Rivals to Lovers: 23

3.9K 84 24
                                    

May mga pagkakataon talaga sa buhay natin na darating tayo sa punto na kailangan nating maranasan ang kalungkutan. Na kailangan lang natin masaktan, dahil hindi nga naman puro ligaya ang hatid ng panahon. Things change like what people do. We have to adapt or else, we will be left alone and broken. Kailangan nating maging matatag. Kailangan lang nating humakbang at magpatuloy

Hindi madaling magmahal. Iyan ang sabi ng karamihan, lalo na yung mga taong nakaranas na. Nakakapagtaka nga lang dahil kahit maraming tao ang nasaktan na sa pag-ibig, marami parin ang gustong makaranas nito. Indeed, LOVE is so magical. Maraming tao ang naniniwala sa pag-ibig kahit alam naman nilang pwede silang masaktan o makasakit.  Ikaw, handa ka parin bang mag-mahal kahit nakikita mo ang katutuhanan ng buhay pag-ibig?

Sa pagpapatuloy...

Nakapagdesisyon na ako. Kailangan ko nang harapin ang mga bagay ng aking nakaraan. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na ito talaga ang buhay na inilaan saakin ng tadhana. Na wala akong ibang choice kundi harapin ang katutuhanan. Kailangan kong hanapin ang sarili ko. Ang tunay na pagkatao ko. Siguro kailangan ko munang isantabi ang pagmamahal. Kailangan ko munang unahin na ayusin ang buhay ko. 

Salamat kay Evan na umagapay sakin ng ilang taon. Malaking utang na loob ko iyon sa kanya. Pero sa gagawin kong ito alam kong pwede siyang masaktan kaso sa tingin ko ito ang pinakamainam na paraan para maging masaya siya. Ayaw kong kulungin siya ng pagmamahal niya sakin. Gusto kong makahanap siya ng taong masusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya. Hindi tulad ko na lagi niyang iniintindi at inaalala. hindi naman sa wala na akong nararamdaman sa kanya pero, sa tingin ko hindi ko deserve ang pagmamahal ni Evan. I need to find myself. Kailangan ko munang ayusin ang mga bagay na dapat kong ayusin.

Naligpit ko na lahat ng damit ko. Desidido na talaga ako sa gagawin ko. Hindi ko maiwasang di mapaluha habang tinitingnan ang natutulog na si Evan. Walang kupas ang gwapong mukha nito. Sana mapatawad niya ako sa gagawin kong ito. Para rin sa kanya to. Gusto ko rin na maging masaya siya ng lubusan. Hindi yung kagaya ng ginagawa ko sa kanya. 

Evan, I love you, mahinang sabi ko sa kanya matapos kong halikan ang noo niya. Habang binibigkas ko ang mga salitang iyon ay parang pinipiga ang puso ko. Di ko malabanan ang mga luhang nais pumakawala sa mainit kong mga mata.

Matapos kong ilagay sa paanan niya ang isang papel  ay binuhat ko na ang aking bag saka naglakad palayo. Sana ay maintindihan agad ni Evan kong bakit ko to ginagawa. 

...

Alas Tres na pala. Habang nasa loob ng taxi ay di ko maiwasang maisip si Evan. Di ko mag-alala kung ano kaya ang magiging reaksiyon niya paggising. Mga isang oras in akong nagmunimuni sa loob ng taxi bago makarating sa bahay nila Kaizzer.Kung saan saan na naman nakarating ang isip ko. Pagkababa sa taxi ay nag door bell ako. Biglang nag iba ang pakiramdam ko nang nasa paanan na ako ng gate nila. Tila nagbalik sakin yung mga alala ko sa bahay na ito. Yung mga panahon na una akong tumapak dito at kung gaano ako namangha sa laki at gara ng bahay na ito.

"Oh, ikaw pala Kier. Kumusta na?" Bungad ni Kuya Guard nang buksan niya ang gate. Buti nalang hanggang ngayon ay kilala pa ako ni kuya guard at namumukhaan niya parin ako.

"Hello po kuya, mabuti naman." Kinuha sakin ni maning guard yung dala kong bag at sinamahan niya ako papasok sa loob ng bahay.

May kinausap siyasa cellphone. Sa tingin ko ay si Mrs. Zandoval yun. Ilang saglit din lang at bumukas yung  main door ng bahay at iniluwa ang kagigising na ginang. 

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon