Flashback
Kinabukasan pagkatapos na pinirmahan ni Kier ang mga papeles mula sa kanilang family lawyer na si Atty. Baniaga ay inihatid rin siya ni Mrs. Zandoval sa bahay ng kanyang lolo't lola. Hindi lubos makapaniwala si Kier na makikita niya sa unang pagkakataon ang kanyang lolo't lola.
Nabalot ng iyakan ang bahay ng pumasok sin Kier at Mrs. Zandoval sa bahay ng kanyang lolo't lola. Labis ang pananabik ng dalawang matanda sa kanilang apo na matagal nilang hindi nasilayan.
"Apo ikaw na ba yan?" tanong ng kanyang lola, at niyakap ito ng napakahigpit. Agad din namang lumapit ang kanyang lolo at niyapos ang kanilang nag-iisang apo.
"Patawarin mo sana kami iho sa mga kasalanan at kapabayaan namin sayo at sa mommy mo." wika ng kanyang lolo. "Hayaan mong makabawi kami sa iyo. Pangako gagawin namin ang lahat para makabawi sayo, iho." dagdag pa ng kanyang lolo.
Si Kier ay di na rin napigilan ang pag-iyak. Magkahalong saya at di makapaniwalang pakiramdam ang bumabalot sa kanyang damdamin. Sa wakas ay nakapiling niya na rin ang totoo niyang pamilya. Ang pamilyang matagal niyang inasam. Hindi man niya kasama ang kanyang ina, ramdam niya parin ang presensiya nito na animo'y kayakap niya na rin sa ngayon.
Walang araw ni oras na sinayang ang matatanda sa pagbuo ng masasayang ala-ala kasama ang kanilang nawalay na apo. Lahat ng paraan na alam nilang ikakasaya ni Kier ay ginawa nila. Araw-araw nilang pinaramdam kay Kier kung gaano nila ito kamahal. Wala din silang sinayang na oras upang makabawi sa kanilang apo. At sa mga natitirang mga buwan ng dalawang matanda ay lalo silang naging masaya at naging payapa ang kanilang mga isipan.
Ngunit ang lahat ng iyon ay mabilis ang hangganan. Matatanda na ang lolo't lol ni Kier kaya marami na rin silang komplikasyon sa kanilang kalusugan. Hindi narin sila nagtagal. Naunang namatay ang lolo ni Kier. Makalipas ang isang buwan ay sumunod naman ang kanyang lola. Masakit isipin para kay Kier na mabilis na kinuha ang kanyang mga mahal sa buhay.
"Kier apo, lagi kang magpapakatatag ha. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Higit sa lahat huwag kang malulungkot dahil malulungkot din kami ng lolo at ng mama mo sa langit. Maging matapang ka lagi apo. Lagi mong tandaan, mahal na mahal ka namin." bilin ng kanyang lola bago nito tuluyang ipikit ang kanyang mga mata at mawalan ng malay."
"Lord gusto ko po sanang magtampo sa inyo dahil sa nangyari. Bakit po ganun, ilang buwan ko palang silang kasama tapos kukunin niyo na agad. Lord, ang sakit po masyado. Pero kung yan ang kagustuhan niyo tatanggapin ko nalang po, kahit sobrang lungkot, kahit sobrang sakit. Sana po gabayan niyo ako na makayanan ko ang mga pagsubok na darating pa sa buhay ko. Sana po masaya sila lolo't lola dahil makakasama na nila si mama." pagsumamo ni Kier sa panginoon noong sandaling iniwan na rin siya ng kanyang lola.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...