"Love is anywhere. Like any other thing, it defies space and time. Love is even here in Wattpad. "
Thank you sa mga reads. Thank you sa pagsubaybay, Thank you sa lahat nang appreciation sa istoryang ito. You guys really encourage me more to write more creatively and beautifully. Sa mga nakakarelate, at natotouch, just suggest how you like the story will proceed. I will try to consider your suggestions down. Salamat! ️♥️♥️♥️
Kaizzer's POV
After ng aming first quarter exam ay minadali kong umuwi para i-prepare ang aking plano. Hindi naman ako nahirapan sa pag-sagot sa mga exams dahil gaya ni Kier ay nag review ako ng todo. Pagkauwi ko ay agad kong nagpalit ng damit at kumain. Inihanda ko na rin ang mga kakailanganin namin sa aming plano. Pagkatapos kumain ay agad kong tinawagan si Crisfer para kumustahin ang mga binayaran naming mga mama na dudukot kay Kier. Nang sabihin nitong okay naman na ay agad na akong nagtungo sa salon para magpa make over.
" Oh hello! You must be Kaizzer," salubong sakin ng tita ni Crisfer na may ari ng salon na pinuntahan ko. First time kong pumunta rito kaya medyo di pa ako kilala ng tita ni Crisfer.
Ah, yes po. Ako nga po, magalang kong sagot dito.
"So, let's get started. Alam ko na ang gagawin dahil sinabi na ng magaling kong pamangkin. And by the way you're bestfriend pala ha. Wala kasi siyang sinasabi sakin. Anyways, don't mind it. Let's do this para matapos na.
Tumango nalang ako bilang tugon.
Makalipas ang hals isang oras na kung ano-anong paglalagay ng ibat-ibang mga make up ay natapos rin. Sa nakikita ko sa salamin ay masasabi kong magaling ang tita ni Crisfer. Nagmukha na talaga akong nabug-bog ngayon. Gwapong nabugbog pala, I should said. Medyo mainit nga lang kasi naglagay sya ng manipis na prosthetic skin sa mukha ko para mas maging realistic ang effect ng aking hitsura. Ako man din mismo ay di maipaliwanag kung paano niya ginawa ang hitsura ko ngayon. She really has the artistic hand.
"Don't worry rich sa mineral oil ang ginamit kong mga makeup at unscented ang mga yan kaya di malalaman ng taong lalapit sayo na fake ang hitsura mo. Trust the cosmetic products of Paris." Sabi nito saakin habang chinecheck ko sa salamin ang hitsura ko.
Tama nga naman siya ako man din ay di halos makapaniwala na fake skin ang itinapal sa mukha ko. Talagang parang natural lang ito. Yung mga bruises and black eye pati ang iilang blood stain sa mukha ko ay halos katulad talaga ng totoo. Napakagaling talaga.
"By the way, ito na pala ang isusuot mong costume," at iniabot niya sakin ang naka hanger na polo. Sa unang tingin ko palang eh talaga naman na match ito sa looks ko ngayon.
Ah tita thank you po for helping me with these stuff, pagpapahayag ko naman ng pasasalamat at ngumiti dito.
"No problem iho. Sana mag best in talent ka sap agent mo," at ngumiti na rin ito.
Medyo nalito ako sa sinabi niya at napaisip. Agad ko naming naalala si Crisfer. Ah oo nga baka yun yung sabi niya sa tita niya na dahilan ng pagpapaayos ko today.
Ah, hehe, thank you po tita.
"Your welcome!"
Pagkatapos kong magpaalam sa tita ni Crisfer ay agad na akong nagbayad sa cashier. Nakasulit talaga ako ngayon dahil naka 50% discount pa ako sa salon nila. Talagang sang –ayon ang panahon sa plano ko.
Oh hello pare! Ah oo katatapos lang papunta na ako diya.
"Bilisan mo malapit nang dumating ang mga dumukot kay Kier. Baka magising yun agad lagot na ang plano mo."
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomanceLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...