May narinig akong kumakatok sa pinto habang tinatawag ang pangalan ko. Pamilyar ang boses na iyon, di ko lang maintindihan eh kong bakit biglang umiba ang pagtawag niya, maging ang pagkatok nito ay dahan dahan.
Pagbukas ko ay si Kaizzer. Nakayuko siya, halatang nahihiya.
"Sorry."
Ha, ahm... ayos lang. halika pasok ka. Tumingin ito sakin na parang nagsususmamo tapos naglakad papasok. Umupo siya sa kama ko habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng kama.
"Pasensiya kana sakin ha, sa mga asal ko. Sorry sa mga sinabi ko sayo."
Tumabi ako ng upo tyaka ko siya sinagot. Ano ka aba ayos lang, naiintindihan ko naman. Ganun talaga siguro pag di mo pa nakikilala ang isang tao. Pwedeng sa una ay nagagalit ka o di kaya ay agad mo na itong nakakapalagayan ng loob ngunit s apaglipas ng mg oras at araw ay makikilala mo rin ito ng husto.
Nagulat ako ng bigla itong umakbay at nilingon ako, " friends na ba tayo, wika niya na may kasamang paglalambing."
Ah, oo naman ang nabigla kong tugon sa kanya. Tumawa kami pareho at nag high five ngunit biglang umatake ang kapiltuhan ng loko kaya sinadya niyang sa nook o itama ang appear niya tas tinawanan pa ako.
"Wala ka pala eh, ang slow mo," pang aasar nito sabayiwas saakin ng gagantihan ko sana. Kaya ang nangyari ay para kaming mga paslit na naghahabulan sa loob ng kwarto ko. Mabilis siyang tumakbo kaya matagal rin bago ako makaganti. Nang maka iskor ako ng dagok sa ulo niya ay ako naman ang tumakbo. Dehado ako kasi mas Malaki ang katawan niya kaysa sakin at mas matangkad siya ng kaunti. Binabato ko siya ng unan para di niya ako madakip kaso matigas ang katawan ni gago kaya di iniinda ang mga unan. Lalo tuloy akong kinakabahan na wag niyang mahabol, dahil umaakto ito na parang rapest.
"Hindi ka makakatakas saakin Kier, come to Papa na kasi."
Tumigil na tayo please pagod na ako kakailag. Pero habang sinasabi ko yun ay umiilag parin ako sa kanya. Nasa kabilang side kasi siya ng kama habang ako naman ay nasa kabila rin ngunit mas malayo and distansiya mula sa kama.
"O sige, pagod na rin ako, madaya ka kasi eh," nagpapouty lips niyang sabi sakin at umupo ulit sa bed.
Ako pa talaga ang madaya eh ikaw nga ang unang nang dakuk sa ulo ko, tugod ko at naglakad na ako palapit para tabihan siya sa pag upo. Para kasi siyang bata na nagtatampo sa hitsura niya. Di ko tuloy napigilang matawa sa inaakto niya.
"Huli ka balbon!" Bigla niyang sigaw at kinulong niya ako sa mga braso niya. Uy, Kai, bitawan mo ako Andaya mo talaga. Walang ganyanan, madaya ka talaga.
"Bakit ba, sa tingin mo seryoso ako kanina, ha? Ang dali mo talagang utuin Kier," tumawa ito at mas lalo pang hinihigpitan pa ang pagyakap sakin.Magkaharap na kami ngayon dahil sa pagpupumilit kung kumawala. Parang couple lang ang moment naming dalawa na naghaharutan. Nagpupumiglas ako ngunit di ko kaya ang lakas niya. Nagmamakawa ako sa kanya na pakawalan niya ako ngunit di niya ako binibitawan.
"Kiss mo muna ako." Ngumuso pa ang gago at bahagyang pumikit.
Duh! Ano ka chicks? Pang aasar kong sagot dito. Biglang napatingin sa taas ang gago kaya napatingin din ako.
Matulin pa sa kisapmata niya akong hinalikan, kaya napapikit ako sa biglaang paglapat ng aming mga labi. Mainit at madiin ang kanyang halik, nakakalunod. Nanunuot ang sensasyon na dulot ng magkadikit naming mga labi. Nakakalusaw at nakakapanghina ng mga tuhod na sasabayan pa ng bilis ng pag pintig ng inyong mga puso. Para kang lumulutang sa himpapawid kasabay ng mga ulap. Ang gaan sa pakiramdam, ang sarap sa kalooban.
Pareho kaming naghabol ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi. Nagkatinginan kami, tinginan na may halong pagsusumamo na muling pagbigyan ang kagustuhan ng aming mga damdamin. Oo, aaminin ko nakaramdam din ako ng kuryente sa tagpong iyon, at gusto ko pang magkasalubong ulit ang mga uhaw naming labi.
