Rivals to Lovers: 44 (Ending)

1.9K 66 16
                                    

KIER

Ang huli kong naalala ay kinakausap ako ni Kaizzer habang unti-unti ko ng nararamdaman na nanghihina ako at nangmamanhid ang aking buong katawan, nahihirapan akong huminga. Gusto ko na lamang pumikit. Nakikita ko si Kaizzer na umiiyak at kinakausap ako pero hindi ko na siya gaanong naririnig hanggang sa bumigay na ang katawan ko. Marami pa sana akong gustong sabihin bago ako mamatay kung iyon na talaga ang huling tagpo namin pero di na kaya ng aking katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng malapit ka ng mamatay? Hanggang sa bigla nalang puting liwanag ang aking nakita. Mag-isa lang ako sa maliwanang na lugar na iyon. Nakakasilaw.

"Patay na ba ako?" Tinanong ko ang sarili ko.

Nakarinig ko ang isang boses. Boses ng isang babae. Tinawag niya akong anak.

"Kier, anak!" Turan ng babae.

"Nay, ikaw po ba yan?" Tanong ko dito.

"Oo anak! Masaya ako na makita ka at makausap."

"Ha? Nakikita niyo po ako? Nasaan po kayo? Bakit wala po akong ibang makita kundi puro puting liwanag?" Mgkakasunod na tanong ko sakanya.

"Oo anak, nakikita kita. Hindi pa panahon para magkasama tayong muli anak. Hindi ka pa pwedeng mamatay, maraming tao pa ang naghihintay sayo. Bumalik ka anak, kailangan mong mabuhay. Lagi mong tatandaan na andito lang si mama, lagi kitang gagabayan. Lumaban ka Kier, kailangan mo pang mabuhay." Mahabang paalala ng babaeng nagpakilalang mama ko. Pagkatapos nito ay naging madilim ang lahat. Wala akong makita, walang kahit ano. Tanging mga tinig lang ng ibat'-ibang mga tao ang aking naririnig.

Naisipan kong magdasal na lamang at humiling sa diyos na bigyan ako ng pagkakataon na makasama pa ang mga taong mahal ko, lalo na si Kaizzer. Gusto kong magkasama pa kami ng matagal at bumuo ng masasayang alala.

Sinubukan kong muling idilat ang aking mga mata. Sa awa ng diyo nakakita ako ng liwanag mula sa itaas. Buhay pa ako! Gusto kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Napaluha ako sa tuwa. Thank you lord! Maraming salmat po talaga! Makikita ko ng muli si Kaizzer, si tatay at sila tita.

Binaling ko ang aking tingin sa gilid ng kamang aking hinihigaan at nakita ko ang isang lalaki na nakadumog habang nakahawak sa aking braso. Muling tumulo ang aking mga luha dahil sa sayang aking naramdaman ng makilala ko kung sino ang taong iyon. Pinilit kong iginalaw ang aking mga kamay upang hawakan ang pisngi ng taong pinakamamahal ko. Namiss ko siya ng sobra. Nabigla siya at naalimpungatan.

"Kier! Baby, totoo ba to? Gising ka na? Doc!" Gulat ang kanyang reaksiyon at nabilis na tinawag ang doctor.

Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Agad niya namang hinalikan ang kamay ko. Kita ko sa kanya ang sobrang tuwa. Tuwa na di mo maipaliwanag katulad ng nararamdamn ko ngayon, di ko man magawang sabihin.

...

One week later

"Hello baby! I'll be there in fifteen minutes." Si Kaizzer sa kabilang linya.

"Bilisan mo, marami ng tao. Andito na rin ang mga katrabaho mo at sila tita. Saan ka pa ba kasi?" Nagaalalang tugon ni Kier.

"Ahm, may kinuha lang akong. Mabilis lang promise baby."

"Baby ka ng baby, alam mo pansin ko mula noong nagising ako sa hospital di mo na ako tinantanan ng kakatawag ng baby. Di ako aware na yan ang endearment natin." Natatawang sagot ni Kier.

"Oo nga eh, hinihintay ko nga rin na tawagin mo ako ng baby, eh!" Medyo pabebeng boses ni Kaizzer sa kabilang linya.

"Asus, corny mo! Sige na bilisan mo na ha at ingat sa pagdradrive, Baby!" Napangiti si Kier pagktapos niyang sabihin iyon.

Rivals to Lovers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon