Rivals to Lovers 27

2.3K 57 8
                                    

Kier's POV

Wala akong nagawa kundi ang lumuha habang nakatanaw sa alapaap. Sigurado ako si Kaizzer yun. Hindi ako maaring magkamali. Sana po diyos ko ay okay lang siya. Huwag niyo po hayaang may masamang mangyari sa kanya panginoon. Ginagawa ko po itong lahat ng to, alangalang sa kaligtasan niya. Pero kung ang magiging kapalit naman po ay ang pagkawala niya, di ko po mapapatawad ang sarili ko diyos ko. Ayaw ko lang naman po na dumating sa punto na may gawing masama pa si Evan sa kanya. Diyos ko parang awa niyo na po gabayan niyo po ang taong pinakamamahal ko. Di man kami ang magkasama hanggang dulo. Basta wag niyo lang po siyang kukunin sakin panginoon.

Tiningnan ko si Evan. Nakapikit ang mga mata nito habang nakasuot ng headset. Tila dinadama ang musikang kanyang napapakinggan. Mahigpit ang hawak niya sa aking kaliwang kamay. Bumalik muli ako sa pagtingin sa bintana at tuluyang binalot ng ulap ang aking paningin. Labis na lungkot ang bumalot sakin. Napaisip ako at muling sinariwa ang mga panahong una kaming nagkita ni Kaizzer. Kung paano ko siya hinangaan at maging ang mga karanasan namin simula noong nagsama kami sa iisang bubong. Lalong pumatak ang mga luha sa aking mata. Magkahalong mga emosyon ang di ko maipaliwanag. Tama ba ting ginagawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko?

(end of POV)

Habang nasa himpapawid si Kier at binabaybay ang destinasyon na maglalayo sa kanya sa taong tunay niyang minamahal, si Kaizzer sa kabilang ibayo ay nakikipagbuno sa kamatayan. Malala ang natamo niyang sugat sa kanyang pagkakadisgrasya habang hinahabol ang taong ayaw niyang mawala sa sakanya. Nagtagumpay nga ba si Evan sa pagbura kay Kaizzer upang wala ng humadlang pa sa mga plano niya para sa kanilang dalawa ni Kier? Tuluyan niya na kayang masosolo si Kier?

Si Kaizzer ay mabilis na dinala sa hospital ng ilang mga nagmalasakit na mga motorista. Kasalukuyan siyang nasa ICU inoobserbahan ng doctor ang kanyang lagay. Sa wari ng doctor na tumingin sa kanya, medyo alanganin na sila na makakaligtas pa ang binata.

"Kaano-ano ka ng pasyente iho," tanong ng doctor sa lalaking naiwan at nagboluntaryong maiwan upang tingnan si Kaizzer habang di pa nakokontak ang mga kamag-anak nito.

"Ah wala po, concerned citizen lang po. Isa po ako sa mga nagdala sa kanya," maamong sagot nito. Mantsado na rin ang damit ng lalake dahil isa siya sa mga bumuhat kay Kaizzer nang dinala ni la ang nadisgrasyang binata sa hospital. Di na nila hinintay pa ang ambulansya dahil sa pakiwari mismo ng lalake ay baka di na umabot si Kaizzer kung hihintayin pa ang ambulance, kaya dali dali na nila itong isinugod sa hospital.

"Ah ganun ba? Buti naman at naisipan niyo agad na dalhin dito ang pasyente kasi kung natagalan pa ito ay tiyak wala ng pagasa na mabuhay pa ito," dagdag pa ng doktor. "Ah siya nga pala, mukang may alam ka sa first aid at proper handling sa ganitong condition kasi I saw kanina na nalapatan na ng first aid ang pasyente at maayos niyo rin siyang naipunta dito," takang tanong ng doktor.

"Ahm ang totoo niyan po eh medicine student po ako, second year po. Itinuloy ko lang po after ko matapos ang nursing", sagot naman ng lalake na medyo nahihiya.

"Alam mo iho, kung makakaligtas man ang taong ito, he has to thank you for saving his life. Laki ng naitulong mo sa kanya."

"Ayos lang po," sagot naman ng lalake.

"Oh siya iho, mauna muna ako. Baka darating na din ang pamilya ng pasyente kaya pwede kana makauwi nang makapagpahinga ka at makapagpalit. Iwanan mo nalang ang number mo sa amin para makontak ka if dumating na ang pamilya ng pasyente,"paalam ng doktor saka iniwan ang lalake.

" Sige lang po dok, hintayin ko nalang ang pamilya niya. Natawagan na po ata."

Ang isa sa mga good samaritan na tumulong kay Kaizzer ay si Ellison Javier, Medicine student. Tulad ni Kier at ni Kaizzer ay isang achiever din ang batang ito at henyo kung maituturing. Bukod sa katalinuhang taglay niya. Ang maamo niyang mukha na nakakaakit ay bagay na bagay sa kanyang piniling propisyon. Kung susumahin palong palo sa itsura ang lalakeng ito.

Naupo muna si Ellison at pinunasan ng tissue ang kanyang kamay na may bahid ng dugo ni Kaizzer.

Ellison's POV

Kawawa naman ang taong ito. Noong nakita ko siya kanina di ko alam kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman. Di ko alam para bang may koneksiyon ako sa taong ito. Di na ako nagsayang ng oras kasi critical ang kondisyon ng tao.

Hiling ko lang sana makayanan ng taong ito ang sinapit niya. Ano kaya ang nangyari sakanya. Bakit merong sulat na nakalagay sa bulsa niya at nahulog yun kaya pinulot ko na. Sino kaya si Kier na tinutukoy sa sulat.
Iwan ko ba bakit bigla nalang akong nagkaroon ng connection sa kanya. Sana lang talaga makayanan niya at maging okay siya. Kawawa naman siya at ang pamilya niya. Sana makita pa niya si Kier.

end of POV

Mayamaya ay dumating ang mama ni Kaizzer na umiiyak at labis na nag aalala sa sinapit ng anak nito.

Itutuloy... ♥️♥️♥️
Anthonymous13









Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon