Rivals to Lovers 28

2K 42 11
                                    

And here I am, again. After months of hibernating, I'm back. Muling susulat at lilikha ng mga kwento. Muling aantig at mag-papaibig. Muling magbibigay ng istoryang maaaring magkatotoo.
Pasensiya sa mga nainip at nabagot sa kakahintay sa karugtong ng kwentong ito. Sisikapin ko na talaga na mag-update ng madalas kahit working na si ako. Dati kasi estudyante pa ako, pero heto through God's grace, nakatapos din. 🙏🙏🙏🙏🙏

SA PAGPAPATUTOY...

Ang araw ay naging linggo hanggang maging buwan at heto na nga, lampas isang taon na ang nakalipas matapos ang malungkot na kaganapan sa buhay ni Kaizzer at Kier. Ngunit sa ngayon, mayroong nag-iba. May mga bagong katauhan ang nagpakilala. May mga bagong tagpo na di mu inaakala. Sabagay, ganun naman sa totoong buhay diba? Pabago-bago ang sistema, nagbabago ang lahat kasabay ng paglipas ng panahon. Hayaan ninyong isalaysay ng ating mga bida ang ilan sa mga kaganapan sa nakalipas na panahon sa kanilang buhay.

KAIZZER'S POV

It's quite a long time. Sa totoo lang halos lampas dalawang taon na din ang lumipas simula noong naaksidente ako, simula noong pilit ko pang ipinaglalaban yung taong mahal ko. After that, I just woke up fatal. I never knew I almost died. They cried because of joy, kasi finally nagising ako, and I was given the second chance to live. At sa pangalawang pagkakataon na ito, kailangan ko ng ayusin ang mga desisyon ko sa buhay. I decided to let go things, even people. When I was discharged from the hospital, I decided to make up my mind and redirect my life. Thank you kay mom lalo na kay Ellison. They have been the ones who look after me when I was fighting death.

Personally, I never changed. I just reconsider my thoughts. Di rin ako na coma para makalimutan ko ang mga nakaraan ko. Everything was clear enough before I faced an accident. Pagdating kay Keir, hindi naman sa bigla ko na siyang kinalimutan, sadyang unti-unti ko ng tinatanggap na di kami ang match. Siguro di talaga kami ang destined lovers- siguro, hindi ata kami ang dating magkagalit na magkakatuluyan. I mean, hinayaan ko nalang siyang lumaya. Katulad nga ng sabi ni Ellison sakin, kung mahal niya rin ako gagawa rin siya ng paraan para makasama ako. Oo nga naman. And from the start I never thought of that idea na dapat di lang ako lagi ang gumagawa ng paraan. So, since di ko na alam ang kinaroroonan niya ngayon, hinayaan ko na muna siya. Sinulit ko muna yung time kasama si mom at ang ilang kaibigan. Lalo pa ngang naging masaya dahil dumagdag pa si Ellison sa circle, naging malapit kong kaibigan. Isa siya sa mga savior ko.

Nagfocus muna ako sa studies habang pinagsasabay ang bago kung business. After kong tinapos yung degree ko ay nagfocus na ako mag negosyo. Nagmove on narin ako at nilibang ang sarili kasama ang mga taong malapit sa akin. And now, I can say na I started to enjoy my life.

"Huy!" Si Ellison na biglang sumulpot. "Mukhang malalim ang iniisip ah? May problema ba?" Tanong pa nito. Galing ito sa tindahan at bitbit ang isang bote ng beer na may kasamang kropek.

"Wala. May iniisip lang," sagot naman ni Kaizzer.

"Uso mag share ng feelings!" Patawa ni Ellison. Sabog kasi talaga ang isang to.

"LOL, wala akong feelings sayo no!"

"Wow, talaga lang ha. Okay lang kung aamin kana. I'm ready." Si Ellison na nangaasar.

"Tumigil ka di ako bakla!"

"Bakit ka defensive?" Saka saboy ng beer na iniinom niya. Nasa may dalmpasigan ang dalawa ngayon, umiinom habang pinagmamasdan ang sunset. Nasa San Juan, La Union sila ngayon. Birthday kasi ni Ellison o mas kilala sa tawag na Elli ( as in Ellie) pero minsan pag inaasar siya ni Kaizzer tinatawag siyang Elay.

"What the... gagu ang lamig, sabuyan talaga?" gulat na saad ni Kaizzer. Eh saktong ubos na yung beer na iniinom niya.

"Masyado kang seryoso! Ano ba kasi iniisip mo?" -Elli

"Wala inaalala ko lang yung mga nangyari, simula noong nahospital ako. Actually simula noong may bwesit na dumating pagka gising ko", sabay lingon kay Elli.

"So, ako bwesit?"

"Sino pa nga ba?"Sarkastikong sagot ni Kaizzer dito.

Akmang babatuhin ni Elli ng kropek si Kaizzer ng hinawakan niya ang kamay nito. Sa lakas ng grip ni Kaizzer, eh di nakapalag si Elli. Akala siguro nito eh malalagot siya. Nagulat siya ng biglang kinagat ni Kaizzer ang hawak nitong kropek.

And the awkward moment suddenly came...

"Oh, bat nabigla ka?" Tanong ni Kaizzer. Hinugot naman agad ni Elli yung kamay niya.

"Gagu, muka kang aso sa itsura mo."

"Pero gwapo!" pagbara ni Kai. Bakit parang namumula ka na yata? Isang bote pa lang yan ah. Siguro nagblublush ka no?

"Gagu, sayo pa talaga?" Pagtanggi ni Elli.

"Come on mah friend, we've been friends for more than a year. Kilala kita. You can't lie to me. Ayieeh,😊. Aminin mo na kasi na gusto mo ako. "

"Kapal neto... huy wag kang feeling di ako bakla! Saka mas pogi ako sayo, mas lamang ka lang sa katawan. Yun lang."

"Sayang naman..."

"Ang alin?"

"Wala... may gusto pa naman sana..."- pag putol ni Kaizzer sabay takbo para salubungin ang alon na parating.

Sa di kalayuan ay maririnig mo ang sigaw ni Kaizzer na parang batang tuwang tuwa. Samantala si Elli ay naiwan lang sa kanyang kinauupuan at pinagmamasdan ang kaibigan na hinahampas ng alon. Kakaiba ang ngiti ni Elli sa oras na iyon.

Sa halos lampas isang taon nilang pagkakibigan ay halos ngayon lang din sila nagkasama na sila lang saisng bakasyon. Kadalasan kasi eh kasama ang iba nilang kaibigan at mga kamag-anak o di kaya ay mga empleyado ni Kaizzer. Ngayon lang halos sila nakapag bonding silang dalawa lang.

Itutuloy... ♥️♥️♥️


Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon