Rivals to Lovers: 31

2.1K 43 16
                                    

️♥️♥️ Sa pagpapatuloy...

KIER'S POV

Hindi naging madali ang bawat araw na lumipas, ang bawat linggo hanggang sa naging buwan at umabot na nga ng higit dalawang taon mula noong umalis kami sa Pilipinas. Walang araw na lumipas na hindi ko inisip kung ano na ang lagay ng taong mahal ko. Sobrang sakit sa kalooban. Tanging hiling ko lang ay sana naging maayos ang kalagayan niya. Sana ay may mga taong tumulong sa kanya. Sana ay masaya siya ngayon. Sana ay hindi siya galit saakin. Sana di niya isipin na ipinagpalit ko siya. Ngunit kung sakaling sasagi man sa kanyang isipan na di ko siya mahal, tatanggapin ko nalang. Kung papayag pa ang pagkakataon at ang tadhana na pagtagpuin pa kami ng taong mahal ko, gusto ko sanang sabihin na araw-araw ko prin siyang mahal. Kung sakali man na bigyan ako ng ganung pagkakataon, ipapaliwanag ko ang lahat. Gusto ko rin humingi ng tawad.

Kung alam mo lang sana Kaizzer kung gaano kalungkot, kung gaano kasakit ang lahat. Minsan gusto ko nalang hilingin sa diyos na sana lumaban ako kasama ka. Sana di ako nagpdala sa takot, na sana sinabi ko sayo ang lahat. Sana hindi ako pumayag sa kondisyon ni Evan. Pero, huli na nang maisip ko ang mga bagay na ito. Kung kailan nakapako na ako, at kung kailan nadagdagan na ang responsibilidad ko. Ito siguro ang kabayaran sa mga maling desisyon na ginawa ko.

Ang tanging pumapawi sa kalungkutan at pagsisi na aking nadarama ay ang mga alaala namin ni Kaizzer noong una kaming magkasama at kung paano kami tuluyang nagkakilala. Sa tuwing naiisip ko yun ay napapangiti ako. Parang gusto ko nalang balikan ang lahat, kung pwede lang sana. At habang iniisip ko ang lahat ng ito ay di ko maiwasang lumuha.

Ganito lang ang naging takbo ng buhay ko dito sa America, ang lugar na nagsilbi kong kulungan. Halos lagi lang akong nasa bahay. Lumalabas lang kapag kasama si Evan. Di na rin ako nagtrabaho.

Sa paglipas ng mahigit dalawang taon marami na ding nagbago kay Evan. Lalo niyang pinadama sakin at pina-intindi kung gaano niya ako kamahal. At araw-araw ko namn itong nakita sa kanya. Araw-araw niyang pinaramdam sakin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Hindi ko man ito masuklian ng pantay na pagmamahal sa kanya ay nanatili siyang ganun. Sa totoo lang kahit si Kaizzer ang lagi kong hinahanap at gusto kong makasama habang buhay, natutunan ko na rin na pagbigyan ang pag-ibig ni Evan lalo na noong naintindihan ko kung bakit niya ako kailangan, at kung bakit niya ako pilit ba pinaglalaban. Ito na rin marahil ang tanging dahilan kung bakit ako nanatili sa piling niya. Hiling ko lang na kahit papaano ay bigyan siya ng pagkakataon na magbago at maging masaya. Igugugol ko ang aking panahon para sanahan siya sa hamon na ito. Kapag maayos na ang lahat siguro naman hahayaan niya na akong maging malaya.

end of POV...

"Oh love, what are thinking na naman?" Pagbasag ni Evan sa lumilipad na isip ni Kier.

"Ah wala, may naalala lang..." si Keir na natigilan bigla.

"Look, Keir I know what you're thinking. Diba nag-usap na tayo? Please, let's enjoy the days we have." Si Evan sabay ubo ng malakas. Medyo hinahabol niya ang kanyang paghinga.

"Yes, I know it Evan, at huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan.  Let's just live normally. Huwag mo na i-emphasize sakin ang panahon, okay. I told you, I will stay with you. I will stay, okay?" At hinubad ni Keir ang coat ng kanyang ni Evan. Basa nanman ito ng pawis. Ikinuha niya na rin ito ng pambahay na damit.

"Keir, sorry ha. I know it's hard. Sorry for my selfishness. Thank you na din," saad ni Evan habang naktalikod si Keir at kumukuha ng damit.

"Sabi ko Evan tama na. Di mo kailangan magsorry okay. Please, huwag mo naman akong konsensiyahin."

"Because, I have been so..."

"Tama na nga diba? Di mo ba ma-intindihan yun. Can you just stop talking, pwede?" Si Keir na medyo tumaas yung boses.

"Napag usapan na natin yan, right?" Dagdag ni Keir.

