Math Subject namin ngayon. It was 1:00 pm, nakakaantok na part ng araw sa school. Mapapansin mo rin ang ibang mga estudyanteng pahikab-hikab habang nagsusulat. Ang masipag naming guro ay matyagang nagsusulat sa board ng aming lesson, puro mga equation, mga sample problems with their solutions. Ang Math subject talaga, kahit kailan puro problema. Kaya siguro maraming students ang ayaw rito. Ikaw gusto mo ba ang Math subject? Is it your favourite?
Patuloy lang sa pagsulat, for sure mahabahabang discussion na naman ito mamaya. Tiyak na marami ang aantukin. Monotonous kasi ang aming teacher, yung tipong parang walang ka enenergy magturo. Kalalaking tao parang nagnonovena sa simbahan kung mag discuss. Bakit di niya subukan maag- Milo, para 'beat energy energy energy gap' ang peg niya. Hahay, teachers has different style nga naman.
"Okay class, are you finished copying," mahina nitong tanong.
"Yes Siiir," chorus naming na may matamlay ring boses.
"Inaantok ata kayo?"
"Ay hindi sir! Nagtanong ka pa eh halata naming nakakaantok ka," pabulong na sabi ni Michael.
Uy baka marinig ka niya, sita ko rito. Humihikab na talaga siya. Saktong medyo mainit pa kasi ang panahon ngayon kaya babagsak talaga ang talukap ng mata mo kahit nakatulog ka ng maayos kagabe.
"Kaya nga mahina lang diba."
"Okay class let's get started." Nagsimula naman nagturo ang aming boring na teacher.Ilang minuto rin ang itinagal niya tapos heto ngat sa wakas ay natapos rin.
Nang sulyapan ko si Kaizzer at ang katabi nito ay nakadumog na. Bagsak na ang dalawa. Pati yung ibang mga estudyante ay di na kinaya ang antok.
...
"Okay everyone let's have a drill para magising kayo." Ngayon ay medyo malakas na sabi ng Math teacher namin.
"I have different equations in the board and you will answer them. This side and this side will be a separate group and you will select best students to solve the equations on the board." Mahabang paliwanag ni sir.
Addition of algebraic equation ang topic namin kaya malamang mahaba-habang solution na naman ito. Nang makapili na kami ng mga sasagot sa group naming ay agad na kaming naghanda na kami. Sampong magkaparehong mga problems ang aming sasagutan so sampo rin ang representative sa bawat grupo. Ako ang naka assign sa number ten na piakamahabang equation.
Ready, set, go! Nagsimulang mag unahan ang magkabilang grupo.
Ilang minute pa ay nasa number 8 na ang group nila kaizzer samantalang kami ay sa 7 palang... ako naman kahit kinakabahan ay inaanalize na ang isasagotsa equation 10. Gusto naming manalo.
Hiyawan ang mga kaklase ko nang matagalan sa number 9 ang kagroup nila Kaizzer na siya naming pagbawi n gaming pangkat. Si Michael kasi ang number nine kaya mabilis itong natapos. Magaling pala siya sa Math. Pagbalik ni Michael ay agad akong sumunod.
"Dalian mo pre!" Sigaw ni Kai, sa kasama nito. OMG si kuyang gwapong nakabanggaan ko ang sumasagot kaya saglit akong napatingin.
"Huyyy Kier, wag ka nang tumunganga maaabutan na tayo.!" Sigaw ng mga ka grupo ko.
Agad ko naman hinarap ang sasagutan ko. Damn ang complicated. May tumakbo sa kabilang banda, nagmamadali. Si Kaizzer pala. Go Kier kaya mo yan, sabi ko nalang.
10. 33x6+ 13y5 -8x5 +49y4 + 9x4 -17xy +11y3 – 23x3 + 56y2 -21x2 and -20x2 -335xy
65x6+ 34y5 + 36y2 -19x5 +29y4 + 16x4 +18y3 – 13x3
Ang hirap nang ganitong terms lalo na kapag nagmamadali ka. Nagsisigawan na ang mga kaklase ko. Hiyawan sa bawat grupo.
"Go Kaizzer!"
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...