Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagkrus ang landas ni Carlos na daddy pala ni Ellison at Mrs. Zandoval na nagbalik sa kanila sa mga kaganapan sa nakaraan. Sa kanilang naging pagkikita ay naging mas kumplikado ang sitwasyon ni Kier dahil na rin sa katotohanang di niya inaasahang malaman. Masyadong mabilis ang mga pangyayari noong mga sandaling iyon at hindi manlang sila nabigyan nang pagkakataon para magkaliwanagan at makapag-usap. Si Kaizzer man din ay di makapaniwala sa katotohanang kanilang narinig lalo pa't may malaking kaugnayan ang ginoong iyon kay Ellison. Hindi niya rin lubos maisip ang magiging pagbabgo kung sakaling totoo man na magkapatid sina Kier at Ellison. Maliban dito ay paniguradong may kailangan siyang ipaliwanag kay Ellison dahil pinili niyang magsinungaling kaysa paglaanan ng oras ang kanya ng boyfriend na si Ellison. Everything turned more complicated hindi lang sa kaso ni Kier kundi sa kanilang lahat. Panibagong palaisipan sa kanila kung paano maiintindihan ang rebelasyong hatid ng nakaraan.
"So dad, tell me now! Totoo ba yung mga narinig ko kanina?" galit na galit na tanong niya sa ama pagkarating nila sa kanilang bahay.
"Oo anak." sagot nito na guilty sa naging kasalanan kanyang kasalukuyang pamilya.
"Eh dad, bakit di mo manlang sinabi saamin noon pa, na may anak ka palang iba?" pasigaw na tanong nito sa ama.
"Ellison, anak sorry. Hindi ko alam, hindi ako sigurado noon, naduwag din akong ipaglaban si Regina."
"All these years dad! Nagawa mong itago yang deepest secret mo? Eh paano kung hindi pa tayo nagkitakita nila tita Kristel kanina? May balak ka bang sabihin saamin ni mommy yang sekreto mo?" bulyaw ni Ellison sa ama.
"Anak sorry! Gusto ko naman na ipaalam sayo iyon kaso hinihintay ko lang yung tamang panahon, anak. Natatakot ako na baka magalit ka saakin. Gusto ko rin kasing siguraduhin kung totoo nga na nagkaanak kami ni Regina. Kasi anak, maniwala ka man sa hindi matagal ko na siyang hinahanap." paliwanag ng ama.
"No dad! Hindi tama yang rason mo. Since I was a kid inidolo kita dahil para saakin ikaw yung the best dad sa mundo. You are my biggest inspiration, kayong dalawa ni mommy. Lahat ginagawa ko maipakita ko lang sa inyo how grateful I am to have a father like you ,tapos behind everything ganito pala. You lied to me dad! Sinungaling ka!" umiiyak at galit na galit na sumbat ni Ellison sa ama tsaka ito tumalikod at nagdadabog na umakyat patungo sa kwarto niya.
"Anak, wait. Sorry, anak. San ka pupunta?" paghahabol ng ama nito.
KIER'S POV
Tama po ba yung mga narinig ko kanina tita? Siya po ba yung tatay ko? Ito ang agad kong itinanong kay Tita Kristel ng makapasok kami sa kotse ni Kier.
Hindi agad nakasagot si tita, maluhaluha parin siya dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam sa naging pag-uusap nila ng daddy ni Ellison. Ipinagpaliban nalang muna namin ang pagbisita sa bahay. Pinili na muna naming umuwi dahil hindi naging maayos ang pakiramdam ni tita sa nangyari.
"Kier, iho, oo tama ka. Siya yung daddy mo. Pasensiya ka na kung sa ganoong paraan pa kayo magkakakilala. Hindi ko alam na daddy pala ni Ellison si Carlos. Simula pa noon di na ako nakabalita sakanya." maluhaluhang sagot ni tita saakin.
Okay lang po tita. Hindi niyo po kailangan magsorry. Ayos lang po saakin, ang mahalaga nakilala ko na siya. Masaya po ako kahit papaano dahil alam kong may tatay pa ako. Matagal ko pong ipinagdasal na makilala ko yung tatay ko.
"Eh mom, paano yan? Daddy rin pala ni Kier yung dad ni Ellison. Paano ngayon yan? I'm sure pati si Ellison hindi makapaniwala sa nalaman niya." nagtatakang tanong ni Kaizzer.
Naiintindihan ko ang ibigsabihin ng tanong ni Kaizzer. Oo nga naman, talagang magiging mahirap na ang sitwasyon ngayon. Pero, para saakin ayos lang, handa akong harapin kung anuman ang maaring mangyari. Mas natutuwa akong isipin na nakilala ko na ang tatay ko na matagal ko ng gustong makita.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...