Hello po everyone, sorry for the long wait. I've been into dramatic situations. Anyways, ito na ang kasunod.
Napagdesisyunan ni Kaizzer na ihatid na si Kier. Naging okay naman na ang pakiramdam ni Kier. Gabi na rin at malamig na ang ihip ng hangin. Kasabay nang paglamig ng gabi ay ang pagkalma ng nagngingitngit na damdamin ni Kier. Hawak hawak ni Kaizzer ang kamay ni Kier at kanilang tinungo ang sakayan pauwi.
"Sa amin kana kaya muna matulog Kier," pagyayaya ni Kaizzer.
"Hindi pwede Kai, kailangan kung umuwi. Baka nag-aalala na si Evan." Mahinang sagot ni Kier.
"O sige, ihatid nalang kita doon."
Ilang minuto rin silang naghintay ng taxi. Habang naghihintay ay di maiwasang hindi titigan ni Kai si Kier na bakas parin ang lungkot sa mga mata nito. mas hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay nito at paminsan-minsan niya itong pinipisil. Si Kier naman a nakatanaw lang sa kabilang parte ng kalsada at tinitingnan ang mga taong paroo't parito. May mga pamilya, magkasintahan, mag-isa at marami pang klase ng tao ang naglalakad sa pasilyo sa tabi ng kalsada.
"Baka gusto mo munang kumain Kier. Parang matatagalan tayong makahanap ng taxi." Baling ni Kaizzer. Parang di naman iyon narinig ni Kier dahil walang reaksiyon galing sa kanya, siguro dala na rin ng ingay ng mga sasakyan at mga taong dumadaan, idagdag mo pa na tila malalim ang iniisip nito. Muling nagsalita si Kaizzer sabay akbay sa katabi.
"Bakit Kai?" Takang tanong nito. Ngumiti naman si Kaizzer sa kanya bago nagsalia," Tama na kasi ang pag-iisip mo, malungkot ka na nman kasi eh. Kain kaya muna tayo bago umuwi, para kasing matatagalan tayong makakuha ng taxi. Naiwan ko kasi kay mom yung cellphone ko para tawag sana tayo ng Grab taxi." Mahabang linya ni Kaizzer.
Tanging tango lang ang naging tugon ni Kier. Inakbayan siya ni Kaizzer at saka sila gumayak patungo sa kainan malapit sa kanilang kinaroroonan. nagulat si kaizzer ng umakbay rin sa kanya si Kier nang naglalakad na sila. Kahit seryoso at malungkot parin ang mukha ni Kier ay laking tuwa ang naramdaman ni Kaizzer sa kanyang kalooban. Nginitian ni kai si Kier saka sila nagpatuloy sa paglalakad.
Sa buhay natin di natin batid kung kailan tayo masasaktan at liligaya. May mga panahon na puno tayo ng kasiyahan sa ating paligid, sa sarili at sa iba ngunit dumarating rin ang mga pagkakataon na tayo ay hinahamon ng mga masasakit na sitwasyon kung saan tayo ay lubusang naapektuhan at napanghihinaan ng kalooban na magpatuloy at lumaban. Hindi nga naman madaling maglakbay sa daan tungo sa inaasam nating buhay. Maraming pagsubok at mga balakid ang nariyan para tayo ay hamakin ngunit kung haharapin natin ito kasama ang ating mga mahal sa buhay ay mas gumagaan ang bawat hamon na nakaabang.
Tulad ni Kier na ngayon ay sinusubok ng tadhana, marami ring tao ang dumaranas ng mga pighati dulot ng nakaraan na ibinabalik ng kasalukuyang panahon. Bakit ba kasi ang hirap talikuran ng kahapo? Minsan sa buhay natin, akala natin ay nakalaya na tayo sa mga mapapait na nakaraan ngunit nakakagulat nalang na ito'y muling ibinabalik ng panahon para tayo ay muling pahirapan. Siguro nga hindi lang natin dapat iniiwasan ang mga bagay na naging kapartwe ng ating nakaraan. Bagkus, kailangan na ang bawat piraso ng pagsubok na noo'y ating nakaharap ay hindi lang natin dinaanan kundi atin ding hinarap at napagtagumpayan upang hindi na tayo gambalain sa ating pananahimik sa kasalukuyan maging sa hinaharap.
Agad na omorder si Kaizzer ng pagkain nilang dalawa. Si Kier ay tahimik parin at tulala lang sa kanyang kinauupuan. Dahil medyo nagaalala na si Kaizzer ay kinausap niya na ang kanina pang nakatulalang si Kier.
"Mukhang kanina ka pa ata malalim ang iniisip Kier. Sabihin mo lang kung may ishashare ka, makikinig naman ako eh," malambing na sabi ni Kaizzer.
"Wala, okay lang ako Kai." Sagot ni Kier.
BINABASA MO ANG
Rivals to Lovers
Lãng mạnLove is one of the hardest thing to define! Ang kahulugan nito ay nakadepende sa taong nagmamahal. It's incomparable.Walang sino man ang pwedeng magdekta kung kanino at kailan mo ito mararanasan. In the end, masarap magmahal lalo na kung nahanap mo...