Nasaan ako? Sino ang mga nagdala sakin...? At teka bakit di ko maigalaw ang mga kamay ko, ang dilim wala akong makita. Ito ang sunod-sunod kong tanong sa sarili ko nang bumalik ang aking ulirat mula sa pagkakatulog. Agad akong kinabahan ng maalala ko ang nangyari kanina.
Ilang saglit lang ay may mga yabag ng paa akong naramdaman na sa tingin ko ay papalapit sa kinalalagyan ko.
Biglang hinablot ang telang nakapiring sa akin. Nang makaaninag na ako ng liwanag ay tumambad sa aking harapan ang mga lalakeng nakatakip ang mga mukha. Sa tingin ko ay nasa edad ko rin ang mga ito dahil sa hubog ng mga katawan ng mga ito na mas developed lang kaysa sa body built ko. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ibang mga tao ang nasa harapan ko ngayon. Ang naaalala ko ay mga bruskong nilalang ang dumukot sa akin sa school na parang mga myembro ng sindikato.
"Gising kana pala Kier," seryosong bungad sa akin ng isang lalake sa hrapan ko. Bakit niya ako kilala?
Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin? Kung sa tingin niyo ay pwede niyo akong i-kidnap for ransom ay nagkakamali kayo. Mahirap lang kami. Kaya nag-aaral ako sa school na yun eh dahil sa sponsor. May nagppapa aral lang sakin. Please parang awa niyo na pauwiin niyo na ako, ang mahaba kong pagdedetalye sa mga taong kaharap ko.
"Chill lang Kier, masyado kang nag-aalala. Wala pa nga kaming ginagawa eh, kung makareact ka diyan daig mo pa ang babae," natatawang baling ng isa pang lalake sa harapan ko.
Bakit kilala ako ng mga ito? Sino ba sila? Hindi kaya kilala ko ang mga taong to?
"Natahimik ka ata?" Tanong sakin ng pangatlong lalake na nasa aking harapan.
Ano ba kasi ang atraso ko sa inyo? Bakit niyo ako dinala ditto. Please, pauwiin niyo na ako, parang awa iyo na. Muli kong pagmamakaawa sa kanila. Unti-unti na ring nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Unti-unti ko na rin kasing na raramdaman ang labis na takot at pag-aalala s apwedeng mangyari sakin ngayong gabi. Sa halip na sagot ang matanggap ko s a mga kaharap ko ay, pagtalikod ang ginawa ng mga ito. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero nakita kong pumasok sila sa isang pasilyo na patungo pa sa loob ng building kung saan ako. Di ko alam kung saan ang building na ito, Ngayon lang kasi ako napunta rito. Isa itong abandoned building. Madilim at nakakatakot ang hitsura nito. Idag-dag mo pa ang mga kung ano-anong bagay na nakakalat sa sahig at mga vandal sa dingding talagang tatayo ang balahibo mo. Ito halos ang katulad sa mga pinapalabas sa mga t.v. program na mga lugar kung saan may mga ligaw na kaluluwang na naninirahan. Mas lalong umibtim ang takot sa loob ko dahil sa ideya na may multo sa lugar na ito. Isa pa, tanging liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay ng malamlam na liwanag sa buong building.
Tuluyang bumagsak ang aking mga luha dahil sa takot. Para akong bata na takot na takot. Ito kasi ang isa sa pinaka weakness ko.
Sa kalagitnaan ng aking pagluha habang iniikot ang aking mga mata sa paligid ng lugar ay naalala ko si Kaizzer. Natanong ko sa aking sarili kong hinahanap kaya ako ng taong yun. Anong oras na kaya? Kung nasa bahay man nay un ay sigurado akong magtataka yun dahil ngayon lang ako ginabi ng uwi. Baka isipin niya ay may sinamahan akong mga kaklase. Naisip ko tuloy kung nag-aalala kaya siya saakin ngayon. Kung oo siguro, baka hinahanap niya na ako ngayon.
Medyo napawi ang aking pag-luha dahil sa mga inisip ko, kasaba nito ay ang pagdating ng mga taong kaharap ko kanina. Tahimik lang ang mga ito na lumapit sakin. Muli akong nabalot ng kaba sa katawan dahil sa mga ikinikilos ng mga ito. Parang silang may balak gawing masama.
Nang makalapit na saakin ay tinanggal ng isang lalake ang pagkakatali ko sa upuan. Una nitong inalis ang tali sa may tiyan ko at saka tinanggal ang tali sa aking paa.
"Oh hayan, pwede ka nang tumayo," sabi ng nagtanggal ng tali ngunit di ako kumilos. Nanatili akong nakaupo at nag-isip ng pwedeng gawin.
Sumagi sa isipan ko na tumakbo upang makatakas o di kaya ay lumaban sa mga ito. Ngunit, sa wari ko ay di ko kakayanin ang bilang nila. Isa pa mas malalaki ang mga katawan nila. Naisip ko nab aka mas lalo akong mapasama kung gagawin ko iyun kaya nagdesisiyon akong sundin nalang muna ang mga ipagagawa nila tyaka ako hahanap ng pagkakataon para makaalis.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...