May mga taong ayaw kuno masaktan pero sila pala ang tunay na mapanakit. Hindi naman kawalan ang isang tao kung siya mismo ang may gusto. Yung akala mong totoo, seryoso at lehitimo, yun pala naghahanap lang ng pansamantala, pagkatapos iiwan kana kasi sawa na siya. Well, it was never been real, I was not even that serious. Everything was just like a play, a story being maneuvered by authors. Sino ang kawawa? Sino ang nasaktan?Sino nga ba?
Perhaps, love is abundant in Wattpad, but remember not all of them are happy ending. Not all of them are sad. Also not all of them were finished. Parang relasyon sa makabagong panahon, usually ang ganda ng simula pero habang lumalaon, lumalabo o di kaya paasa lang.
Pero ako, I promise hindi po ako paasa. Salamat sa inyong supurta at pasensiya sa insert drama! May pinagdadaanan lang kuno...
#waytoogoodatgoodbyes
Kaizzer's POV
Mga tatlong taon na rin ang nakalipas, simula ng umalis si Kier sa bahay. Simula noon ay wala na kaming balita nila mom kung saan siya. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko. Walang araw na di ko siya naiisip. Sinubukan naming ipahanap ni Mom si Kier pero hanggang ngayon ay wala paring resulta sa aming paghahanap sa kanya. May secret agent daw na inasign si mama para hanapin si Kier pero di pa naman ako binabalitaan ni mama kung kumusta na ang paghahanap nila kay Kier.
Di ko maiwasang sisiihin ang sarili ko sa kung ano man ang posibleng nangyayari sa kanya, kung nasa mabuti ba siyang kalagayan o kung nakapag-aral pa ba siya. Nasaan ka na ba kasi Kier, bulong ko sa hangin habang nagmamaneho papasok sa pinapasukan kong kolehiyo. Oo college na ako ngayon. Si Kier kaya saan siya nag college, nag-aaral pa kaya siya?
Marami nang nangyari. Malaki na rin ang ipinagbago ko hindi lang sa pisikal na parte ng aking katawan. Dahil sa pagkawala ni Kai ay natutunan ko ring baguhin ang sarili ko, ang ugali ko at ang pakikitungo ko sa ibang tao.
Tama nga naman ang sabi ng mga matatanda, kailangan nating pahalagahan lahat ng bagay habang nariyan pa kasi pag biglang nawala sila, baka magsisi tayo. Ngayon nga ay nagsisisi na ako. Kung muling babalik si Kier ay sisiguraduhin ko na ipaparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin. Ipapaintindi ko lahat ng mga nagawa kong mali at handa akong pagbayaran ang mga iyon lahat para sa kanya.
Ngayon nga ay papunta na ako sa university na pinili kong pasukan. Pangalawang linggo na simula magpasukan kaya medyo nakapag adjust na rin ako. May mga naging kaibigan na rin ako ngayon maliban sa dati kong tropa na dito rin nag-aral yun nga lang ay sa ibang college sila. Kumuha ako ng BS Mathematics specialized in Business Application. Pagka park ko ng kotse ay dumiretso na ako sa unang subject ko sa umaga. Trigonometry ang pasok ko ngayon kaya masaya akong pumasok dahil isa yun sa pinaka favorite kong subject sa math.r
end of POV
"Kier wait! Ano ba magtatampuhan na naman ba tayo dito?" Si Evan habang sinusundan si Kier.
Si Kier ay tila walang naririnig na nagsasalita, nagpapatuloy parin ito sa paglalakad. Papasok na rin ang dalawa sa bago nilang paaralan. Dito naisipang mag college na Kier dahil noon pa man pangarap na niya umano ang mag-aral sa naturang paaralan. Si Evan kahit second year college na ay lumipat na rin mula sa dati niyang school sa states.
"Sino ba kasi nagsabi sayo na sundan mo ako, ha? Ang kulit mo kasi kanina ka pa sa bahay, nauurat na usal ni Kier sa taong nakasunod sa kanya."
"Ah, alam ko na, nagtatampo ka no, kaya nagkakaganyan ka?"
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...