I was quite busy at work in the past days. So, ayun na nga di nakapag update. Kaya ngayon ituloy na natin. But, before that thank you nga pala sa mga nagbabasa nito at sa mga reactions ng iba diyan (no need to mention you guys). I also want to thank those who added this stories to their libraries, including yung mga nagfofollow sakin. Sana dumami pa!😅😅😅😅😅😅
SA PAGPAPATULOY...
"Masakit yung loob ko na naglakad patungo sa kwarto na kinuha namin. Maluha luha rin akong naglalakad dahil sa mga nakita ko. Siguro nga nagseselos ako.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ng may tumawag sa pangalan ko."
Iyan ang mga kaganapan na unang naalala ni Ellison nang idilat niya ang kanyang mga mata. Umaga na nga. Natapos na ang gabi, ang masaya sanang gabi na nauwi sa selosan kung ano-ano pa. Ano nga ba ang nangyari?
Inikot ni Elli ang kanyang paningin at pinakiramdaman ang paligid. Nang mabaling ang kanyang tingin sa kabilang side ng higaan ay halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita. His heart suddenly beat so fast, dahilan para tuluyang mabuhay ang kanyang diwa mula sa pagkakatulog. He was stucked! Ni hindi niya na alam ang gagawin ngayon, at literal na di siya makagalaw dahil sa kamay na nakagapos sa kqnya. Lalo pang dumoble ang kanyang kaba ng tingnan niya ang kanyang kaibigan na kadikit niya. Di siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon.
"What the....!" Ito ang pigil at pabulong niyang sinabi.
"Anong nangyari,shit!"
Nang mapag tanto niya kung ano nga ba talaga ang pwedeng nangyari eh dali dali siyang tumayo at naupo sa gilid ng kama.
"Ginagawa mo Elli boy?" Si Kaizzer na biglang nagising dahil sa pagtanggal ni Ellison sa kanyang mga braso.
Si Elli naman ay nantiling tulala at di parin mapagtanto kung ano ba talaga ang nangyari. Kung bakit ganun ang itsura niya, at bakit iba ang pakiramdam niya. Mabilis siyang bumangon.
"Ahm, Kaizzer may tatanungin ako..." agad na pinuto ni Kaizzer ang pagsasalita ni Ellison.
"So nagtataka ka kung ano nangyari? Wow ha! Ikaw pa talaga ang nagtataka eh ikaw nga itong..." bigla namang pinutol ni Elli ang sinasabi ni Kaizzer.
"Oh my.... wait! Huwag mong sabihing...!
"Oo! Ikaw yung nag..."
"What the...so you mean may nangyaring ano... you mean ikaw at ako have..." putol-putol at naguguluhan na sagot ni Elli.
"Di ba obvious?" Si Kaizzer na nahihikab pa, halatang inaantok pa.
"The f*ck!" At di na makatingin si Elli kay Kaizzer. Nagsimula siyang mag isip muli. Pilit niyang inaalala ang kung ano man na nangyari sa gabing iyon at kung bakit nagising nalang siya na kakaiba ang pakiramdam.
"Gusto mo ikwento ko pa sayo kung anong pinag-gagagawa mo kagabi, bakit parang feeling worried ka ata. Huwag kang magalala, naiintindihan kita. Ayos lang, ano ka ba. Halika na dito huy!" Natatawang paliwanag ni Kaizzer saka ito bumangon at naupo nalang sa kama. Tiningnan niya lang si Elli na mukhang di parin makapaniwala sa nangyayri at sa kung ano pa mang mga bagay na nangyari. "Nakaktawa ka talaga Elli boy!" Dagdag pa ni Kaizzer.
Napayuko nalang sa hiya si Ellison. Medyo awkward na kasi ang sitwasyon ngayon. Di niya alam ang sasabihin. Pakiramdam niya wala siyang mukhang maihaharap kay Kaizzer.
KAIZZER'S POV
Saktong papasok na sana si Ellison sa kwarto nang tinawag ko siya. I felt him. I was moved noong nagsalita siya that night. Alam ko naman na medyo binalewala ko na siya nung mga oras na 'yun and I'm sure he felt offended. Pero iba ang naramdaman ko sa inasta niya. Para bang may ibig sabihin, parang may gusto siyang sabihin saakin na di niya lang maideritsong sabihin. I don't know what it is pero alam kong may something sa taong 'to.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...