We define love as how we define the kind of life we want to live. Pero hindi naman ganun kadali ang lahat dahil maraming kaganapan ang pwedeng mangyari. Kadalasan, mas napakaraming masasamang mangyayari bago natin maranasan ang masasayang mga bagay. Ngunit, ganunpaman, sadyang kaparte na ng buhay at pag-ibig ang mga pagsubok, mga pagsubok na susukat sa tatag at lalim ng ating hangad na makamtan ang ating mga mithiin sa buhay, ang ating sariling bersyon ng happily ever after. ♥️♥️♥️
Sa pagpapatuloy...
Halos ilang araw ding hindi nagparamdam si Ellison sa dalawa, maging sa kanyang mga magulang. Ang paalam di umano niya sakanyang ama ay magbabakasyon lang ito para makapagisip-isip at bigyan niya ang sarili ng oras para magpahinga. Ngunit, taliwas sa pinaniwalaan nilang dahilan ay ang kanyang masamang balak sa buhay ng kanyang sariling kapatid at sa taong pareho nilang mahal.
Kasalukuyang nasa loob ng kotse si Ellison habang nakamasid sa tapat ng bahay ni Kier. Kasama niya ang isa sa kanyang mga tauhan. Mula sa kotse ay nakita niyang hinatid ni Kaizzer si Kier sa bahay nito.
"Sinisiguro ko sa inyong dalawa Kier at Kaizzer na hinding-hindi kayo magiging masaya. Ngayon pa lang ay sulitin niyo na ang mga maliligaya niyong sandali dahil ilang oras lang ay matitikman niyo na ang aking ganti. Kung may magiging talunan man sa ating tatlo, sisiguruhin kong hindi ako 'yun," banta ni Ellison sa dalawa.
"Tamang-tama dahil handa na ang mga taong binayaran ko para sa aking planong paghihigante sa kanilang dalawa. Simple lang naman ang gagawin ko, sisiguraduhin ko lang naman na mararanasan nila ang pinakasakit na bagay sa mundo, at iyon ay ang makita nila ang isat-isang nahihirapan. I want them to feel the
greatest pain in their lives. Gusto kong maranasan nila kung gaano kasakit ang makita nilang nahihirapan ang isat-isa hanggang sa magmakaawa sila saakin, gusto kong magmakaawa sila para mabuhay," bulong ni Ellison sa sarili nang makitang pumasok na si Kier sa loob at umalis na ang sasakyan ni Kaizzer."Sir, umalis na po yung kotse. Ano na pong gagawin natin?" tanong ng kasama nito na siya ring driver niya.
"Tara na!" at pinalapit niya ang kotse nila sa mismong tapat ng gate ng bahay ni Kier.
"Oh, hello, bakit ka pa tumawag di ba nagmamaneho ka? May nakalimutan ka ba?" tanong ni Kier nang kanyang sagutin ang tawag mula kay Kaizzer.
"Ah wala lang, may nakalimutan lang akong sabihin sayo..." tila nanglalambing na sagot ng kabilang linya.
"Ano ba yun?" nagtatakang si Kier.
"I love you!" biglang sabi ni Kaizzer.
Napangiti si Kier nang marinig ang mga salitang iyon. "Baliw! Akala ko ba naman kung ano na..."
"Bakit, ayaw mo ba?"
"Haaay naku, mabuti pa magmaneho ka na diyan at mag-ingat ka. Mamaya ka na tumawag pag nakarating kana sa shop." Bilin ni Kaizzer.
"Teka lang, di mo pa ako sinasagot eh."
"Huh, nang ano?"
"I love you!" Muling sambit ni Kaizzer.
"Okay, okay, I got you baby. Yun lang naman pala eh. I love you, too." Natatawang sagot ni Kier.
"Tintawanan mo naman ako eh." Nagtatampong sagot ni Kaizzer.
"Seryoso, I love you! I mean, I love you too."
"Sige na nga. Pahinga ka na Kier. Mag-usap nalang ulit tayo mamaya."
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
RomantikLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...