Sa muling pagkakataon ay kapwa kami nadala sa agos ng aming kagustuhan. Mas tumindi at naging mapusok ang pagtatagpo ng aming mga labi. Kinagat niya ang aking lower lip at ipinasok ang kanyang mainit na dila. Ako naman ay nagpatianod sa kasalukuyang kaganapan. Ginantihan ko ang bawat galaw ng kanyang dila. Nagaalab ang aming mga katawan. Nakakapso ang matinding init ng aming pinagsasaluhang pagmamahalan.
Nahiga kami pareho. Nasa ibabaw ko siya at patuloy parin kami sa pageespadahan n gaming mga dila. Walang kapaguran, hindi nakakasawa ang aming ginagawa.
" Kier, I love you!" Bulong niya nang makahugot ng hininga. Sasagotin ko n asana siya nang biglang.. KNOCK! KNOCK! KNOCK!
.
.
.
.
.
.
"Kier, Kier anak gising na alas 8 na."
What? Nananaginip lang pala ako? What the F... anong klaseng panaginip yun? Parang totoong nangyari ang lahat ng iyon dahil hinihingal akong nagising. What a rude dreams, sabi ko at bumalikwas na mula sa aking higaan. Sumilip ako sa bintana at talagang gabi na nga.
Pagbaba ko ay nasa lamesa na sila nanay kasama si tita. Titan a ngayon ang itatawag k okay Mrs. Zandoval. Wala si Kaizzer, di pa siguro dumarating.
"Kumusta Kier?" –Mrs. Zandoval
Mabuti naman po, tipid kong sagot at ngumiti sakanya.
"Napahaba yata ang tulog mo anak, ano bang ginawa mo?" – Nanay
Ah, wala naman po Nay, nagbasa lang ako ng maraming libro kanina kaya nakatulog po siguro ako.
"Ah ganun ba, siya nga pala okay na raw ang enrolment mo sabi saamin ni Kaizzer kanina. Ibigay mo nalang ang card mo sa unang araw ng pasukan. Mag thank you ka anak sa kanya," mahabang sabi ni nanay.
Napaisip ako kung paanong ginawa niyang eenrol ako. Saka ko nalang tatanungin pag nakita ko siya, magpapasalamat ako sa kanya kahit tarayan niya ulit ako.
Matapos naming kumain ay nag usap usap muna kami sa sala. Maraming naikwento si Mrs. Zandoval tungkol kay Kaizzer. Buti at wala siya rito ngayon. Matalino naman pala ito at outstanding student sa school nila na sooner ay Magiging School ko na rin daw. Sumpungin daw talaga yun at may attitude minsan na ayaw makipag usap kahit kanino, pero mabait naman daw ito.
" Ah anak, may sasabihin kami ng tita mo, sana huwag kang mabibigla." Si nanay.
Ano po yun nay?
"Ganito kasi yan Kier, kailangan ko nang bumalik abroad para asikasuhin ang business naming doon at isasama ko sana ang Nanay mo. Kayo muna ni Kaizzer ang maiiwan dito habang nag-aaral kayo. Nirerequest din kasi ng kapatid ko na si Marta ang isama ko," pagpapaliwanag nito.
Bahagya akong nalungkot ngunit kailangan kong magisip ng tama kaya umuo ako. Kitang kita ko rin naman na gusting gusto ni nana yang offer na iyon ni Mrs. Zandoval. Inaalala ko lang ang magiging buhay ko sa bahay na to habang kasama ko si Kai.
Nay magiingat po kayo parati dun ha, malamig a naman po dun. Nag aalala kong bilin kay nanay nang pumasok ako sa kwarto nito.
"Oo naman anak, at ikaw rin dito mag-iingat, magtutulungan kayo ni Kai. Huwag mong pababayaan ang pa aaral mo. Dapat top ka parin," si nanay na mangiyakngiyak habang nagaayos ng mga damit niya.
Opo naman, pero Naynagaalala lang po ako sa magiging buhay ko dito lalo pa't kasama ko si Kaizzer. Ano kaya kong bumalik nalang ako sa bahay natin.
"Anak, alam ko ang nangyayari sa inyo ni Kaizzer, mabait na bata yan, di ko rin lang maintindihan kong bakit ganun ang pakikitungo niya sayo, pero isang magandang pagkakataon yun sa inyo na magtulungang unawain ang isat' isa. Ituring mo nalang siyang kapatid anak. Maniwala ka mabait na bata yan."
Tumango nalang ako sa sinabi ni nanay. Hinalikan ko siya sa pisngi bago dumako sa kwarto ko.
Bago matulog ay laman ng isipan ko, una ay ang panaginip ko kanina. Poseble kaya na mangyari iyon o kagaya ng paniniwala ng marami ay kabaliktaran ang panaginip. Siguro nga tama sila. Pangalawa, ang nalalapit na pag alis nila nanay. Anong mangyayari sakin dito. Kayaanin ko kaya ang ugali ng Kaizzer na yun? Pangatlo, paano kaya ako mag aadjust sab ago kong school. May makakaibigan kaya ako doon?
AN: Happy Reading! ♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...