Rivals to Lovers: 8

5.8K 143 4
                                    

Nagsimula nang magsalita si Maam tungkol sa mga pag-aaralan namin sa kanyang subject. Hinikayat niya rin kami na magsimula nang magplano ng aming research para sa katapusan ng taon, sa fourth grading ay yun ang aming final requirement.

"Ang galing mong sumagot kanina sa tanong ni maam ha," biglang baling ni Michael nang makalabas si maam.

Uy hindi ah talagang ganun lang kasi ang pananaw ko sa studies at sa bawat subject, humble kong sagot.

Magtatanong na sana ulit si Michael kaso naglapitan ang karamihan sa mga kaklase namin. Karamihan babae, may iilan din naming mga lalake. Sa side nila Kaizzer ay walang masyadong lumapit. Nabigla lang ako ng sunod- sunod na silang nagsalita.

"Hi Kier, Ruffa nga pala," pakilala ng isa

"I'm Angie." "Micah." "Keysha." "Zaya." "Aaron" "Jude"...etc. Yan ang walang tigil na pagbabanggit nila ng kanilang mga pangalan hanggang sa sinundad pa ng marami. Halos sumakit leeg ko kakalingon sa mga ito sa bawat nagpapakilala. Nginingitian ko nalang sila.

Ahm, nice meeting you guise. Thanks sa pagpapakilala at nginitian ko ulit sila. Nagsibalikan naman ito sa kanilang upuan dahil dumating na ang aming teacher sa second subject. Nang tingnan ko si Michael ay natatawa ito kaya tinapik ko ng bahagya.

Why? Tanong ko.

"You look so shocked Kier, I guess you need water," at inabot niya ang bottle ng mineral water na naka sealed pa.

Nabigla talaga ako sa kanila eh. Ganito ba talaga ang mga estudyante rito mahina kong tanong sa kanya.

"Ahm, maybe dahil ngayon lang kami nagkaroon ng transferee since first year and one more thing, I think they find you interesting and intelligent at mabait like what I've seen when I met you a while back.

Ah ganun ba, thanks. Tumahimik at umayos na kami ng upo nang magsimula nang magsalita ang teacher namin.

"Good morning, I will be your teacher in Chemistry. I will no longer introduce my name because I know that you knew me already."

Seryosong teacher ang dating ni maam. Terror look and idagdag mo pa ang nunal niya sa pisngi niya na kasing laki ng pasas, talagang kontrabida ang dating.

"Since you belong in the Science class I am expecting a more interactive discussion. Another, I want every one of you to be prepared in my class cause I give surprize quizzes. So, I think we're good to start our lesson today," mataray na pagpapaliwanang ng aming guro. Nang tingnan ko naman ang mga kaklase ko ay halatang kinabahan sila at nagaalala.

"Okay let's have a recitation."

Nabigla naman ako sa tumayo at nagpahayag ng kanyang opinion kay maam. Si Kier na medyo aborido ang mukha. Maangas itong tumindig na animo'y di takot sa mala-braguda naming teacher.

"Aren't you going to discuss the syllabus of this subject before we proceed to our first lesson?" May bwelo nitong tanong kay maam na halata kong nainis sa parang walang reaspeto nitong pagtatanong.

"Shot up Mr. Zandoval. Who do you think you are to dictate me?" Nanlalaki ang mata nito na tumugon sa sagot ni Kaizzer.

Umupo na lamang si Kai na mababakasan ng pagkapahiya. Natahimik naman kaming lahat ngunit may iba akong napansin na palihim na natutuwa sa pagkapahiya ni Kai. Kahit papaano naman ay nakaramdam ako ng awa sa kanya.

"Okay who can define Chemistry?"

Wala halos gusting magtaas ng kamay. Takot sigurong magkamali. Si maam naman ay patingin tingin lang. naghihintay siya sa sinumang matapang na magtataas ng kamay at sasagot.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon