Sawadee Khup! Kumusta ang lahat? Ito na po yung sunod na update. Pasensiya sa mga nababagalan. Salamat sa support at appreciation.
Sa pagpapatuloy...
Pagkatapos ng kanilang klase ay naisipan muna ni Evan na yayain ang kanyang boyfriend na si Kier. Mga ala sais na iyon ng hapon at halos ang lahat ng estudyante sa kanilang university ay nagsisilabasan na rin. Halata sa kanilang mukha ang labis na init ng panahon. Tagaktak ang kanilang mga pawis dulot ng sobrang init kahit hapon na. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa Manila.
"Kanina ka pa ata tahimik? may problema ba babe?" Linya ni Evan na animoy alam na ang iniisip ng kasintahan. Oo tama kayo nang narinig, opisyan na na magkasintahan ang dalawa. Sa katunayan ay three years na sila. Simula noong umalis si Kier sa puder nila Kaizzer ay kay Evan at sa pamilya nito nahanap ang pagmamahal at pag-aaruga na tumulong sa kanya upang magpatuloy at magsimula muli.
"Wala Evan. Ayos lang ako," simpleng sagot ni Kier.
"Tara na sa may parking. Kain muna tayo bago umuwi," pag-anyaya ni Evan tiyaka inakbayan si Kier. Si Kier na malalim ang iniisip ay sumunod na lamang. Bakas sa kanyang mukha na tila naguguluhan ito sa kanyang iniisip. Bakas din sa kilos nito na wala itong gana, tila sobrang pagod.
Nang makasakay na ang dalawa ay agad namang pinaandar ni Evan ang kanyang kotse patungo sa sinasabi niyang kainan na pagdadalhan niya sa kanyang kasama. Nagtataka man sa inaasta ng kanyang minamahal ay binalewala niya na lamang ito. Alam niya sa sarili niya kung ano ang dahilan ng tila pag-iiba ng mood ni Kier. Ayaw niyang magkaroon lang sila ng di pagkakaintindihan ni Kier.
Simula noong araw na unang nagtagpo ang kanilang landas ni Kier ay di na ito nawala sa kanyang isipan. Lalo pa siyang napahanga dito nang malaman niyang matalino, masipag at mabait na tao si Kier. Kahit bago pa man si Kier sa dati nilang school ay nakitaan na ito ng maraming potential at di matatawarang talino gaya ni Kaizzer at gaya niya rin. Idagdag mo pa ang mapagkumbaba nitong ugali at pagiging magalang. Mas naging malalim ang pagtingin ni Evan noong mabigyan siya ng pagkakataon na makausap si Kier. Ito ay noong panahon na nagkita sila sa CR noong recognition ng kanilang paaralan para sa unang quarter ng taon. Alam niyang hindi magiging madali ang ipadama sa binata ang kaanyang lihim na pagtingin sa mga panahong iyon dahil nakikita niya rin kung gaano nagmamahalan sila Kier at Kaizzer nung mga panahong iyon. Ngunit, nakiayon ang panahon kay Evan, ang kanyang intensiyon kay Kier ay hindi lang humantong sa pangarap. Naging mabilis ang katuparan ng kanyang hiling na maipadama niya ang kanyang paghanga kay Kier at ito nga at mas lumalim hanggang sa tuluyan na siyang nahulog. Binalewala niya ang mga panghuhusga ng maraming tao pati ng kanyang pamilya hanggang sa tuluyang naintindihan ng lahat ang kanyang desisyon at naisipan ng kanyang pamilya na sa States sila magsimula ni Kier. Doon nila binuo ang kanilang pag-ibig.
"Dito na tayo Kier," nakangiting baling ni Evan. Tumango lang si Kier at muling nanahimik.
Inakay siya ni Evan papsok sa loob ng Spiral. Ang maganda at refreshing na ambiance ng lugar ay di ramdam ni Kier. Ni hindi niya manlang ito na-appreciate nang sila'y pumasok.
Kier's POV
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit biglang nawalan ako nang gana ngayong araw? Bakit pa siya nagpakita? Sa dinami-rami nang eskwelahan na pwede niyang pasukan bakit dito pa? Isa pa, ano yung inaakto niya, kailan pa siya natutong humingi ng tawad. Hindi kaya gumagawa na nman siya ng paraan para sirain kami ni Evan. Pero bakit iba ang naramdaman ko kanina, napaka weird ng feeling, di ko maintindihan. Tama ba na makaramdam ako ng awa sa kanya?
Si Evan, siya dapat ang iniisip ko pero, di ko magawang di maisip si Kaizzer. Si Kaizzer na ipinamukha sakin na isa akong katunggali. Siya na pinaasa niya lang ako na mahal niya ako. Bakit siya ang tumatakbo sa isip ko. Dapat si Evan, si Evan dapat ang dapat kung pagtuunan ng pansin at pagmamahal. Siya dapat ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...