwede po ako magdonate." Bigla kung sagot sa doktor.

"Pero Sir, mahina pa kayo. Di pa kayo, fully recovered sir. Baka makasam naman sa inyo kung kayo ang magdonate. Hindi po kami papayag sa guato niyong mangyari." Pagtanghi ng doktor.

"Doc, wala po akong pakialam kung mahina pa ako o kung anupaman. Kakayanin ko po. Kaya gawin na po natin ito para kay Kier. Hindi ko hahayaang may mangyating masama sakanya. Please dok, I'm giving you my consent. I am very willing to donate blood to him." Nagmakaawa ako sa doktor. Napailing ang doktor ngunit dahil sa pagpupumilit ko ay pumayag sila sa isang kondisyon. Pinapirma nila ako ng consent form para kung anuman ang mangyari saakin, wala silang pananagutan sakin. At agad ko itong pinirmahan dahil walang ibang mas mahalga sakin ngayon kundi ang iligtas si Kier sa paraang pwede kong gawin. Kung siya nga ay nagawa akong iligtas, ako rin ay di magdadalawang isip na gawin ito sa kanya kahit mapahamak man ako, dahil mahal ko siya, mahal na mahal.

...itutuloy ♥️♥️♥️

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon