This is the next part. It's been a long time.️♥️♥️♥️
Ilang araw na rin ang inilagi ko sa bahay nila Kaizzer kasama ang mom nito. Bawat araw na lumipas kasama si Kaizzer ay puno ng kasiyahan. Ramdam ko na rin na kahit sa mga simpleng paraan ay pinapatunayan niya ang kanyang pangako sakin na babawi siya.
Ilang araw na rin akong walang balita kay Evan. Masyado akong naging busy kasama si Kai at si tita. May ilang araw din na kami ni Kai ang magkasama pumasok at umuwi mula ng umalis ako kay Evan. Kakaiba ang saya na nararamdaman ko sa ilang araw na nagdaan at sa tingin ko iba ang kasiyahan ko ngayon kumpara noon. Halos makalimutan ko na rin si Evan. Sa una pa lang ay alam ko na magagalit siya sa ginawa ko, kaya siguro di niya manlang ako tinext o tinawagan simula noong araw na iniwan ko siya. I hope he'll know how much I am sorry for leaving him. I know I became selfish but I hope he will understand my reasons.
Medyo nagtaka lang din ako nang di ko siya makita sa University nang ilang araw. Di ko rin siya nakikita na kasama ang mga kaklase niya. Nag-aalala ako pero takot akong hanapin siya kasi baka sumbatan niya ako sa ginawa ko. Baka busy lang siya sa studies. Siguro kung ano man ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan man siya ay paraan ng pagganti niya saakin. Sana sa araw na magkita kami ay makaya ko siyang harapin at sana maintindihan niya rin ang naging desisyon ko.
Ngayon nga ay narito kami nila tita at Kaizzer sa opisina ng abogado na nakahawak sa mga documents na kailangan kong pirmahan. Nauna nang nai transfer sakin ang bank account ng biological mother ko. nang makita ko ang laman nito ay nasabi kong sobra sobra iyon para sakin. Kahit sa ibang bansa pa ata ako mag-aral, kayang kaya dahil sa laki ng halaga na iniwan skain ng ina ko.
May ilan pang mga documents at titles ng mga properties na inilipat na sa pangalan ko na kailangan kong pirmahan kaya kami bumalik ulit dito. hindi ko na halos inisa-isa ang pagbusisi sa laman ng mga papel, basta pinirmahan ko nalang ang mga ito at iniabot muli sa lawyer. Para sakin naman ay hindi ko kailangan nang maraming mga pag-aari para mabuhay ng masaya. Alam ko anaman sa sarili ko na sanay ako sa simpleng buhay simula pagkabata. Mas gugustuhin ko pa nga na kahit wala nalang ang mga yaman na iyan kong yaman ba na maituturing ang mga bagay na ito basta makasama ko lang ang tunay kong ina. Pero naiintindihan ko naman na di na pwede mangyari ang gusto ko. Pasalamat nalang din ako at may mga taong nasa tabi ko na pwede kong ituring na pamilya. Isa pa gaya nga ng sabi ni tita sakin, nariyan pa ang lolo at lola ko na pwede kong takbuhan. Si tita at Kaizzer, ay mga tao rin na itinuturing kong pamilya at maging sila ay ganun din sakin.
"Nahiya naman ako sa sobrang dami ng yaman na iniwan sayo ni tita," Tapik sakin ni Kaizzer nang lumabas kami at hinitay si tita habang nakikipag-usap pa sa attorney na nakahawak sa mga papeles.
Actually kung alam mo lang mas pilpiliin ko pang wala ang mga yan basta makakasama ko pa ang mama ko, may bahid ng pagkaasar na turan ko sakanya.
"Ito naman biro lang. Alam ko naman yun. Alam ko rin bago pa tayo muling magkita kung gaano ka kayaman... kaya nga gusto kitang asawahin (mahinang wka ni Kaizzer sa huli niyang sinabi),"at tumawa ito.
Anong sabi mo? paglilinaw ko sa huli niyang sinabi, medyo tumaas boses ko.
"Hanggang ngayon talaga pikunin ka parin, ansarap mo...paring inaasar dagdag pang pang-iinis ni Kaizzer habang nakatitig na animoy inaakit ang kausap.
Diyan ka na nga, di ka matinong kausap, at tinalikuran ko siya. Nagkunwari akong inis sa kanya.
"Uy sandali lang. ito naman parang naglalambing lang eh," habol niya sabay kuha ng kaliwang kamay ko.
Tumigil ako sa paglalakad pero di ko siya kinibo. Pinili kong hindi magsalita at magpakaseryoso nalang. Ako naman ngayon ang mang-aasar sa kanya. Sakto at hinihintay pa namin si tita na nasa loob ng opisina kasama ang lawyer. hinarap ako ni Kaizzer ngunit di ko parin siya pinapansin. Naglakad ako pabalik at nanatiling seryoso. Sige nga tingnan ko lang kung paano siya mabwisit sakin.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...