"Okay, I'll stop, sorry." Mahinang sagot ni Evan at pinahid ang luhang kanina pa nangingilid sa kanyang mga mata.

Evan's POV

I was driven too much by my egoistic love for Keir.Siya lang yung tao na sa tingin ko eh magpapasaya sakin. I never found anyone like him. There are a lot of people na pwede kong mahalin, yes there are so many choices. But, I only fell to him. Bakla na kung bakla mang maituturing ang ganitong feeling, I don't care.

Living here in States is purely my decision. I just forced him, I horribly forced him. Ginawa ko ang lahat ng pwede kong gawin, kahit mali, even the evil ones. I want to eliminate everybody na maaaring umagaw sa kanya, that's how pathetic I become. Alam kong si Kaizzer talaga ang mahal niya, kaya gusto kong mawala na yung gagong yun sa buhay namin. But, in return, all my evilness has an end. Hindi ko kailanman nakuha ang totoong pagmamahal ng taong pinakamamahal ko. I  was just satisfied of his presence. It's painful but, this is all I got. Ang mahalaga kasama ko siya. And I have a deeper reason kung bakit ko ginawa lahat ng ito. At iyon ang pinaintindi ko kay Keir when we are already here in America. I always feel sorry for the sadness of my love, I don't want him to feel that way. Humingi na din ako ng tawad sa kanya. Mabuting tao si Keir kaya madali lang niyang naiintindihan ang mga pakiusap ko sa kanya.

Yes, it seemed like a contract. It turned to be dahil sa makasarili kong pangangailangan. At sa paglipas ng panahon, hahayan ko rin siyang lumaya. Hahayaan ko siyang maging masaya. Ito'y malapit na.

Can I ask for a tight hug? Request ko sa kanya habang tinititigan niya akong nagpapalit ng damit. Agad naman irong lumapit at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

Thank you! Tangi kong nasabi.

"Sige na maiwan na muna kita ipaghanda lang kita ng pagkain."

Huwag na sabi ko. Dito ka na muna Keir. May sasabihin ako.

"Huh, ano ba yun?  Di ba pwedeng habang kumakain ka saka mo sabihin? Takang tanong ni Keir.

No it's urgent.

"Urgent? Why? Ano ba kasi yun?"Naguguluhang tanong ni Keir.

Malapit ka ng lumaya?

"Ako Evan wag mong pinaglololoko. Ano bang sinasabi mo?"

Keir, I can't fight it anymore. I guess, ito na yung kabayaran sa mga kasamaang ginawa ko sayo at kay Kaizzer. I'm dying Keir. Pagkasabi ko nun ay di ko napigilang umiyak. Masakit kasing tanggapin at mahirap din isipin na malapit na akong mawala. Inabot ko sa kanya ang brown envelop na naglalaman ng test result na ginawa sakin ng doctor ko.Agad niya naman itong binuksan at binasa ang laman.

"Evan, akala ko ba okay na? Ba't naman ganito?" Labis na nabigla si Keir sa nbasa niya at agad niya akong yinakap muli ng mahigpit.

Keir, I'm dying... at inilabas ko ang sakit na nararamdaman ko dahil sa kalagayan ko ngayon.

"Hindi, Evan gagaling ka pa. Let's see other doctors, okay? Huwag kang mawalan ng pag-asa." Umiiyak na mungkahi ni Keir habang hinahaplos ang aking likod. Di ko mapigilang umiyak. Mahirap tanggapin na malapit na akong mawala.

Ayoko pang iwan si Keir. But, if the time has come, I would accept it. Gusto ko lang na makitang masaya siya bago ako mawala. I have colon cancer and it's in the severe stage na.  I know that this would come peeo I never expected that this would hurt me this bad. I never prepared for this. I guess, ito na ang kabayaran sa mga kagaguhan ko. 

"Evan kung iniisip mo na ikatutuwa ko ang ganitong kalagayan mo, nagkakamali ka. Hindi rin ako papayag na susuko ka na. Please, wag kang mawaln ng pagasa. Kaya mo yan. Please lumaban ka,even just for yourself. Huwag naman sa ganitong paraan Evan. Di ko rin naman makkyang iwan ka sa ganitong sitwasyon. Yes, you've been the reason of my misery pero di ako ganun kasama para matuwang nagdurusa ka sa gitong karamdaman. At some point, I love you. Alam mo ba yun? So please, don't give up okay?" Mahabang paliwanag ni Keir.

Sa sinabi niyang iyon ay nagkaroon ako ng pag-asa kahit alam ko na masyadong malabo na. Masaya akong malaman na sakabila ng lahat ng ginawa ko ay may natitira pang pagmamahal sakin si Keir. Siguro sapat na iyon para matanggap ko ang katapusan ko.

...end of POV

***itutuloy ...

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon