Short update lang po ito...*****************************
Hello! Sino po sila?
"Hello si Kier ba ito?"
Ah opo ako po ito, bakit po?
"Hello iho, si tita mo ito."
Ah kayo po pala Mrs. Zandoval, este tita po pala. Bakit po pala kayo napatawag?
"Ah iho, wag kang mabibigla ha,,,? pero ang nanay mo di na niya kinaya, nagpahinga na siya..."
Ano po ibig niyong sabihin, ano po ang nangyari kay nanay?
"Sorry iho, kung nilihim namin na may sakit siya, Ayaw niya kasing ipagtapat sayo na may cancer siya. Patawad Kier, patawad. Akala ko may magagawa ang mga doctor dito pero..."
Hindi ko na nagawa pang sumagot pa kay Mrs. Zandoval dahil sa biglang pagbigat ng aking pakiramdam. totoo ba ang sinasabi niya? Hindi pwede yun! Hindi!
Naisip ko bigla si Kaizzer, malamang alam niya ang lahat ng ito. Siya ang parating nakakausap ng kanyang ina. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko at kusang humakbang ang mga paa ko palabas ng kwarto ko.
Kahapon lang ay nadurog ako dahil sa mga sinabi ni Kaizzer tapos pati ba naman ngayon yun agad ang bubungad na balita? Ano ba ang kasalanan ko at nangyayari ang mga ito? Lord naman, bakit parang sobra naman po ata ang ganito. Kung totoo man ang sinabi ni Mrs. Zandoval ay talagang di ko kakayanin. Pinaparusahan ba ako ng diyos?
Sobra ang iyak ko ng marating ko ang harapan ng pintuan ni Kaizzer. Naglakas loob akong kumatok. Ngayon ay hindi ako mahihiya. Hindi dapat ako mahiya. Alam kong alam niya ang nagyayari. Bakit di manlang niya sinabi, madaya sila.
"Knock!" "Knock!" "Knock!" "Knock!"
Kinatok ko ng malakas ang pinto. Matapang ko siyang haharapin ngayon. Marami akong dapat malaman.
"Sisirain mo ba ang...." Gulat ang mukha ni Kaizzer na humarap sakin lalo pa ng makita niya ang mga mata kong namumula na sa iyak. Isang matalim na tingin ang binitawan ko kahit tumutulo ang mga luha ko.
Sabihin mo nga sakin Kaizzer kung ano pa ang mga kailangan kong malaman bukod sa mga sinabi mo kahapon?, matapang kong tanong sa kanya.
"Anong sinasabi mo Kier? "Halatang kinakabahang sagot nito sakin.
Huwag ka nang magkaila Kaizzer, alam kong alam mo ang lahat ng nangyayari kay Nanay. Ayaw mong sabihin noon pa kasi galit ka sakin? Yun ba ang alas na tinatago mo para saktan pa ako ha? Lalong dumaloy ang maiinit pang mga luha nang sinabe ko ang mga katagang iyon.
Nakita kong napalunok ito at halatang kinakabahan. Hindi rin agad ito nakasagot sa mga sinabi ko, sahalip ay tumingin lang sakin, isang tingin na tila humuhingi ng tawad.
"Kier hindi kita maintindihan? Ano bang pinagsasabi mo? " Si Kaizzer na naguguluhan sa kung paano
Anong alam mo sa sinasabi ng Mommy mo! Ha? Tulyan na akong napahagulhol nang maisip kong muli ang sinabi ni Mrs. Zandoval sa telepono.
"Kier, sor...."
So, alam mo nga! Hindi ko na mapigilan ang galit ko. Pakiramdam ko ay niloko nila akong lahat. Gusto kong pilit na sabihin sa sarili ko na di totoo ang mga narinig ko kanina. Di ko kaya, kung totoo man ang sinasabi ng mommy niya.
Ito ba Kai, ito ba ang gusto mo? Ang makita akong lugmok at nahihirapan. Masaya kana ba sa nangyari, ha? Sapat na ba to para mapatawad mo ako sa nangyari kahapon, ha. Sapat na bang kabayaran ito sa wari mo na pinahiya kita at pinabagsak? Humahagulgol kung baling sa kanya. Wala na akong pakialam sa kung ano man ang mga sinasabi ko. Ang sakit ng kalooban ko. Di ko kayang mawala si nanay.Lord, huwag naman po please.
Habang patuloy sa pag-iyak si Kier ay linapitan ito ni Kaizzer. Si Kaizzer man ay nangngilid na rin ang mga luha. Akma sana niyang yayakapin ang kanyang kaharap upang pawiin ang bigat na dinadala nito ngunit itinulak lang siya nito.
Huwag ka nang magkunwari pa Kai, huwag mo nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Ngayon, magsaya kana dahil nasaktan ako ng sobra. Diba yun naman ang gusto mo? At tumakbo na nga pabalik sa kanyang kwarto si Kier.
Naiwang lumuluha si Kai, iniisip kung ano ang gagawin, kung paano magsisimulang kausapin si Kier sa ganung kalagayan.
Agad na kinuha ni Kier ang kanyang mga damit mula sa kanyang kwarto. aumiiyak niya itong inilagay sa loob ng kanyang bag. Halata sa binata ang pighati. Sobrang nasasaktan ito at labis ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mukha. Tumunog ang kanyang cellphone.
Calling Mrs. Zandoval...
Nang sagutin niya ito...
Hello iho, patawad kong nilihim namin sayo ito (umiiyak na panimula ng ginang) . Ayaw rin kasing ipaalam ng nanay mo ang kanyang kalagayan kaya di ko rin masabi sayo..
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin ni Mrs Zandoval. Malinaw na sakin ang nais niyang sabihin. Sobrang kinain ako ng lungkot, galit at poot. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw. Kung panaginip man ito gusto ko na talagang magising. Pero hindi pala, totoo ang lahat ng nangyayari.
Minabuti ko nalang na umalis na muna. Di ko alam kong babalik pa ako pero gusto kung mapagisa. Nang maayos ko na ang ilang damit ko sa bag at mailagay ko na ang ilang gamit ko ay lumabas na ako. Gusto kong pumunta sa tahimik na lugar. Gusto kung ilabas ang galit na nararamdaman ko. Gusto kong maibsan ang bigat ng pakiramdam ko.
"Kier saan ka pupunta?" Si Kaizzer na nagaalalang lumapit sakin.
Diba sabi mo kahapon na layuan na kita. Heto ginagawa ko na. Naalala ko rin noong sinabi mo noong una na di ako bagay dito. heto na Kai, aalis na ako. Sana lang Kaizzer, masaya kana na makita akong nahihirapan at nasasaktan.
"Kier, sorry sa mga sinabi ko. Hind..."
Tama na Kai, sobrang sakit na. Yung sinabi ng mom mo tungkol kai nanay. Ang sakit sakit nun, kaya please sana lang nakabawi na ako sayo kung ano man ang nagawa ko kahapon na ikinagalit mo, humahagulhol kung baling dito bago tuluyang lumakad palayo sa kanya.
Ito na ata ang pinaka masakit na araw na nagyari sa akin sa buong buhay ko. Sobrang sakit. Nakakapanghina parang tinakasan ako ng lakas. Di ko na lam ang gagawin ko. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Gusto ko lang ngayon ay mapag-isa. Nais ko lang na iproseso ang lahat ng bagay na biglaang ihinarap sakin.
habang lumilipad ang isip ko kakaisip sa mga nangyayari ay nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Unti unting lumalabo ang paligid. Ang aking mga mata ay tila gusto nang sumara, napagod na ata ang mga ito kakaluha. Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari. Sa sobrang pagod ko ay di ko na namalayan ang pagbagsak ko. Mabuti na rin ito.
Nay, nay, nay... pilit kong tinatawag si inay kahit di na kaya ng aking katawan. Abot kamay ko na siya ngayon. Nakangiti siya sakin. Nay, huwag niyo po akong iwan. Nay... at di ko na namalayan pa ang sumunod na mga nangyari...
AN: Yan po muna! Sinikap ko lang isingit ang pag-update ngayon. Sana po patuloy kayong kumapit sa istoryang ito. salamat sa mga sumusupurta. I really appreciate you all! I'll do more on this when i got enough time. Salamat po ulit! ️♥️♥️♥️
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...