Rivals to Lovers: 42

1.6K 47 9
                                    

Lumipas na ang binte kwatro oras ngunit hindi parin muling tumatawag si Ellison. Labis na ang pag-aalala ni Kaizzer. Hindi niya maiwasang mag-isip ng masama na pwedeng mangyari kay Kier. Lalo pa't binantaan siya ni Ellison.

Sinubukan ni Kaizzer na-ilocate ang location ng cellphone ni Kier at sa kabutihang palad ay nakita niya ang location nito. Malakas ang kutob niya na sa abandonadong gusali dinala ni Ellison si Kier Ang kailangan nalang niyang gawin ay magplano ng mabuti kung paano niya maililigtas si Kier ay kung paano niya maiisahan si Ellison dahil alam niyang hindi ito nag-iisa sa ginawa niyang krimen. Kahit may takot at pangamba na bumabalot sa kanya ngayon ay determinado parin siyang gawin ang pwede niyang gawin maligtas lamang ang taong pinakamamahal niya.

Nakipagkita si Kaizzer sa daddy ni Ellison at Kier para ibalita ang nangyari at kung ano ang ginawa ng kanyang anak sa mismong kapatid nito.

"What?" Gulat na tanong ng ama nila Ellison at Kier nang isinalaysay ni Kaizzer ang nangyari at ang baging usaoan nila sa telepono.

"Opo tito. Hindi rin po ako makapaniwala na kayang gawin ni Ellison ang bagay na iyon sa kanyang kapatid."

"Alam mo na ba kung nasaan sila ngayon, iho?" Tanong nitong muli kay Kaizzer.

"Na-track ko na po kung nadaan sila gamit ang location ng cellphone ni Kier. Nasa abandoned building po sila kung saan din kami nagpunta nila Kier noong mga bata pa kami. Alam ko po kung saan yun tito kaso nga lang di ko po alam kung paano tayo pupunta doon ng ligtas at di magiging dahilan para lalong lumala ang sitwasyon. Inaalala ko lang po yung kalagayan ni Kier." Mahabang paliwanag ni Kaizzer.

"Kailangan natin magpatulong sa mga pulis iho." 

Bigla namang nagring ang cellphone ni Kaizzer at nakita niyang rawag ito mula kay Ellison.

"Sandali lang tito. Tumatawag si Ellison. Sasagutin ko lang." 

"Oh Kaizzer, kumusta na? Nakatulog ka ba sa kakaisip sa boyfriend mo?" Unang saad ni Ellison mula sackabilang linya.

"Huwag ka nang maraming satsat Ellison. Nasaan na si Kier? Anong ginawa mo sa kanya, hayop ka!" Galit na sagot ni Kaizzer.

"Huwag kang masyadong mag-init Kai, magkikita rin kayo ng bebe loves mo. Pero tingnan lang natin kung matutuwa ka pa kayang makita siya ngayong, pinagsasawaan na siya ng mga kasama ko. You know what Kaizzer, alam ko na kung bakit baliw na baliw sa kapatid kong to. Magaling pala siyang magpaligaya." Matapos niyang sabihin iyon ay tumawa ng malakas si Ellison.

"Nababaliw ka na ba Ellison! Binabalaan kita pag may mangyaring masama kay Kier, di kita mapapatawad, tandaan mo yan hayop ka!" Sigaw ni Kaizzer sa kausap.

"Shhhh. Don't worry Kai, magkikita na kayo ng loviedubs mo. Makinig ka. Kung gusto mong makita si Kier, bago pa man siya tuluyang malaspag ng mga tao ko, sumunod ka sa mga sasabihin ko." Banta ni Ellison.

"Gagawin ko ang gusto mo Ellison basta siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama kay Kier." Paalala nqman nito sa kausap.

"Mabuti kung ganun. In 30 minutes, may susundo sayong kotse sa harap ng shop mo. Dadalhin ka nila kung saan kami naroon ni Kier. At binabalaan kita Kaizzer, huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis dahil may isa pang sasakyang susunod sa inyo para siguraduhing wala kang ibang gagawin kundi sumunod sa sinasabi ko."

"Tuso ka talaga Ellison. Tandaan mo to, sa oras na mabawi ko na sayo su Ellison, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo lahat ng kahayupan mo!" Muling banta ni Kaizzer.

"Saka mo nalang sabihin yan lahat pag nakarating kana dito. Bago mo patayin ang tawag, tingnan mo muna ang mukha ng pinakamamahal mong Kier." Agad na binuksan ni Ellison ang video at ipinakita nito si Kier na bugbog sardo ang mukha at bagmamakaawa.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon