Rivals to Lovers: 29

2.1K 45 8
                                    

Let's continue... ituloy natin ang kwento ng ating mga bida.

Sa mga sumusuporta ng kwentong ito, salamat ng marami. Just by simply reading this piece, I feel very happy. Your warm comments are also good motivations to write more.  😘😘😘

SA PAGPAPATULOY...

Sinulit nila Kaizzer at Elli ang bakasyon sa La Union o mas kilala sa tawag ng mga millenials na #ELYU. Sa katunayan unang araw palang nila sa Resort na kanilang pinuntahan. Kasalukuyan na nasa maliit na cottage ang dalawa, tamang kain habang umiinom at panay kwentuhan. Simple kung titingnan ang resort na ito. Maraming tao. Medyo maingay pero exciting. Malapit na magdilim kaya lalong matatanaw mo ang ganda ng lugar. Ramdam mo na rin ang saya sa bawat taong kasalukuyang nagbabakasyon sa lugar. #ELYU. is indeed a good spot for vacation, kung gusto mong mag unwind kasama ang tropa o jowa maging pamilya. This is one of the best places to visit.

"Buti di ka pa nalalasing?" Biglang tanong ni Elli kay Kaizzer matapos nitong tonggain ang bote ng beer.

"Hindi pa naman. Saka nakakawala ng lasing kung langoy ka ng langoy." Sagot naman ni Kaizzer.

"Ang saya dito no," sunod na sabi ni Elli.

"Oo! Kaya nga dito kita niyaya kasi alam ko mag-eenjoy ka talaga dito."

"Buti nga ako ang naisipan mo isama eh," pabirong sagot ni Elli.

"Actually, no choice lang ako!"

"Kita mo, tama nga ako!"

Natawa bigla si Kaizzer sa reaction ni Elli. Biglang nag-iba templa nito. Sineryoso ata ang sinabi ni Kaizzer.

"Huyyy, ayos ka lang?" Tanong ni Kaizzer.

"Oo naman!"

"Akala ko eh sineryoso mo ang sinabi ko."

"LOL hindi no. Ano ako isip bata tulad mo?" Sarkastikong sagot ni Elli.

"Kunwari ka pa diyan eh!"

Lalong naging mas masaya pa ang gabi habang ito'y tumagal. Nagsimulang tumugtog ang banda ng isang reggae version ng "One Day" na nagpahiyaw sa mga tao sa resort. Isa sa mga lakas ang hiyaw ay si Elli na pabiritong-paborito ang kantang iyon.
Katulad nila Kaizzer at Elli ay nagsipaglatag din sa buhanginan ang mga taong naroon. May inihandang maliliit na lamesa ang management para sa mga gustong maglatag sa buhangin habang nakaharap sa banda . Mayroon ding bonfire sa magkabilang gilid na siya na ring nagsisilbing liwanag at init sa buong resort. Hiyawan at tawanan ang tanging namumutawi sa paligid. Napakasaya lang ng gabi.

"🎵One day! One day! One day!🎵"

"Wow dalang-dala ka Elli boy ah! na LSS lang?" Puna ni Kaizzer kay Elli ng paulit-ulit niyang sinasambit ang kakatapos lang na kanta.

"Anong LSS?" Takang tanong naman nito.

"Seryoso di mo alam yun?"

"Di nga, promise di ko alam."

"Mahilig ka kumanta kanta tas di mo alam ang LSS?"

"Sabihin mo na kasi."

" I-gogoogle mo nalang boy!"

"Arte naman nito, di pa kasi sabihin." Kunwari'y sabi ni Elli pero ang totoo sa utak niya gusto niya talagang malaman ang kahulugan nun. Tiningnan niya lang si Kaizzer n tila naghihintay ng sasabihin nito tungkol sa LSS.

"Huy, Last Song Syndrome! Yun lang di mo alam?" Natatawang paliwanag ni Kaizzer.

"Aba'y sorry naman. Di kasi ako updated sa mga ganyang mga terms. Yun lang namn pala yun, sinabi mo na sana agad."

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon